hinahatid na ako ni kuya pauwi sa bahay galing sa park. nagkukulitan kami sa daan ng may biglang tumawag sa pangalan ni kuya Angelo.
"ANGELO. . . ." sabay pa kaming napalingon ni kuya mula sa pinanggagalingan nung boses. isang babae. naka mini skirt ito at naka high heels pa kaya magkasingtangkad na sila ni kuya , in short ang sexy sexy ng babae..
"Coleen?..." parang nagulat si kuya. kilala niya pala ang babaeng to..
"Angelo ikaw nga...kumusta kana?" lumapit yung babe sa amin ni kuya....
"aah o-ok lang ak---"
"i missed u.." nagulat ako dahil bigla niyang niyakap si kuya kahit di pa ito tapos magsalita. nakatulala lang ako sa harap nila..
para namang may kung anong tumusok sa puso ko sa nakita ko lalo na nang hinalikan niya pa si kuya sa pisngi. di ko na kinaya yung nakita ko kaya napatakbo ako pauwi.
naiinis ako kay kuya Angelo, bat niya hinayaan yung babaeng yun na yakapin at halikan siya? girlfriend niya ba yun? bat di niya sinabi sakin?
di ko namalayan na umiiyak na pala ako. ang sakit kasi nang nakita ko eh. di ko alam kung bakit.
pagdating ko sa bahay wala si lola kaya dumeretso agad ako sa kwarto at nagkulong. iyak ako ng iyak habang nakadapa, kahit pinipigilan ko yung luha ko pero hindi tumitigil ang pag-agos. ang sakit sakit talaga ng nararamdaman ko. sobra pa sa naramdaman ko nung hindi ako binili ni lola nung blue bear at mas doble pa kesa sa sakit ng sugat ko sa tuhod nung nadapa ako dahil iniwasan ko si kuya.. ang SAKIT SAKIT talaga.. bat ganito??
bigla kong napansin yung blue bear na binigay ni kuya Angelo. nasa kama din kasi ito. kinuha ko siya at niyakap ng mahigpit..
"blue bear bakit ang sakit? di ko na maintindihan ang sarili ko... tulungan mo'ko... huhuhu"
di ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko... nakatulog ako habang andito parin yung sakit...
BINABASA MO ANG
May - December LOVE
Teen Fictionthe story of a 13 yr-old girl who fell inlove with a 24 yr-old boy .. Should this May - December love last ?