*10

171 4 1
                                    

kakatapos lang ng libing ni lola pero andito parin ako sa sememtero sa ibabaw ng libing niya, ayoko munang iwanan siya ngayon...

"lola sorry po..."

"Arla.." narinig ko ang boses ni kuya.. "Arla andito ang tita Vicky mo..." napalingon ako at nakita kong kasama ni kuya si tita Vicky... tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya..

"tita wala na ang lola ko.."nag iisang kapatid si tita Vicky ni mama , wala na akong ibang tiyahin o tiyuhin maliban sa kanya. nag-iisang anak kasi nina lola Dina si papa.. si tita Vicky ang nagpapaaral sa akin, wala siyang asawa o anak kaya simula noong nawala sina mama at papa siya na ang sumusuporta sa akin. sa Canada siya nagtatrabaho..

"excuse me po.." umalis muna si kuya para makapag-usap kami ni tita..

"Arla nakikiramay ako...nang malaman ko ang nangyari ay nagpaalam talaga ako sa boss ko dahil alam kong nahihirapan ka ngayon..."

"tita si lola...si lola..." iyak parin ako ng iyak..

"Arla ganyan talaga, kailangan mo nang tanggapin yun para maging mapayapa ang lola mo kung nasan man siya ngayon..." mas madali sanang tanggapin kong hindi ako yung dahilan..

"Arla anak, sumama kana lang sa akin...sa Canada mo na ipagpatuloy ang pag-aaral mo...nag-iisa kana lang dito, walang mag-aalaga say... ha Arla ? sumama kana kay tita...." siguro nga dapat na muna akong lumayo dito, pag andito ako maalala ko lang yung nangyari kay lola... siguro dapat na muna akong sumama kay tita sa ibang bansa, kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral, kailangan kong ipakita na mali ang iniisip ng mga tao tungkol sa akin...

"opo tita, sasama po ako sa inyo.." niyakap ulit ako ni tita, then i saw kuya Angelo, nagpupunas ng luha sabay alis..

"tita sandali lang po"

"oh sige Arla babalikan nalang kita ulit ha.. aasikasuhin ko na yung mga papeles na kakailanganin mo..."

"salamat po tita.. ingat po kayo..." nagmadali akong sundan si kuya Angelo...

***

"Akala ko ba Arla walang iwanan? bakit ngayon aalis ka? ha? sabihin mo sakin...." kitang kita ko ang galit sa mukha ni kuya. ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit..

sinundan ko siya kanina at dito siya pumunta sa park...

"Ano ngayon Arla?" galit na galit parin si kuya sakin at sinisigawan na niya ako..

nigla nalang bumuhos ang luha ko at napaupo ako sa damuhan.. "kuya sorry... sorry..." ayaw ko naman talagang umalis, ayokong iwan siya pero ito yung dapat kong gawin sa ngayon... "kuya sorry. . . ." yu lang yung salitang lumalabas sa bibig ko..

lumuhod si kuya sa harapan ko. "sshh tama na Arla, tama na.. sorry din.. nasigawan kita.." nawala na yung galit sa mukha ni kuya... "ayoko lang talagang mawala ka." hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay idinikit niya an gnoo niya sa noo ko.. nakita kong may luha naring tumutulo sa mga mata ni kuya..

"kuya hindi ako mawawala, aalis lang ako kasi ito yung dapat kong gawin sa ngayon... mahal na mahal kita kuya pero siguro hindi pa talaga ito yung tamang panahon para sa ating dalawa..." magkadikit parin ang mga noo namin habang pareho kaming  umiiyak.. "kuya wala na si lola, si tita Vicky nalang ang maaasahan kong tutulong sakin para makapagtapos ng pag-aaral... kuya mahihintay mo ba ako hanggang sa umabot na ako sa tamang edad?"

huminga ng malalim si kuya at hinalikan ang ilong ko...

"mahal kita Arla, handa akong maghintay kahit kailan pa yun. hihintayin ko ang tamang panahon para sa ating dalawa...hihintayin ko yung araw na maiintindihan na tayo ng mga tao sa paligid natin" napangiti ako... "pero sana pag dumating yung araw na yun hindi pa ako masyadong matanda no?.... hehe" napatawa kaming pareho sa sinabi niya...

"kuya ano kaba, kahit gano kapa katanda sa mga araw na yun ikaw parin ang mamahalin ko....hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino.....promise ko yan sayo..." pinisil niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko...

"promise mo yan ha? I LOVE YOU baby girl.." kinuha niya ang mga kamay ko saka nilagay sa magkabilang pisngi niya... "kahit anong mangyari magiging tayo parin sa huli..."

"I LOVE YOU din kuya Angelo..."hinalikan niya ang isang kamay ko na nasa pisngi niya... saka ako niyakap ng sobrang higpit at kinantahan..

Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na'ko marinig

Ikaw parin ang buhay ko

niyakap ko rin siya ng sobrang higpit..... kasi alam ko ito na ang magiging huli. . . . .

------------------------------------------------------------------------------------

weeeh final chapter na po yung susunod at matatapos na to.. maraming salamat po sa patuloy niyong pagbabasa :))

abangan ang ending ng love story ni Angelo at Arla <3

May - December LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon