AFTER 10 YEARS. . . . .
(tingnan nyo nalang po yung picture sa gilid kung ano na itsura nila after 10yrs.. ENJOY !)
"will you marry me?" kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal at sincerety habang sinasabi niya ito..
"yes... yes ofcourse i will marry you..."
nagpalakpakan lahat ng mga tao sa paligid ng restaurant...
"awwww nakakinggit naman sila... at dito pa talaga niya piniling mag propose sa restaurant natin... no maam Arla ?"
nagulat ako sa biglang pagsulpot ng assistant ko na si Mary sa likuran ko.
"ah ha? ah yeah...." sagot ko sa kanya..
its been 10 years simula noong sumama ako kay tita Vicky sa Canada. nakapagtapos na ako ng pag-aaral sa tulong ng tita ko, Last year pa akong nakauwi dito sa Pilipinas at nakapasok as manager sa isa sa pinakamalaking Chinese restaurant dito sa lugar namin noon, ang . pagmamay-ari ito ng kaibigan daw ni tita na hindi ko pa na me-meet hanggang ngayon... ayaw kasi sabihin eh, feeling ko nga yun yung lagi niyang kausap sa phone...
nanibago ako pagkauwi ko dito, ang dami na kasing nagbago simula noong umalis ako.... umasenso na talaga... at kung itatanong niyo si KUYA ANGELO ? ito lang masasabi ko.. EWAN !... simula noong umalis ako hanggang sa nakabalik ako dito sa Pilipinas wala akong balita sa kanya... sinubukan ko na ring magtanong-tanong pero wala akong napala... pero aaminin ko kahit sampung taon na ang lumpias hindi parin nagbabago yung nararamdaman ko para sa kanya... siya parin ang laman ng puso ko hanggang ngayon... ni hindi ko siya pinagpalit kahit marami akong naging manliligaw noong nasa Canada pa ako... siya parin talaga ang mahal ko at kahit konti hindi yun nagbago...
pero mukhang pinapaasa ko lang yung sarili ko na magkikita pa kami ulit, na magiging kami parin.. talagang hindi na yata mangyayari ang mga salitang "kahit anong mangyari magiging tayo parin sa huli"
"haaayyy" napabuntong hininga ako sa iniisip ko...
"ahm maam, excuse me po... ok lang po ba kayo maam?" si Mary..
"ah yeah dont mind me.... masyado lang akong nadala dun sa scene kanina..." palusot ko sa kanya...
"naku maam, alam ko na yan eh.. alam niyo po kasi maam dapat magboyfriend na kayo... sayang yung ganda niyo.... at saka nasa tamang edad kana maam, dapat kanang magmahal..." feel na feel pa niya habang sinasabi niya yunn...
"hayy naku Mary kung alam mo lang.." kung alam mo lang kung gano ako kaagang nagmahal.. "oh sige na aalis na ako.. ikaw na muna bahala dito at kanina pa talaga sumasakit yung ulo ko..."
"ok maam... ingat po :) " bago ako tuluyang umalis tiningnan ko muna ulit yung couple kanina... they look so happy together... kung andito lang sana si kuya Angelo ko...
hindi muna ako umuwi ng bahay, dumaan ako sa dating park na pinupuntahan namin ni kuya noon... pag namimiss ko si kuya sito ako laging pumupunta... hindi naman siya kalayuan dun sa restaurant.. marami naring nagbago sa park nato... pero hindi nun mabubura ang mga alala namin ni kuya dito.. lalong lalo na ang punong nasa harapan ko ngayon, dito kami nagkaaminan ni kuya, dito kami nangako sa isa't isa..
umupo muna ako sa ilalim ng puno, medyo dumudilim na rin kaya ang lamig na ng hangin... bigla namang nag ring ang phone ko sa bag ko... pagtingin ko si tita pala..
"hello tita..."
(where are you Arla?)
"ahm tita andito po ako sa park malapit sa restaurant... nagpahangin lang po.. bakit po?"
BINABASA MO ANG
May - December LOVE
Teen Fictionthe story of a 13 yr-old girl who fell inlove with a 24 yr-old boy .. Should this May - December love last ?