Chapter 7

7 3 0
                                    

" wait. So you know each other already?" Naguguluhang tanong ni Nathan samin. Sabay kaming tumango ni Tom.

"Good then" sabi nya at na una nang pumasok.

" Come in" nakangiting anyaya ni Tom sakin. Tumango ako at pumasok na sa loob.

" Uhmm. So, Nathan is your boybesfriend?" Nagtatakang tanong ni Tom. Tumango ako.

" At ikaw pala yung pinsan nya? Pero Tj kasi yung pangalan ng  pinsan nya?" Naguguluhang tanong ko pabalik sa kanya.

" Ahh. Tj, Tom Jaile for short. Yan kasi yung naka sanayang tawag nila sakin because my name is too long" sagot ni Tom habang naglalakad kami.

Ah, kaya pala" sagot ko.

"Teka!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Nathan saming harapan.

"Ano ba yan Nate! Ba't bigla bigla ka nalang dyan sumusulpot?!" Sigaw ko sa kanya. Habang ang kamay ko'y nakahwak parin sa king dibdib.

"May dapat ba akong malaman sa inyong dalawa?" Papalit palit ng tingin si Nate samin.

"Ziel?" Napatingin si Nate sakin. Tinaasan ko lang sya nang kilay.

"Tj?" Kay Tom na naman nakabaling ang kanyang paningin ngunit wala din syang nakuhang impormasyon. Tinawanan lang sya ni Tom at nauna na nang pumunta sa kusina.

Akmang susunod na ako kay Tom nang bigla akong pigilan ni Nate. Napatingin ako sa kanya.

"Problema mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

" May hindi ka sinasabi sakin eh."

" Ano ka ba! Hindi na ako bata upang magsumbong sayo tuwing may nangyayari sa buhay ko Nate" nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti nalang din sya at ginulo ang buhok ko.

" Basta kapag kailangan mo nang kaibigan nandito lang ako" sabi nya at sumunod na sa pinsan nya.

-------
Balak ko sanang umalis na at umuwi nang makasunod ako sa  kanila sa kusina ngunit hindi ko din naman nagawang tanggihan ang paanyaya nilang hapunan kaya sabay-sabay kaming kumain nang hapunan.

"Thank you sa dinner. Mauna na ako sa inyo." Pagpapaalam ko kay Tom at Nate.

"Ihahatid na kita sa labas" suhestyon ni Tom na hindi ko din naman natanggihan.

" Be careful. Goodnight" sabay kiss ni Tom saking noo. Nagulat man ako, pero nakuha ko padin syang tanguan.

-ally💚

Desperate Love (On-Going)Where stories live. Discover now