Chapter 9

2 1 0
                                    

Mag-iisang linggo na na hindi parin tumatawag si Tom sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang nawalan kami ng komunikasyon. Ang alam ko wala naman kaming pinag-awayan o dapat bang pag-ayawan kaya labis akong naguguluhan. Ni wala man lang tawag o text kahit isa.

Naisipan ko na ring magtanong kay Nate kung may alam ba kung nasaan ang pinsan nya, pero wala din syang alam. Hays. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Napabalikwas ako ng bangon ng maring ang aking cellphone.

Nate calling...

"Oh, Nate napatawag ka?"

"Uhm, best. May nalaman ako tungkol kay Tj"

"Talaga?! " masaya kong sagot sa kanya.

"Yeah. Dumating pala a-ang"

"Ang ano Nate? Magsalita ka nga ng maayos! Haha" kinakabahan ako pero hindi ko pwde yung ipahalata kay Nate. Baka mag-alala pa.

"Dumating kasi ang f-fiance nya galing New York"

Napatulala ako. Tama ba ang narinig ko?

"F-fiance? Teka. Si Tom may fiance?" hindi ako makapaniwala.

"Yeah, hindi ko nga din alam eh. Ang alam ko engaged sya noon pero it was called off because ayaw ni Tj ipagkasundo sa iba"

That was a relief. Mabuti na lang at hindi nya gusto ng ganun. I'll just wait for Tj to reach me out. Baka naman may importanting rason kung bakit hindi nya sinabi sa akin yun.

"Hey. Best, are you still there?"

"A-ah. Oo. Salamat Nate"

"Always welcome. Don't stress yourself. Call me if anything happens" sabi nya at pinatay ang tawag.

It was sunday morning kaya napag-isipan kong pumunta sa mall para maggrocery.

Tulak-tulak ko ang pushcart nang bigla itong mabangga ang isang lalaki. Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nya.

"Naku, sorry. Sorry po talaga." Nahihiya kong sabi.

"Haha. Its okay miss. Hindi naman ako nasaktan"

" Halaa. Sorry po talaga"

"Lift your head miss. Its fine"

Unti-unti kong inangat ang aking paningin. What? He's freaking handsome. Napakurap kurap ako. Is he real? Pero mas gwapo pa din si Tom. Napailing na lang ako sa aking iniisip.

"Are you okay?"

"Ano ka ba, ako dapat ang magtanong nyan. Pasensya ma talaga"

"Its okay. By the way, I'm Cody." he extended his arm to me.

Medyo nagulat pa ako ngunit nagpakilala din.

"Hi, I'm Ziel"

"Nice meeting you Ziel"

"You too. Ah! Mauna na ako. Pasensya na ulit"

Tinanguan nya lang ako. Ngunit bago paman ako makaalis sa kanyang harapan ay may pumulupot na kamay sa aking bewang.

Desperate Love (On-Going)Where stories live. Discover now