Isang linggo. Isang linggo na matapos ang araw na nakita ko ang hindi ko dapat nakita. Isang linggo na din ang lumipas ngunit kahit isang text o tawag ay wala man lang akong natanggap mula kay Tom.
Don't tell me, totoo lahat ng sinabi nang babeng yun?! Fuck! All this time hinihintay ko pa rin syang magpaliwanang. Halos minu-minuto kong tinititigan ang aking cellphone kung may tawag ba o text man lg galing sa kanya, pero wala.
Alam kong mali na husgahan ko sya lalo na at hindi ko alam ang side nya. Yes. All this time hindi ko alam pero may part pa din sa puso ko na hinihintay na tumawag sya at sabihin sakin na mahal nya ako. Na hindi totoo ang sinabi ng ex-fiance nya.
Na hindi nya sinsadya ang nang yari sa kanila. Na namalikmata lang ako. Na pinilit lang sya ng babaeng yun na halikan sya. All of my thoughts are worst about the girl. Alam kong mali, pero I can't lose Tom. Lalong lalo na ngayon na may anak kami.
Napatigil ako sa pag-iyak ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad naman akong tumayo at pinagbuksan iyon. Iisa lang naman ang kasama ko dito sa condo. Hindi din ako umalis dito para kung sakali mang hanapin ako ni Tom ay dito sya pupunta. See? This is me being a marupok.
"You're crying again. Bes, makakasama yan kay baby sigeka!" Sabi ni Niche sa akin.
Last week, yung araw na umiiyak ako galing sa company ni Tom. Nadatnan ko si Niche at Nate dito sa condo. Balak nila pala sana akong isurprise pero mukhang sila ang na surprise nang dahil sa mugto ang mga mata ko.
" Pasensyana baby ha. Hindi talaga mapigilan ni mommy eh" natatawang sabi ko sabay himas nang aking tyan.
"Hays. Halika ka na nga. Kumain na tayo at nandyan na si Nate sa ibaba"
Tumango ako bilang sang ayon. Inalalayan ako ni Niche kahit di naman kailangan. I am so thankful na nandyan silang dalawa para sa akin. Simula nang ikwento ko sa kanila ang nangyari at pati sa baby ko ay halos hindi na nila ako iwan dito sa condo. Kung hindi si Niche, si Nate naman ang kasama ko. Mukha silang mag asawa minsan tuwing pinapangaralan ako about sa baby. Hays. Panu kaya pagsila ang magkatuluyan? Ewan ko lang ha.
Natanaw ko si Nate na nag-aayos ng gamit. Mukhang kadarating nga naman. Agad nya kaming sinalubong ni Niche nang napakagandang ngiti. May balita na kaya tungkol kay Tom?
"Ayos ka lang bah?" nag-aalalang tanong ni Nate sa akin.
"Yhup. Ikaw? Mukhang masaya ka ah" sagot sa kanya.
"Wala. Masaya lang ako na nakita ko kayong dalawa"
Sabay sulyap nya kay Niche na nakasunod sa akin sa likod. Napataas ako ng kilay. Me alam ba sila na hindi ko alam? O me nangyari ba na hindi ko alam? Hays. Bahala na nga.
Matapos naming kumain ng hapunan ay napagdesisyunan naming manood nang movie. Sympre bawal ang horror movie, baka paglihian ko pa yun nuh. Kawawa naman ang magiging baby ko.
Napatingin ako sa aking relo. 7 pm. 8-9 pa naman ako dapat matulog kaya matatapos ko pa to ang movie namin.
"Hey. Are you okay?"
Napalingon ako kay Niche nang biglang magtanong.
"Yhup. I'll just make my fruitsalad" nakangiting sagot ko sa kanya
"Sige. Tara"
"No. Its fine. Kaya ko namang gumawa non mag-isa"
"Hays. Okay. Just be careful"
Tumango lang ako at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng apple, grapes, cherries, cheese, pears at iba pang prutas maliban sa avocado at strawberry. Ugh. I hate those. Ewan ko ba at masama ang nagiging panlasa ko sa ganoon.
Nilagyan ko ito ng maraming cheese at sympre freshmilk. Matapos kong gumawa ay tinikman ko ito. Ughh. This is heaven! Matapos kong ubusin ang ginawa ko ay bumalik na ako sa sala.
"Oh, san kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa dalawa na aakyat na sana nang hagdan.
"Hays. Tapos na ang movie. Ang tagal mo kaya sa kusina" - Niche
"Ang takaw mo kasi bes. Halika na, kailangan munang magpahinga" - Nate
Agad naman akong napatingin sa aking relo. Fuck. Its already 8:30 pm. So I eat that long huh? Sayang hindi ko yun natapos. Maganda pa naman yun eh.
"Okay" padabog akong sumunod sa kanila dahilan nang kanilang pagtawa. I just rolled my eyes. Mga takas mental yata mga kasama ko dito. Hays.
Nang makarating ako sa kama ay agad kong tinignan ang aking cellphone. Nagulat ako kung kanino iyon nanggaling. Agad ko itong binuksan at ganun na lang ang aking pagkadismaya sa laman nito.
Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung anu ang aking gagawin. Malayo ito sa aking mga iniisip na maging dahilan ni Tom. Pinahid ko ang aking mga luha at binuksan ang video galing kay Tom.
At tulad ng aking inaasahan. Video iyon ni Tom na nakikipaghalikan sa kanyang ex-fiance. Kitang kita ko kung papaano nila halikan ang bawat isa. Hindi ko na kaya pa itong tinggnan at naihagis ko ang ang cellphone sa kama. Kasama ng aking pag-iyak ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Ziel?!" sigaw ni Niche habang tumatakbong papalapit sa akin. Tumatakbo ding nakasunod si Nate sa kanyang likuran. Hindi ko sila maaninag ng mabuti dahil blurr ang aking paningin dulot nang pag-iyak.
Walang tigil ang aking pag-iyak. Hindi din nagtanong ang dalawa. Wala ni isang kumibo sa amin. Ngunit hindi nakatakas sa mata ni Nate amg aking cellphone kung saan naka play pa din ang video. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Tang ina!" galit na sigaw ni Nate habang pinagsusuntok ang pader. Agad naman syang nilapitan ni Niche para pigilan.
Huli na din nang makita ni Niche ang video at pati sya ay napamura na din.
Matapos naming mahimasmasan sa aming nalaman ay nandito kami ngayon sa kusina. Pinapakalma ako.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Nate.
" I need to go abroad. Ayoko nang manatili dito" sagot ko habang ang luha ko ay patuloy lang sa pag agos.
"Fuck! I really don't know na ganyan pala ang pinsan mu Nate!" sigaw ni Niche.
" Hindi ko din alam. Iba sya sa Tj na nakilala namin. Alam kong seryoso sya sayo. Pero hindi ko akalain na magagawa nya to kay Ziel. Lalong lalo na at bestfriend kita" nakatungong sabi ni Nate.
"Its fine. Walang me kasalan sa inyo dito. Ako talaga ang mali. Mali na ibinigay ko ang lahat sa kanya. Sobrang mali. Antanga ko!" galit na sigaw ko sa kanya.
"I'll book a flight. You can go abroad tomorrow morning habang maaga pa" - Nate
"Thankyou"
8:00 am. Nandito kami ngayon sa airport hinihintay ang aming flight papuntang New York. Ihahatid kami ni Nate sa New York kahit hindi naman kailangan. Pero nagpupumilit talaga, para na rin daw sa kaligtasan ko. Eh wala namang mangyayaring masama sa akin.
"Tara na" napaangat ako ng tingin sa kamay ni Niche at ni Nate. Agad ko silang ngitian. Tumingin ako sa paligid. Bumulong nanghuling salita.
"Goodbye, Tom"
A/N:
Happy new year readers!
YOU ARE READING
Desperate Love (On-Going)
General FictionAce Ziel Nemenez was so desperate to have someone by her side. She don't want to be alone again. She is tired to be left behind. And because of that he wants Tom Jaile McGregor in order for her to bear a child.