(Cassandra/Khendra's Pov.)
Isang nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa mata ko ang siyang nagpamulat sa akin. At siyaka ako napatingin sa pinagmumulan nito.
'Hindi ko pala naibaba ang kurtina ng veranda kagabi'
Salamin kase ito kaya mabilis na tatagos ang sinag ng araw. Tumayo na lamang ako at siyaka ko itinabi ang unan na yakap ko, at mabilisang inayos ang kamang hinigaan ko. Pagkatapos nun ay nagtungo na ako sa CR para maligo.
Halos isang oras rin akong naligo pagkatapos ay namili na ako ng damit na susuotin.
'Kainis, Bakit ba ang babaduy nito? '
Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at nakapameywangan pero wala parin akong mapiling damit. Napahawak pa ako sa baba ko siyaka ko inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. At...
'Aha! Got you! '
Napangisi nalang ako at siyaka ko dinampot ang gunting at panahi na nakita ko sa isang cabinet. Kinuha ko rin ang isang green long sleeve dress na aabot lagpas sa tuhod ko, Ni wala rin itong design at talagang napaka simple lang.
At pagkatapos ng ilang segundo ay biglang...
'Fantastic! '
Pinagmasdan ko itong mabuti at siyaka ako napangisi ng makita ang naging resulta nito. Ang kaninang plain loong sleeve dress na suot ko'y naging mas maganda na.
Ginupit ko lang naman ang ibaba nito hanggang 3 inch. above the knee at syaka ko iyon tinahi para hindi halata ang pagkakagupit. Nilagyan ko rin ng butas ang likod nito dahilan para ma expose ang likod ko, medyo inadjust ko rin ang bewang nito para lalung maging hapit sa bewang ko.
'Perfect! '
Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi ng makitang bagay na bagay iyon sa katawan ko. Mas lalung na expose ang makinis at maputi kong balat sa likod, ganoon rin ang legs ko, pati ang hubog ng katawan ko'y kapansin-pansin na rin.
Kinuha ko rin ang brush at siyaka ipinusod ang straight kong buhok nang mataas. At syaka ako naglagay ng liptin, hindi ko nga lang alam kung liptint na ba tawag dito sa panahong toh at naglagay na rin ako ng kaunting pulbo at nagpaligo ng pabangong amoy rosas. Then i pick one of the black heels.
'Damn, i'm so beautiful!'
Napabuntong hininga na lamang ako at siyaka taas nuong naglakad palabas ng kwarto. Balak ko kasing maglibot rito sa palasyo para makita ko naman ang kabuoan nito at para na rin makabisa ko ang daan.
Pababa palang ako sa grand staircase ay napapatingin na sa akin lahat ng tagapag lingkod. Ang iba pa ay napapanganga at napapatulala, samantalang ang iba'y napapatigil sa kani-kanilang ginagawa.
'Sino ba namang hindi magugulat kung ang dating kilala nilang Khendra na kay kapal ng make up at baduy ay mala diyosa na sa kagandahan. '
'I know that i am beautiful, No need to remind me guys! '
Nginingitian ko na lamang ang aking madadaanan na mga tulala parin habang patungo ako sa dining area. Tuwid na tuwid rin ang tayo ko at tila isang modelo kung maglakad.
'Hindi na ako ang nakilala niyong Khendra nuon, I'm better than her at babaguhin ko ang tingin niyo sa kaniya. Ipapakita kong hindi siya mahina gamit ang sarili kong kakayahan. '
Hindi pa man ako nakakapasok sa Dining area ay rinig na rinig ko na ruon ang mga boses nila kuya na nagkwekwentohan. Mukang seryoso ang pinag- uusapan nila kaya naman naisipan kong tumigil muna at makinig sa kanila.
BINABASA MO ANG
When The Assassin Reincarnate As 'The Loser Princess'
Casuale-She's an assassin She's strong She can bring you down Everyone adore her She's genius She's beautiful Yet, Dangerous. -She's a princess She's weak She's a loser No one want her She's stupid She's pretty but it's hidden She's an Unwanted Princ...