Ikaanim na Kabanata (First Day Of Class)

1.1K 66 6
                                    

(Cassandra/Khendra's Pov.)

Nang maimulat ang mga mata ay sinubukan ko pa itong ipikit sara. Ngayon ang unang araw ng klase at magsisimula iyon ng 7;30 am kaya naman kailangan kong gumising ng maaga.

Napatingin naman ako sa orasang nasa pader at nakita ko ruon na 5;30 palang ng umaga. Tumayo na lamang ako at nagpunta sa banyo to do my morning routine. Mga kalahating oras rin ang itinagal ko ruon at syaka ko napagpasyahang magbihis.

Suot ko ngayon ang uniform namin na all black at isang black shoes na may takong naman sa pang ibaba. Naglagay lang rin ako ng pulbo at liptint at inilugay na lamang ang ang mahaba at straight kong buhok na abot hanggang bewang. Nasabi ko na rin bang pinagtripan ko ito kahapon at naglagay ng kaunting bangs na sapat lang para huwag matakluban ang mga mata ko.

Pagkatapus non ay isinukbit ko na sa balikat ang maliit na backpack ko at naglakad na pababa.

Nakita ko sila ruon sa dining area na halos kompleto na, samantalang si Prinsipe ng kasungitan ay halos kasabay ko lang.

Hindi ko tuloy maiwasang mapanakaw tingin rito dahil talagang napaka gwapo niya sa uniform na suot niya ngayon. No wonder patay na patay ang dating Khendra rito.

Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya kung napakagwapo nito idagdag mo pa ang gintong highlight sa buhok nito na nagpadagdag sa kagwapohan niya. At sabi rin nila ay ito daw ang pinaka malakas na prinsepe sa buong Magical World kaya hindi malabong maraming nagkakagusto sa kaniya.

But don't get me wrong,

'Wala akong gusto sa kaniya, At never akong magkakagusto sa kaniya! Buti sana kung si Taehyung siya pwede pa. Pero kung ganitong lalaking ubod ng sungit? NO WAY'

Pero syempre sa isip ko lang yun sinabi, Mamaya marinig pa ng Prinsepeng masungit na toh na nilalait ko sya ede ginamitan ako niyan ng kapangyarihan niyan?

Abah, hindi naman patas yun dibah? Kamamatay ko lang tapus mamamatay nanaman?

Muli naman akong napatingin sa masungit na Prinsipe at nakita ko nga siyang nakatayo ilang hakbang mula sa akin at masamang nakatingin sa akin.

'Teka, Masamang nakatingin? Sa akin? Ano bang ginawa ko dito at parang gusto na akong katayin ng buhay? '

Kinunotan ko lang ito ng nuo at nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay syaka naman ito umirap at nauna ng maglakad paupo sa fav. chair niya na nasa pinaka dulo.

Ako naman ay heto, naiwan na hindi makapaniwala sa nangyari.

'Seriously? Inirapan niya ako? Ang isang Cassandra tinarayan niya? Attitude ka boy ha attitude ka? '

Napairap nalang rin ako sa isipang iyon at syaka naupo sa upoan ko sa pagitan ni Zhander at Trevon.

Napansin ko ring lahat na sila ay naka uniform at talaga namang bagay na bagay sa kanila ang uniform ng school na toh.
Well, hindi na mana talaga nakakapag taka yun dahil sadyang magaganda at gwapo sila. Huwag niyo nga lang isama si Bruha na gandang-ganda sa sarili niya.

"Magandang umaga" Nakangiting bati ko sa mga ito na sya namang ikina tameme nila.

'Ano nanaman kayang problema ng mga toh? '

Si Zhander ang unang nakabawi sa kanila at syaka pilit na tumawa samantalang iyong si Prinsipeng masungit ayon at kanina pa kumakain at hindi man lang kami pinapansin.

"Hehehe masanay na kayo, Kahit ako ay nagulat rin ng una niya kaming binati nila ina"

'Tsk, Oo nga pala. They still not use to it. Ano ba kasing klaseng nilalang yung si Khendra at parang wala man lang kaalam-alam sa mundo? '

When The Assassin Reincarnate As 'The Loser Princess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon