Alexa's POV
Ako si Alexandra Mendoza, isang college student. At dahil ako ang University President. Marami akong kaibigan. Ngunit tatlo lamang silang pinagkakatiwalaan ko. Alam nila ang lahat tungkol sa akin at sa pamilya ko.
"Alexandra! May mga bago tayong classmate" Sigaw ni Christine habang naglalakad papalapit sa amin ni Kim.
Sina Christine at Kim ang mga kaibigan ko. Sila ang pinaka magugulo kong kaibigan. Madalas ko silang nakakasama.
"Saan mo naman nalaman yan Christine?" sagot ko sakanya
"Hay nako Alexandra! Hindi ka pa nasanay kay Christine. Alam mo naman na basta gwapo ay nalalaman nya agad. Hahahaha!" - Kim
"Pumasok na nga tayo. At baka kung saan pa mapunta ang usapang ito, sandali. Nasaan na nga pala si Bianca?" - Alexandra
"Sa room na daw natin sya intayin. Sigurado akong nalate nanaman iyon ng gising." - Christine
Habang naglalakad kami papunta sa room namin. Bigla nalang kaming nakarinig ng sigawan ng iba pang mga estudyante. Well, sanay na kami jan. Pero teka? Para sa amin ba ang mga tiling naririnig namin?
"Ayan na sila! waaaaaaaahhhhhhhhh!" - Sigaw ni Christine
"Ha? Sino ba yung tinitilian nyo Christine?" tanong ko sakanya
"Yan yung mga bago nating classmate Alexandra" sagot naman ni Kim
"Alexandra! Anong meron jan?" - Bianca
"O. Bianca ikaw pala. Wala yan. Mga bago daw nating classmate. Christine, Kim. Pasok na tayo sa room. Baka malate na tayo""
Pagdating namin sa room umupo na kami agad. Si Christine ang katabi ko sa harap. Si Christine kasi ang kalaban ko pagdating sa school ranking. Pero hindi naman namin ito pinepersonal.
"Good Morning class! Siguro naman ay nabalitaan nyo na na magkakaroon kayo ng mga bagong kaklase. Magpakilala na kayo." sya si Mam Vangie ang aming Professor sa Marketing
"Goodmorning Classmates. Ako nga pala si Albert Concepcion. :) " nakangiting bati nito sa amin.
"Hi Girls. My name is Rafael Buenavides." teka. bakit girls lang ang binati nya? hmm. alam na pero mukang mabait naman sya.
"Hello sa inyong lahat. My name is Gabriel Castro"
"O ikaw naman iho." sabi ni Mam sa natitirang miyembro ng grupo.
"Alexander Dela Cruz" whaaaaat? Alexander ang pangalan nya? Wait. What's the big deal kung Alexander man ang pangalan nya? He's cute. Pero mukang mayabang.
"Okay. Mr. Dela Cruz you can sit beside Ms. Mendoza"

BINABASA MO ANG
Paano?
RandomPaano kung nalaman mo ng mas maaga na mahal ka pala ng taong mahal mo?