"Okay, Section Zee, maupo muna sandali, may sasabihin ako bago tayo lumabas sa classroom." wika ni Ma'am Sinag.
"Reminders lang naman 'yan, excited na excited na 'ko eh, kaasar." saad ng katabi kong magkakaibigan.
Pupunta kami sa gubat ngayon, gubat sa ilalim ng Bundok Gahala, sobrang ganda doon, palagi kong nakikita sa social media, good for retreat daw talaga doon.
Graduating na kami, 1 month nalang tutungtong na ako sa kolehiyo, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kukunin ko, maraming kursong pwedeng kuhanin sa ilalim ng HUMSS, gusto ko na lang maging tambay.
"Sa oras na lumabas kayo sa classroom ay hindi niyo maaaring tawagin ang bawat isa sa inyong mga pangalan. May plano ang ating principal tungkol dito, magandang ideya ang naisip niya." sabi ni Ma'am sa unahan.
"Eh ano pong itatawag namin sa isa't isa? Hoy bobo?" sabi ng pinaka maingay kong kaklase.
Napuno ng tawanan ang classroom dahil sa sinabi niya, napakunot naman ang noo at nagsalubong ang kilay ni Ma'am.
"Eh kung ilagay ko sa likod ng report card mo ay bobo at pasang awa?" Rebat ni Ma'am Sinag, kahit naman siya ay teacher, kapag hindi oras ng klase ay barkada ang turing niya sa amin. Nakikipag biruan at nakikipag murahan.
"Joke lang po, Ma'am. Gumaganda po kasi kayo lalo kapag nakakunot noo niyo." Sagot naman nito.
Napuno na naman ng tawanan ang classroom. Natawa nalang rin ako dahil kita kay Ma'am na kinikilig ito kahit edad trenta na.
"Okay, okay. Enough of that. Mag-iisip kayo ng Filipino words na maaaring gamiting codename niyo. Mga malalalim na salita o mga landmark na pwedeng gamiting pangalan. Kayo ang bahala, I will give you 5 minutes to think of a name."
Napuno ng bulungan ang classroom, ang ilan ay na-cornyhan, pero karamihan naman ay natuwa, maski ako ay natuwa, misteryoso ang dating.
Itinaas ni Ma'am ang nameplates na hawak niya, "Sasabihin niyo sa unahan ang inyong codename at kahulugan ng salitang napili, baka mamaya ibang lugar na pala ang pinagkuhanan niyo. Saka para walang magkapare-pareho. Isusulat ko dito ang mga pangalan niyo at ito ang susuotin niyo palagi sa loob ng tatlong araw."
"Ma'am pwedeng 'wag nalang Filipino? Wala na 'kong maisip, Ma'am." Reklamo ng isa kong kaklase.
"Filipino ka ba talaga? Puro ka kasi Koreano at Thai eh, ipangalan mo sa sarili mo Nanno, may problema ka sa pag-iisip eh, 'di ka nga lang maganda." Kana sa kaniya ng kaklase kong malakas trip.
"Nako, nako. The more you hate, the more you love. Kayo ha!"
"Kasalan talaga uwi niyong dalawa eh."
"Kunwari pa kayo, bukas makalawa naman, kayo na."
Napuno ng pag-kana sa dalawa ang classroom, pati ng mga bulong-bulungan sa kung anong pangalan ang gagamitin nila.
BINABASA MO ANG
ZEE
Teen FictionTaon-taon ay nagkakaroon ng retreat ang Mataas na paaralan ng Simala, pinaghandaang mabuti ang nasabing aktibidad dahil kasabay rin nito ang ika-sampung anibersaryo ng nasabing paaralan. Sila ay magtutungo sa kagubatan na malapit sa Bundok Gahala, m...