Chapter 2

5 4 4
                                    


And there we saw Maya lying on the floor. Nadapa yata. 


I was about to sit again kasi 'yun lang naman pala, pero nakita ko si Himig na natatawa sa gilid, okay, I get it.


Pumunta si Alamid sa driver at biglang tumigil ang bus sa gilid ng kalsada. Nagpunta siya sa gitna para itayo si Maya.


"Bro, there's something wrong, kayang kaya tumayo ni Maya mag-isa, dapat kanina palang nakatayo na 'yan." Sabi ni Alpas.


"Baka napasobra sa impact, naandar 'yung bus kanina eh, for sure mas masakit 'yon." Sabi naman ni Lila.


Alamid was about to help Maya, pero pinigilan siya ni Sulo.


"Alamid, 'wag." Lahat kami natameme kay Sulo, to think of it, siya dapat 'yung unang tutulong kay Maya, maharot lang 'yan pero he really takes care of every girl in our class, hindi lang pala sa class, lahat ng girls halos.


"He's right, Alamid. Stop, hindi mo siya kaya mag-isa, she's super fat and pure of muscles, you need help." Natatawa pang sabi ni Himig.


Sulo looks sharply at her. "Napakataas ng respeto ko sa mga babae, pero ngayon, sa'yo, wala na." Galit na sabi nito.


Naglakad siya papunta kay Maya, lumuwag ang pwesto namin sa likod, napunta ako sa gitna to finally see Maya, and there we saw is blood.


"Alamid, we need to bring her to the nearest hospital." Sabi ni Sulo.


Oh my gosh, paanong dumugo? I can't look, my hands started trembling. I am afraid of blood.


I tried to sit back again at my place para hindi nila mahalata na naginginig ako.


"What the hell?! Are you out of your mind, Himig?" Kala exclaimed.


"Papatayin mo ba si Maya?" Dagdag ni Alpas.


Everyone started to whistling to each other, kasabay ng paglakas ng ingay nila ang pagkalat ng amoy ng dugo sa loob ng bus.


My hands trembled more. Ayaw niyang mawala.


"Hey! Why are y'all looking at me like I'm a criminal? My only purpose is to trip her! Wala akong alam na may bakal na may pako d'yan." Himig exclaimed.


Ah, napatuon 'yung kamay niya sa bakal na sinabi kanina ni Alamid na pwedeng pangbutas ng window glass. That was so brutal, I can feel her pain.


"Sir, may malapit po ba na hospital dito?" Alamid asked, the driver yata.


"Mga 20 minutes pa ang pinaka malapit na hospital dito, bigyan niyo muna siya ng first aid para hindi maubusan ng dugo." Sabi ng driver nga.


ZEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon