"Wala, kayo pa rin talaga ni Pana pinaka-magaling sa lahat." Dismayadong sabi ni Kala matapos mag-perform ang Section Dabalyu, sila na ang huli.
"Sure win tayo d'yan eh." Sabi ni Sulo na nasa likod namin.
Kinakabahan talaga ako eh, ang laki ng pag-asa nilang mananalo kami, pero baka matalo kami, tapos magagalit na sila sa'kin.
"Sa'tin na agad special prize eh, tinapos na nila kanina 'yung laban." Dagdag naman ni Alpas, hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ako dahil proud na proud sila sa'kin o matakot dahil baka umasa lang sila.
"And, finally! Our 9 performers are now done! The judges are currently computing the scores right now." Mas lalo akong kinabahan, puro kaba nalang talaga masasabi ko.
Lord, nagmama-kaawa po ako sa inyo, ayoko pong ako ang maging dahilan ng unang pagka-talo namin, naging mabait at masunurin naman po ako sa inyo, kaunti lamang ang kasalanan ko, so please, lord. I need you po.
Naiiyak na talaga ako, hindi ko kakayanin 'pag natalo kami, asang-asa na silang lahat ngayon, kailangan ko palang manalo, binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina.
"Before we proceed to the awarding, let's all welcome, our principal for her Welcome Speech. Let's welcome on stage, the one and only, Ma'am Rose!" Then claps and shouts were around the field.
"Kamusta, mga bata? Nag-enjoy ba kayo?" Agad namang nag-respon ang schoolmates ko. "Mabuti naman, don't worry, mas mage-enjoy pa kayo sa loob ng tatlong araw niyo rito."
Napuno na naman ng sigawan at palakpakan ang buong paligid, nakiki-sigaw rin kami.
"Sa totoo, naisip naming gawing parang team-building ang gagawin niyo bukas, oh ayan, ini-spoil ko na kayo sa gagawin niyo bukas." Natatawang sabi ni Ma'am Rose.
"Gusto ko na agad, mag bukas!" Sigaw ni Kala na nasa tabi ko.
1... 2... 3...
"Lakad pumunta ka na sa room, matulog ka na para bukas na agad." Sabi na sisingit 'tong si Alpas eh.
Inirapan lang siya ulit ni Kala, what's with her? Hindi naman siya wala sa mood, kinakausap niya nga kaming lahat, hindi lang talaga siya napalag kay Alpas today, anong meron?
"There will be many games tomorrow, so better na gumising kayo ng maaga. Anyways, ang gagaling ng mga nag-perform kanina, you guys proved to me na hindi lang pala kayo sa academics nage-excell, but some of you also have great hidden talents." Muli na namang umingay ang paligid.
"Ikaw lang talaga nag-pakita ng hidden talent today, tayo talaga mananalo dito." Tuwang-tuwang sabi ni Kala. Kinabahan na naman ako, 'pag nababanggit 'yung tungkol dito, nanlalamig 'yung katawan ko eh.
"Especially 'yung unang nag-perfrom, I am wishing na sana sa closing program natin, makanta mo ng buo ang awit na iyong ginawa. Sobrang ganda nito kasabay rin ng ganda ng iyong boses." Naka-ngiting sabi niya sa stage, natunaw naman ang puso ko.

BINABASA MO ANG
ZEE
Teen FictionTaon-taon ay nagkakaroon ng retreat ang Mataas na paaralan ng Simala, pinaghandaang mabuti ang nasabing aktibidad dahil kasabay rin nito ang ika-sampung anibersaryo ng nasabing paaralan. Sila ay magtutungo sa kagubatan na malapit sa Bundok Gahala, m...