Chapter 4

3 3 1
                                    


"Entralents?" Nagtatakang tanong ni Kala sa tabi ko.


"Entrance, Talents. Ayaw paganahin utak, Kala?" Singit na naman ni Alpas sa likod.


"Punye-" Hindi na nakapag-salita si Kala dahil biglang nagsalita si Sir AB sa stage.


"Entralents is an entrance game with the battle of talents." Matapos sabihin ni Sir ay biglang umingay ang field. Maraming na-excite at ilan ay nag-taka. "You can either dance, sing, rap or anything, basta maipakikita ang inyong talents." 


"Buong section?" Kala asked out of the blue.


"Ba't kami tinatanong mo? Faculty ba kami?" Singit na naman ni Alpas, nagpapa-pansin lang talaga 'to kay Kala eh.


"Hindi ikaw tinatanong ko. Kulang ka kamo sa pansin." Sabi na lang ni Kala sabay irap.


"Each section will choose a representative. Minimum of 2, maximum of 5. The performance should not exceed in 3 minutes, short performance lang, gusto ni Ma'am Rose ng entertainment bago tayo magsimula." Muli na namang umingay ang paligid. "The three sections na mananalo will participate on the special event on our last day. And when Ma'am Rose said special, kahintay-hintay talaga."


"What Alamid wants.." Biglang singit ni Maya.


"Alamid gets!" Mahinang sagot namin.


"We will give you 30 minutes dahil ipe-prepare rin namin ang stage para concert-like tayo. "The crowd went wild. "At exactly 7 o'clock, all presidents must be here at the stage para sa draw. And the timer, starts now!" Sigaw ni Sir AD at lumabas na sa screen ang timer.


"Anong gagawin?" Tanong ng isa kong kaklase.


"I am thinking na we should sing? I have this feeling na maraming sasayaw, mostly Korean songs 'yan, so let's disregard the dance. We have rapping and singing left. Kapag rap, there's a probability na mawalan tayo ng audience dahil kaunti na lang ang naga-appreciate dito. We should sing a song. Are you with me?" Tumango kaming lahat sa idea ni Alamid, his thinking skills were beyond this world.


"Anyone who volunteers to sing?" Tumahimik ang lahat, I can sing, pero pang-mababa lang ako, walang biritan.


"Instruments will be provided by us since hindi naman kayo aware kaya hindi kayo nakapag-dala. The show will start at exactly 7:15, the 15 minutes added will be given to prepare instruments and such. Continue working." Annnounce ni Sir AB.


"Anyone who knows how to play guitar?" Wala na namang nagsalita.


Nag-tinginan ang lahat. Maganda nga 'yung idea ni Alamid. "What we should do is to make our presentation more unique. Since kanta naman 'yung sa'min, we should a sing a self-composed song?" 


"Great idea! Anyone who have a song already composed? Meron ka ba Kala? You suggested it." 

ZEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon