"What?!" Gulat na sigaw ko. Ayoko na talaga, back out na 'ko.
"Gagi ka, Alamid. Tuwang-tuwa ka pa." Sabi ni Alpas na nasa likod ko.
"Why? Being the first one to perform means we will also be the first placer, the champion!" Tuwang-tuwang sabi nito, baliw na talaga 'to.
"Water." Sabay abot ni Sulo ng water bottle.
Agad ko namang ininom 'yon.
"'Wag ka kabahan, may tiwala si Alamid sa'yo kaya siya ganiyan, sobrang confident." He said saka ngumiti. "May tiwala rin ako sa'yo, hindi ko pa man naririnig boses mo, alam ko na agad na maganda 'yan." Dagdag pa nito, ako pa binola.
"Wala kang mapapala sa'kin, Sulo." Natatawang sabi ko. "Baka matalo tayo tapos magalit kayo lahat sa'kin. Unang talo natin 'to sa dalawang taon kung sakali." Napayuko ako bigla.
Ginulo niya ang buhok ko kaya umayos ako ng tayo at ng buhok.
"'Yan, ang ganda ganda eh. Chin up, Chest in para bongga!" Tapos naglakad siya na parang bakla, natawa ako, bigla siyang tumigil. "Chest in ba talaga 'yon o chest out?" Tapos in-out niya nga 'yung chest niya saka naglakad ulit. Baliw talaga.
"Participants, punta na kayo sa stage, we will start in 5 minutes."
Napatingin nalang ako sa langit, Lord, may kasalanan po ako sa inyo, pero konti lang naman po, pa-disregard nalang po muna, tulungan niyo po ako ngayon. Please lang po, nagmamaka-awa po ako.
"Go Kaya! Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Kala at Lila.
"Chin up, chest out!" Sigaw naman ni Sulo.
Nginitian ko sila at naglakad na kasunod ni Alamid. Nakangiti pa rin ako, ewan ko ba, ang saya sa pakiramdam, unang bes ko 'tong gagawin, unang bes akong magpeperform sa harap ng maraming tao. Kahit simpleng laban lang 'to, nakaka-kaba pa rin.
Pero masaya pa rin ako, may mga taong nagsasabi sa'kin na kaya ko. Nakaramdam ako na may mga tao palang naniniwala sa'kin. I finally have some people who got my back.
And sana, tumagal sila. But reality hits me, after this retreat baka hindi na nila ako ulit kausapin gaya ng nakasanayan. Or kung kausapin man nila ako, kaunting panahon nalang ang natitira, maghi-hiwa-hiwalay rin kami pagdating sa college, hindi rin kami tatagal.
"Are you really sure, Alamid? Pwede pang si Dairi magperf-"
"I won't play the guitar if it's her." Pag-putol ni Pana sa sasabihin ko.
"I want someone new to represent our section, palagi nalang nga naman si Dairi. Besides, both of you have a great talent na dapat lang ma-discover. Let's all claim that special award." Naka-ngiting sabi ni Alamid. "Go guys!" Huling sabi niya saka umalis, hinatid lang talaga kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/249766756-288-k802963.jpg)
BINABASA MO ANG
ZEE
Teen FictionTaon-taon ay nagkakaroon ng retreat ang Mataas na paaralan ng Simala, pinaghandaang mabuti ang nasabing aktibidad dahil kasabay rin nito ang ika-sampung anibersaryo ng nasabing paaralan. Sila ay magtutungo sa kagubatan na malapit sa Bundok Gahala, m...