Chapter 7

2 3 1
                                    

"Good morning." Sabi ni Dairi na umiinom ng kape habang nakaupo sa kama, kakagising ko lang, 3:20 palang pala, kusa akong nagising.


"Good morning." Sabi ko, nag-unat ako at kumuha ng gamit sa maleta ko. "Maliligo ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.


"Nakaligo na 'ko." Natatawang sagot niya, natawa rin ako, hindi ko napansin. 


"Anong oras ka ba nagising? Ang aga naman sobra." Natatawang sabi ko.


"Hindi ako nakatulog." She said. "Hindi ako sanay matulog sa ibang bahay." 


"Edi three days kang walang tulog?" I continued asking habang kumukuha ng damit.


"Nakaka-idlip naman kaso konti lang, buti nga kayong lahat kaya niyong matulog sa ibang lugar, look at them, mukhang walang planong gumising ng 3:30." Sabi niya habang nakatingin sa mga kaklase ko, napatingin rin ako sa kanila at napangiti.


"Mag-uunahan 'yan sila sa banyo mamaya." Natatawang sabi ko.


"You're talking to me, it's new." Biglang pag-iba niya sa usapan, ano dapat isagot ko dito? Hindi pa ako ready sa mga ganitong tanungan, gusto ko lang gawin ngayon, kausapin sila ng kausapin.


"Hindi ko nga rin alam kung bakit, 'yun ata 'yung purpose ng retreat na 'to, makausap ko kayong lahat bago matapos 'yung school year." Simpleng sabi ko.


"Manatili kayang ganito after three days? Or baka ngayon lang?" Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko alam kung anong klaseng tanong 'yan, hindi ko alam kung anong point niya.


Nag-kibit balikat nalang ako, hindi ko talaga alam ang sasabihin. "Ligo na 'ko." 'Yon na lang ang sinabi ko para makaiwas na sa mga susunod niya pang itatanong.


"Don't be so confident, ngayon lang 'yan." Bulong niya pero alam kong pinarinig niya talaga 'yon sa'kin bago ako lumabas ng kwarto.


What's her purpose? Nasobrahan na ata 'yun sa talino, nababaliw na.


Binilisan ko nalang ang pagligo, baka may mga gising na, sana may gising na, ayokong kaming dalawa na naman ni Dairi ang maiwan doon.


Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko si Kala na nakatulala sa gilid, halatang kakagising lang.


"Ako na muna, Lila?" Tanong ni Alon nang makita nila akong pumasok sa kwarto.


3:40, mga 15 minutes pala ako naligo, nagmadali na 'ko eh, akala ko 5 minutes lang naubos ko.


"Sure. Magka-kape pa naman ako." Nginitian naman siya ni Alon at nagtungo sa ito sa banyo. Tumingin sa'kin si Lila. "Aga mo naman."


"Nagising lang ako bigla, ang likot mo kasi." Natatawang sabi ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon