Natapos ng ipamigay ang nameplates namin, great, hindi ako ang sarili ko ngayon, ibang tao muna ako.
"Alamid is still your president, alam mo namang siraulo 'yang mga kaklase mo. I won't be with you sa bus dahil iba ang sasakyan ng faculty. And since grade 12 na naman kayo, kaya niyo na mag-isa." Paalala ni Ma'am habang nasa labas pa kami ng bus.
"Inayos ko na rin ang seating arrangement niyo, baka hindi pa nakakarating sa Gahala ay bugbog sarado na kayo ng bawat isa." Saka itinaas ni Ma'am ang bondpaper na hawak niya, nandoon siguro 'yung arrangement namin.
Nagbulungan ang mga kaklase ko, ilan ay nagreklamo dahil baka hindi daw nila gusto 'yung makakatabi nila, wala naman akong paki kung sino ang sa akin, hindi ko pa rin naman sila kakausapin.
Pero, ibang tao ka ngayon, Kaya, 'di ba? Try talking to them, 2 years mo na silang kasama, pero kinakausap mo lang sila for academic purposes at 'pag kailangan lang.
No, no. Ma-issue pa ako, sabihin ang feeling close ko. Ayoko nga, malinis ang pangalan ko.
Try ko kaya dumihan? I'm not who I am inside the classroom naman eh? Besides, retreat naman 'to 'di ba?
Ah basta.
"Ma'am kapag ayaw namin sa katabi namin, pwede makipag-switch? Baka si Nanno- este Kala ang makatabi ko, sumpa po 'yon, Ma'am." Saad ni Alpas na animo'y nangdidiri pa nang mapatingin kay Kala.
"Oo nga po, Ma'am. 10 hours po yung biyahe, hindi ko po masisikmura kung 'yan po ang makakatabi ko." Dagdag ni Kala sabay inirapan si Alpas.
Napaisip naman si Ma'am, may punto naman sila, mas lalong gugulo o iingay kapag nagkatabi ang magka-away.
Maraming magka-away sa section namin, halo kasi eh, wala ng star section sa panahon ngayon.
Isa na doon si Kala at Alpas, siyempre, obvious naman. Pero magkakatuluyan rin naman 'yan sila in the future. Si Himig, 'yung leader ng liptint girls eh kaaway naman si Maya, 'yung pinaka matapang sa'min. Ayaw na lang kasi tanggapin ni Himig na mas maganda sa kaniya si Maya kaya lahat ng gusto niya eh si Maya ang gusto. Pinag-iinitan rin ako nito ni Himig kasi katabi ko si Pana, 'yung laging seryoso naming kaklase na katabi ko, crush ni Himig 'yon eh, ang baba talaga ng standards ng babaeng 'to.
Speaking of Pana, kaaway 'yan ni Sulo, 'yung malandi sa classroom, ewan ko ba diyan, wala namang ginagawa sa kaniya si Pana, pero galit na galit. Insecure lang yata.
Many to mention pa, sila lang naman palaging nagbabangayan sa classroom, what more kung magkatabi nga sila sa bus, rambol talaga.
"Okay, okay. I'll let you. 'Yun eh kung papayag rin at gusto rin na magpalit kayo ng upuan. Pero kung walang willing, then no choice. Ako ang masusunod." Mataray na sabi ni Ma'am Sinag.
Medyo nabuhayan si Kala at Alpas. Ako rin, baka mamaya si Himig, o isa sa liptint girls makatabi ko eh. Baka makasapak ako ng wala sa oras.

BINABASA MO ANG
ZEE
Fiksi RemajaTaon-taon ay nagkakaroon ng retreat ang Mataas na paaralan ng Simala, pinaghandaang mabuti ang nasabing aktibidad dahil kasabay rin nito ang ika-sampung anibersaryo ng nasabing paaralan. Sila ay magtutungo sa kagubatan na malapit sa Bundok Gahala, m...