CHAPTER 19

10K 405 33
                                    


"Excuse me, I know her!"

Tinig na gumising sa'king ulirat. Dahan-dahan kong minulat ang mata. Malabo at nakakasilaw na ilaw mula sa poste ang unang tumama sa paningin ko. Malabo rin ang ilang tao na nakapalibot sa'min. Pilit kinilala ng utak ko ang babaeng nakatayo sa'king harapan, nakahalukipkip at tila sa kanya nanggaling ang boses na narinig ko kanina.

"Miss, okay ka lang?" tanong naman ng lalaking naka helmet at naka-alalay sa'king katawan.

Mariin kong pinikit ang mata at huminga ng malalim. Sa muli kong pagdilat ay unti-unti na naging malinaw ang lahat. Naka-alalay sa likod ko ang braso ng lalaking naka-helmet, black leather jacket, black pants at sa tingin ko ay siya ang may-ari ng motorcycle.

Takha kong nilingon ang pinangyarihan ng insidente. Matiwasay na ngayon ang daloy ng mga sasakyan doon.

"H-hindi naman kita nabangga, Miss. Nakapagpreno ako ng ilang metro pa ang layo pero nahimatay ka na," paliwanag ng lalaki.

Kunot-noo kong binalik ang tingin sa kanya. Bakas ang kaba at pag-alala sa titig nito at ramdam ko ang panginginig ng kanyang braso. Sinubukan kong itayo ang sarili at napagtagumpayan din naman. The guy who hit me also stood up— No, he didn't hit me pala. My body was just overreacting. 

Hinarap ko ang lalaki at dali-daling yumuko. "Sorry po, kuya!"

"Mabuti at nakapag-preno ako." 

"Natakot lang po ako ng sobra. Hindi ata kinaya ng katawan ko."

"Mabuti at walang nangyari sa'yo. Mag-ingat ka sa susunod, Miss."

"Opo! Sorry po uli—"

"Tch' inuuna kasi ang landi!"

Mabilis na lumipat ang atensyon ko sa babaeng nagsalita. Napasinghap ako ng makita si Courtney sa harapan. Courtney?! I'm pretty sure this was Courtney! This was the first time to see her this close. 

Ilang beses akong napakurap at sinuri ang kanyang pagmumukha. Nagsimula rin sa pag-amok ang dibdib ko ng wala sa oras. Napaigtad ako  ng makumpirmang si Courtney nga itong nasa harap ko.

She has natural and long wavy hair. Although it was night time, her features and porcelain skin was still the spotlight. Maputi ako pero mas maputi siya. Balingkinitan, long legged and long-necked. Round eyes, small turned-up nose, pink and thin lips. Omaygash! 

She's incredibly gorgeous. 

She was looking at me like I was the nastiest person on Earth. Nakahalukipkip ang mga kamay habang may nakasabit na handbag sa siko. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko. Napaatras ako ng ibalik niya ang titig sa'king mata, her eyebrow automatically raised like I was ridiculous in her sight.

"Pathetic btch," she muttered, flipping her hair before leaving the place.

Huminga akong malalim at pinakiramdaman ang sandaling pagkabog ng dibdib. Pinilig ko ang ulo. Parang nakita ko na siya ng ganto kalapit dati. 

I used to see her from afar reason why I hadn't anticipated how gorgeous she was. Now that I saw her face to face and if I'm not mistaken, she's the woman I was with in the fitting room of a mall. She even rebuked me from crumpling the magazine, right? 

'Yan din yung gabi na nakita ko si Clyde sa parking lot, dala niya ang kanyang mamahaling sasakyan. So does it mean, he was there for her?

Dito rin ba nanggaling si Courtney sa condo? Kakarating lang ni Clyde dito! Ibig sabihin—mabilis na lumipat ang tingin ko sa entrance ng condo lobby at agad bumalik sa sasakyang sumundo kay Courtney—nagkita sila?

Hiding the Montreal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon