CHAPTER 27

8.8K 367 11
                                    


"I'm scared, mom. It feels like people were after me."

Sumbong ko sa ina, umiiyak at nanginginig sa takot. Hindi lang ang nangyari sa canteen ang nakakatakot na eksena sa loob ng dalawang linggo. May bes' na pagdating ko sa apartment ay sira-sira ang smartlock ng aking pinto. Seemed someone tried to rob inside. 

Noong gabing pauwi ako mula sa school ay may humarang na naman. Good thing I have pepper spray with me that I used to escape. Kagabi ay muli akong nakatakas sa lalaking hinablot ang mga kamay ko sa harap ng 7/11. Good thing at matao kaya nakahingi ako ng tulong.

Kanina lang pag-uwi ko galing sa school ay may sulat na nakaipit sa pinto. I read it when I got inside the house and goosebumps all over right after.

We're done with the warm-up, seems you're ready enough for the real abduction, Montreal's daughter. 

[Stay at home for now, R. We will be there on Saturday, it's Thursday today anyways. Wala rito ang daddy at Kuya mo nasa Europa pa. They're called upon the attention of the Royals.]

"What?"

[Yes. Huwag ka munang lumabas, isarado mo ang pinto ng maigi at huwag magbubukas ng pinto kahit sino pa 'yang kumatok. May pasok ka pa bukas?] sunod-sunod na paalala ng aking ina. 

Hindi ako makasingit at tanging buntong-hininga ang nagawa. 

Hindi ko sinabi sa ina ang lahat ng pangyayari. I only told her about the poisoning in our school's cafeteria, without mentioning that I was the allegedly target of it. I already assumed that it was really for me. Ayoko silang magpanic habang nasa Pilipinas, baka kung ano pa mangyari.

[Ipapauna ko diyan si Mar. Baka magcommcercial plane siya since wala dito ang Kuya mo. I'll process his papers ngayon din. Since when are you experiencing that anxious, Arianne?]

"It's been two weeks, Mom."

[Two weeks? Bakit 'di mo agad sinabi, ako papagalitan ng ama mo, Arianne Gayle. Last Monday andito pa sila, mga walang trabaho, tambay. Edi sana pumunta na lang kami diyan.]

"I don't want to bother you there mom and malapit ng exam kaya medyo busy sa mga films. It just now, I want you here. Mom bisitahin niyo ko rito. Patapos na rin naman ang semester sasama na ako pauwi."

[We will. Mag-ingat ka diyan, anak. We miss you.]

"I miss you too, mom."

[Baka naho-homesick ka, Wormy. Check your food always. Tatawagan kita araw-araw.]

"Thank you, mommy. I love you."

Binaba ko ang tawag. Pabagsak akong naupo sa gilid ng kama. Ang tahip sa'king dibdib ay hindi ko mawari, mataman akong nakatingin sa harap habang lumilipad ang isip. Nagsisitayuan din ang buhok ko sa batok dahil sa pangamba. 

Napalunok ako at gulat ng may maramdamang pumatak na luha mula sa mata ko. Agad kong pinalis ang pamamasa nito at suminghot. Muli kong tiningnan ang papel na may sulat gamit ang dugo. 

I'm scared. I ain't Miriam Defensor Santiago to eat threats for my breakfast. I ain't Wonderwoman nor Darna. I'm getting scared of trusting anyone, I'm not okay with it. I've been living with so many people loving me, yet many of those were two-faced bitch. 

What did I do to experience all these?

Hindi pa rin nawawala ang pait na naranasan ko sa dating kaibigan. Parang kapag natatakot ako, sila agad ang sinisisi ko.  Ilang punyal ang tumutusok sa puso ko tuwing dumadako sa isipang nagawa nila sa'kin ang mga bagay na iyon.

Hiding the Montreal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon