CHAPTER 25

10.9K 444 30
                                    


"Yes, coming. Give me a minute."

Sigaw ko sa kung sinumang nangatok sa pinto. Taranta kong pinaglalagay ang mga gamit na dadalhin sa shooting mamaya. Tulad nitong nakaraang araw, tinanghali na naman ako ng gising. Kung hindi lang tumawag si Seo Joon kanina at pinaalala ang gagawin sa araw na ito, tiyak sarap pa rin ng tulog ko hanggang ngayon.

It's weekend. Suppose to be a rest day. Nakagawian ko na ring matulog ng mahaba kapag ganito. I guess it's time to adapt new body clock?! Yeah, I think so.

Nilapag ko ang paboritong tote bag sa sofa at mariin itong tiningnan. Is there anything else that is not in the bag? Para kasing may nakalimutan pa ako. Muli ko itong binuklat at iniisa-isa sa pagcheck ang mga dapat dalhin.

My pouch, my printed script, pens and papers, even one pair of clothes that I'll use later. Everything's here. Napabalikwas ako ng muling marinig ang pagkatok.

"Okay, I'm done."

Hinablot ko ang bag at isinukbit iyon sa balikat habang tumatakbo palapit sa pinto. Inayos ko ang buhok at huminga ng malalim bago pihitin ang doorknob pabukas. Bumungad sa'kin ang kamay ni Seo Joon na nakaangat at nasa aktong kakatok muli.

Bakas ang gulat sa mukha niya. Bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi. Napangisi ako dahilan para makabawi siya at agad na binaba ang kamay. Ibinulsa niya ang mga iyon at matamang tumingin sa'kin gamit ang mga singkita niyang mata.

"Let's go?" Umabante ako at tuluyang sinirado ang pintong nasa likod.

"Where's the camera?"

Napasinghap ako at natigilan sa sandaling tanong ng kaklase. Sabi ko na nga ba at may nakalimutan ako.

"Hehe issaprank! Di pa pala tayo aalis" nagpeace sign ako bago tumakbong muli papasok ng bahay.

Hindi na'ko nag-abala pang i-sarado at papasukin si Seo Joon. Doble ang hakbang ko sa hagdan upang maakyat ng mabilis ang attic. I saw my dslr on my bed. Hinanda ko na ito kanina para hindi maiwan pero ganun pa rin ang kinalabasan. Kinuha ko ang strap ng camera bag at pinasok ito sa tote bag.

Nagmamadali kong binaba ang attic at medyo hingal ng makarating sa harap ni Seo Joon. Huminga akong malalim sa harap niya bago siya hilahin palayo sa bahay. We're late. Freaking late at nakakahiya sa kagrupo namin.

"Bilisan natin, mapapagalitan tayo," kusang lumabas sa bibig ko habang hila-hila siya.

"Mwo?"

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Magkasalubong ang kilay niya at halatang naguluhan sa'king sinabi. Humugot ako ng malalim na hininga bago sagutin ang kanyang tanong.

"What did you say?" he asked again.

"Let's hurry. For sure, we will be scolded by Yeon So Hee as soon as we arrive."

"Ah. Let her be."

Binulsa niyang muli ang mga kamay at naunang naglakad. Talagang wala siyang pakialam kahit kanino, e no! Para niya nga lang barkada 'yong prof nung first day of school at na late siya. Umismid ako bago humarap sa kanyang nilalakaran at patakbong humakbang mapantayan lang ang mala-higante nitong lakad.

"Duh Soju! Of course we can't do that. She might remove us from the group." I exclaimed. 

Bininyagan ko siya sa pangalang Soju, bukod sa kasingtunog ng kaniyang pangalan, ito ay dahil sa lakas niyang uminom nito. Niyaya ko siya isang gabi na uminom sa malapit na subway at laglag-panga ako sa sunod-sunod niyang pag-inom. Ni hindi pa'ko nangangalahati sa isang bote ay pumapangalawa na siya.

Hiding the Montreal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon