CHAPTER 39

11.3K 481 62
                                    


Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Itinakip ko ang kamay ng deretsa iyong tumama sa mata. Dahan-dahan akong umupo at nag-inat. It will be my first day in apartment while my first night, which is last night, will never be forgotten.

Nakangiti kong sinalubong ang bagong araw. "Good morning, Arianne," I greeted myself.

I am so happy to what I found out last night while lying and reflecting in the four corner of this room. Gaya ng napagplanuhan ni Cly— Oh yeah that guy preferred to be called Kayden—umalis siya ng lumalim ang gabi kaya wala akong nagawa kundi kausapin ang kisame.

Naiintindihan ko na ang gusto niyang mangyari. Marami siyang kinwento, marami siyang binanggit. But the thing that attracts me last night was his sincerity and passion. He remained on top while telling stories. 

What humiliates me the most was when I intended the kiss dahil hindi ko napigilan ang sarili. The way his lips moved, his eyes met mine and his caress that gave shiver down my spine. Oh geez' it was rough and steamy. Ilang beses ba kaming nagpaikot-ikot sa kama?

"Oh my gee Arianne. Ang landi mo," tinampal ko ang sariling pisnge.

Lahat na ata ng dugo ko nasa mukha na. Maingay naman ang aircon pero mainit pa rin ang lumalabas sa katawan ko. The thing last night keeps replaying. Napahawak ako sa labi at muling nanginit ang mukha. Bumibilis din ang kabog ng puso ko. 

Mahal ko na nga ata ang ungas na iyon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Ang sarap pala gumising ng may minamahal at minamahal pabalik. Urll, sana all.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng may makitang baso ng tubig sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Mabilis ko iyong ininom at agad tinungo ang munting banyo. I did my morning routines. Brushing my teeth, washing my face, combing my hair and all. 

Paglabas ko ng kwarto ay agad na abot ng nakakatakam na bango ang pang-amoy ko. Napangiti ako ng mas malapad ng makumpirmaang andito na nga si Clyd—Kayden kasi. Nakatalikod siya sa gawi ko at naghuhugas ng kamay sa lababo.

And I guess he just done cooking. Anumang pagkain iyan ay tiyak na masarap siya.

Inayos kong muli ang buhok at damit na suot bago umpisahan ang hakbang papasok ng kusina. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing iisipin na makikita ko na naman ang aking Mr. Everything.

"Good morning, Clyd—Oh dang!" nasapo ko ang sariling noo dahil sa pagkakalimot ng pangalan na gusto niyang itawag ko sa kanya, ang ganda na sana. Ngumuso ako bago bigkasin ang napakagandang pangalan na binigay sa kanya ni tita Ashley, "Good morning, Kayden."

Naramdaman ko ang pagharap niya at ang malawak niyang ngiti sa umaga. Natulala ako at napalunok ng wala sa oras. Ako lang ba o parang mas gumwapo si Clyde? Ang tibok ng puso ko. Grabe ang lakas!

Nahugot ko ang malalim na hininga habang nakatitig sa napakagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay. Am I still normal if my heart beats louder and faster right after seeing a simple smile? Para akong dinala sa langit at idinuyan sa alapaap.

Muling binaling ni Clyde ang atensyon sa lababo. Binaling ko rin ang atensyon sa lamesa. Wala na, mental block na ako. Anong gagawin? Nakalimutan ko na rin ata ang pangalan sa sobrang sarap ng amoy ng luto niya.

Tumikhim ako at inayos ang tindig. Hindi na rin mawala ang ngiti ko mula kaninang paggising. Dahan-dahan akong lumapit sa lababo at maghuhugas na rin ng kamay.

"Good morning, Kayden," maligalig kong pagbati. He shifted his gaze on me and smile.

"Good morning, babe." 

Hiding the Montreal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon