CHAPTER 21

11K 473 63
                                    

"Ah eh! Bababa na pala ako, Clyde. Kailangan ko na palang bumalik sa hotel."

Nauutal at nagmamadali kong hinawi si Clyde paalis sa kinatatayuan niya. Hindi ko na rin kayang salubungin ang mga mata nito. I can literally feel the heat in my whole godd$mn face. My ears, nose and cheeks definitely reddish now.

My heart went crazy and euphoric again. It beats more than its ability and pump blood all the way to my face. Butterfly in my stomach won't stop drifting, and my lips were shaking for saying something I isn't sure yet. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. My heart speaks for its intuition.

Tila hindi lang ako ang nagulat sa salitang lumabas sa'king bibig. Pati si Clyde ay napaigtad at nanigas sa kinatatayuan. Bagaman ganun, magkatagpo pa rin ang mga kilay nito, ang pagkakapulupot ng kanyang bisig sa kinauupuan ko ay mas lalong humigpit. Ramdam ko ang pagkakapinid ng mahigpit sa mga braso niya, ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko rito.

"Clyde bababa na'ko," saad ko.

Nakayuko at ginagawa ang lahat upang hindi man lang magtama ang paningin namin. I know what will happen if we did, malulunod na naman ako roon at hindi na alam kung paano iaahon ang sarili, at nahihiya ako!

Ang bawat lakas na binibigay ko sa paghawi ng kanyang braso ay siya ring diin at higpit na binibigay ni Clyde roon. His eyes were piercing in my face, and I don't want to reciprocate it.

Napaigtad ako ng maramdaman ang paglapat ng nanlalamig niyang palad sa baba ng likod ko at paghila niya sa'king katawan. Sobrang dikit na namin sa isa't isa na kanina lang ay haven sa'kin. Pero dahil sa kahihiyang lumabas sa bibig ko, hindi ko alam kung nagugustuhan ko pa rin bang ganito kadikit sa kanya. All I wanted to do now is to runaway.

"Clyde please, ibaba mo na'ko. Mapapagalitan na'ko, kailangan ko ng bumalik sa hotel."

"Not yet," may diin at marahan niya ulit akong hinila palapit sa kan'ya. His pointed nose is now darting my cheeks. Abot langit pa rin ang tahip sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. I'm so freaking nervous and humiliated at the same time.

"Don't ask me about it. I don't even know why would I say that. Don't make the situation awkward, Clyde please. I'm-" matapang kong hinarap ang mga mata niya. Parang uurong ang puso ko ng makita ang puno ng katanungan niyang mukha at kunot-noong pinapana ang mga tingin sa'kin. Even his breath was heaving and his heartbeat seemed so loud, "-I'm shy. I'm embarrassed. Don't ask."

"..." he remained silent. Ilang segundo akong nakipagtitigan sa kanya.

Nakagat ko ang labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko kanina, malulunod ako once na tumingin sa mga mata niya. Tagos sa puso ang bawat segundong pagtitig niya sa'kin, na tila bang sa paraang iyan niya malalaman ang katotohanan. Ang kamay kong nakahawak sa braso niya ay nanlambot at dumulas pahilig sa gilid ko.

"Say it again, Arianne." malumanay ngunit nakakapanindig-balahibo niyang litanya.

"Clyde, I told you. I don't even know that phrase, it comes out of nowhere. I don't have words to explain to you the meaning of that. Let's just-" napahilot ako sa sentido, "Let's forget about it."

May anghel na dumaan sa gitna namin na naging dahilan ng tahimik. Walang umimik pagkatapos kong magsalita. Hangin at huni ng mga dumaan na eroplano ang umeksena.

Naramdaman ko ang pagkakaluwag sa mga braso ni Clyde. Nagkaroon ako ng pagkakataon na itulak siya ng marahan, nagpatianod siya sa tulak na iyon at kusang nagbigay ng espasyo. Nakalabi at natanggal na ang pagkakakunot ng kanyang noo. Mataman lang itong nakatingin na para bang ganun siya kabilis magpalit ng mood.

Buong tapang akong tumalon, baka magbago isip niya at ikulong ulit ako. Nataranta ito at huli na ng umalalay dahil nakatayo na'ko sa sementong inaapakan niya.

Hiding the Montreal's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon