Kishore POV
Mahigit dalawang araw na ng natapos namin ang misyon at dalawang araw na din hindi lumalabas ng dormitoryo yung Kc na iyon ni hindi nga namin nakita kumain yun sa labas, baka nalipasan na yun ng gutom o baka may nangyari na sa kanyang masama.
Bakit parang nag aalala ako kanya? Lahat naman ata ng tao nag aalala? Kaya walang ibigsabihin itong iniisip ko.
"Alam niyo nahihiwagaan talaga ako sa Kc na iyon." biglang sabi ni Vera saamin.
"Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya wala naman kakaiba sa kanya mahina ang enerhiya niya at mahina din ang mahika niya siguro iyon ang ibig sabihin niya.
"Parang may tinatago siya parang may pinipigilan siya."
"Ha? Alam mo Vera tigil tigilan mo na ang pag do droga tingnan mo sabog na naman utak mo pati mukha mo." Pang aasar naman ni Ashely sakanya, napailing na lang ako sa kanila mag aaway na naman ito sigurado ako.
"Wag mo ako simulan Ashely ikaw ang pasabugin ko jan makikita mo."
"Tumigil na nga kayong dalawa magsisimula na naman kayong mag away eh." biglang saway naman ni Daniel. Napaka bait talaga nito ni Daniel eh kaya gustong gusto siya ng mga studyante dito sa Akademya kabilagtaran naman nung sa akin dahil ayaw saakin ng mga studyante. Hindi ko naman masisi ang sarili ko ayaw ko lang talagang makipag ibigan sa mga studyante dito mga plastic sila alam ko naman na may pakay sila sa akin eh.
"Oo nga pala naalala ko sabi nga pala ng Headmistress na mamayang ala una raw ay mag sitipon daw tayo sa loob ng Gymnasium at may mahalaga raw siyang sasabihin at ipapakilala niya ang bagong mga studyante." paalala ni Vera saamin.
Tumango na lang ako upang sumangayon. "Dell ikaw na bahala, sabihan mo na lang ang mga studyante."
Tumango rin ito, maya maya bigla naming naramdaman ang enerhiya niya.
"Mind Magic: Mind Manipulation" sabit nito biglang umilaw na kulay puti ang kanyang mga mata. "Anunsiyo mula sa Headmistress mamayang ala una ay pumunta at mag sitipon ang lahat ng mga studyante sa Gymnasium at may mahalaga itong sasabihin."
Maya maya nawala ang puting liwanag sa kanyang mga mata, at nag si ingay ang mga studyante sa mga kwarto nila ang saya saya nila daw kasi wala na daw pasok, napailing na lang ako sa mga studyante dito.
"Alam mo Dell apaka ganda ng Mahika mo biruin mo yun lahat ng studyante dito sa Akademya napasok mo ang mga pag iisip bilib na talaga ako sayo." pag puri agad ni Ashely sakanya, nag kibit balikat na lang ito at nag simula ulit mag basa sa libro niyang hawak. "Hmp! Apaka suplado mo mapanisan ka sana ng laway."
"Sa tingin mo Kishore saan kaya sila mapupunta na House?" tanong naman ni Daniel sa akin hindi man lang ito tumungin sa akin at nakatutok ito sa Monitor niya nagawa lamang sa manipis na salamin nakakamangha rin ang kanyang mahika lahat ng gusto mo malaman nanjan na sa manipis na salamin kailangan lang may tipahin na gusto mo malaman at wala pang isang segundo najan na.
"Sigurado akong mapupunta sa House natin ang mag pipinsan na sila Summer, Winter at si Oliver." oo sigurado akong mapupunta iyon na tatlo House namin.
"Eh yung dalawa?" tanong naman ni Vera. Nagkibit balikat na lang din ako, sa totoo lang wala akong pake sa dalawang iyon kung saang House sila mapunta basta saamin yung tatlo at siguradung sigurado ako.
Dito sa Akademya may Apat na House ang House of Gold na House ko, ang nangunguna sa Rank at tinataguriang pinakamalakas na House sa Akademya hindi naman sa pag mamayabang pero totoo yung at wala pa sa amin nakakatalo.
Pangalawa ay ang House of Silver sila ang pangalawa sa Rank aaminin ko muntik na nila kami matalo buti na lang nagawan agad namin ng paraan at kami pa rin ang tinaguriang nanalo ayaw ko naman sabihin ito pero malalakas din ang mga nasa House of Silver.
Pangatlo ay ang House of Diamond sila lang naman ang walang pakialam sa paligsahan na ito. Napaka misteryoso nila kung paano sila makipaglaro samin para silang mga kabute pasulpot sulpot parang wala silang kooperasyon sa kapwa nila House, kaya hindi sila makaangat sa Rank nila yun kasi ang napapansin ko sa kanila.
Pang apat ay ang House of Pearl dito napupunta ang mahihina ang mahika at enerhiya. Sila ang pinaka huli sa Rank kaya tampulan sila lagi ng tukso at pang aasar. Lalo na saamin lagi namin silang inaasar at pinag t tripan wala eh yung ang kasiyahan ng Captain namin sumusunod lang kami, at hindi ako mag kakamali na mapupunta si Kc sa House of Pearl, hindi magiging masaya ang pag pasok niya sa Akademyang ito.
Maya maya pumasok na ang Captain namin na si Captain Tresh pinapunta kasi kami nito sa Opisina ng House of Gold at may sasabihin daw siya mahalaga. Si Captain Tresh ay nasa nasa huling taon na sa pag aaral kaya minsan na lang namin itong makita at makausap kaya lagi niya saakin inuutos ang mga dapat gawain ng Captain sa Akademyang ito hindi naman ako tumututul sa totoo lang eh mas gusto ko iyon at gusto ko din mga maging Captain balang araw.
"Magandang Umaga Captain Tresh." sabay sabay naming pagbati.
"Magandang Umaga din maupo na kayo."utos nito sa amin umupo na kami at humarap sa kanya. " Una sa lahat nag papasalamat ulit ang Headmistress at natapos agad ninyo ang Misyon na binigay sainyong lima."
"Walang ano man." sabay sabay ulit kaming lima.
"May masama at maganda akong balita sainyo ano unang gusti ninyo malaman?"tanong saamin ni Captain Tresh.
"Masama muna Captain." Magiliw na sagot ni Ashely napailing na lang ako sa kanya halatang halata siya na may gusto ito sa Captain namin.
"Sige ang masamang balita ay hindi kami makakasaling mga Captain sa paligsahan." malungkot nitong sabi saamin nabigla naman kaming lima at nalungkot.
"Bakit po Captain?" malungkot na tanong naman ni Vera pero may halong landi ewan ko sa dalawang ito may gusto din kasi itong si Vera sa Captain namin kaya laging nag aaway itong dalawa na si Ashely at Vera.
"Ang sabi kasi ng Headmistress samin ay mag pukos na lang daw kami sa pag aaral dahil huling taon na namin ito wala naman akong tutul sa Headmistress mas gusto ko nga iyon para sa kinabukasan ko din ito." ngiting sagot ng Captain Tresh samin.
"Wag kang mag alala Captain pag saakin ka napunta siguradong maganda talaga ang kinabukasan mo." sabi naman ni Ashely na may halo ding landi hindi talaga nag mapapatalo itong dalawa. Kami naman ni Daniel ay pigil ang tawa namin samantala si Dell tulala sa bintana at parang may iniisip lagi yan ganyan ang wirdo nga niya eh.
"Hindi Captain wag kang maniwala sa malanding impaktang yan, mangangayat ka niyan kasi aaraw arawin ka niyan ni Ashely saakin ka na lang dawalang beses sa isang linggo lang ok na ako dun."
"Hoy! Ang kapal ng mukha mng babaeng sabog." at ayun nag away na naman ang dawalang babaeng iyon.
"Tayo na lang tatlong mag usap Kishore at Daniel wala akong maasahan sa dawalang babaeng iyon at lalo na si Dell ayon at tulala na naman." tumango kami ni Daniel.
"Alam niyo na ang masamang balita at ang magandang balita naman ay tayo ang mauunang pumili sa bangong membro sa House natin, ikaw na bahalang pumili kung sino ang isang membro ang mapupunta saatin."
Tama ba yung narinig ko isa lang ang kukunin namin?
"Captain bat isa lang ang kukunin natin?" tanong ni Daniel napansin din niya pala ang sinabi ng Captain.
Tumango ito. " Oo isa lang, iyon ang sabi ng Headmistress dahil ang rami na daw natin at pag bigyan natin ang ibang House lalo na sa House of Pearl diba ang unti lang nila. Tsk dahil sa mga taga Pearl matyansa tayong hindi manalo umalis na sa akademya yung magagaling natin kailangan natin ng malalakas at magagaling. Balita ko may tatlong malalakas ang mahika ang na kumbinsi niyo at may isang mahina ang enerhiya at mahina ang Mahika?"
"Oo Captain pero may isang mas malakas si Oliver." ang sabi ko sa kanya.
"Sige si Oliver ang kukuhanin natin at yung dalawa bahala na yung ibang House sa kanila."
Pagkatapos ng pag pupulong namin sa Opisana namin pumunta naman kami sa Cafeteria at kumain kasama ko ulit ang apat at sabay sabay kaming pumunta doon.
Pinag titingnan kaming lima ng studyanteng nadaraanan namin, sikat kasi kaming lima dahil lagi kami ang inuutusan ng Headmistress sa kahit na anong Misyon.
Habang kumakain kami bigla nag sitigil ang mga studyante sa pag iingay at tumingin sa pinto, tumungin din kami at nakita namin si Kc na nakatayo at nakatingin saamin ng masama, ano naman ang problema nito saamin?.