Kc POV
Kakainis paano na ako makakaalis nito napaka rami na nila hindi ko naman pwede silang labanan mag isa may dalawang malakas dito yung lalaki at yung Headmistress daw nila, pero wala na akong maisip na paraan kundi lumaban at umalis sa kanila.
"Kamusta Kc?"
Putcha kilala niya din ako? Ano bang nangyayari at kilala nila ako at ako hindi ko sila kilala.
"Tsk! Wala din akong oras makipag usap sayo kung sino ka man. Pakawalan niyo na ako dito!" sigaw ko sa kanila naiinis na ako sa kanila dahil sa pagkulong nila saakin dito atsaka wala akong bakal sumama sa kanila at tulungan sila gusto ko ng tahimik na pamumuhay.
"Sumama ka sa akin at pumunta sa Akademya sasabihin ko kung ano pakay namin sayo at sasabihin ko din sayo kung sino talaga ang pumatay sa mga magulang mo."
Biglang nanginig ang mga tuhod ko at nanghina muntik na ako matumba buti nabalase ko ka agad ang sarili ko. Paano niya nalaman na wala na ang mga magulang ko? Sino ba talaga sila? Sino ba itong Headmistress na ito?.
"P-paano mo nalaman na wala na ang mga magulang ko kilala mo ba sila?"
"Masasagot ko lang yan pagsumama ka sa amin sa Akademya."
"Paano ako makakasiguro na hindi niyo ako niloloko?"
"Dahil dito." may bigla siyang kinuha sa parteng dibdib niya at nakita at kwintas. Nangunot bigla ang kilay ko paano siya nagkaroon ng kwintas na yan?
"Bakit meron ka niyan?"
Bigla siyang ngumiti. "Malalaman mo lang kung sasama ka saamin papuntang Akademya wag kang mag alala hindi kami masasamang tao."
Bakit pag ngumigiti siya ay may nararamdaman akong kaginhawaan yung paraang sa isang ngiti lang niya ay mapapaamo ka niya yung parang hindi mo kayang magalit sa kanya mahika niya ba yun?
"At isa mas ligtas ka sa Akademya mas makakatulog ka ng mahimbig na walang iniisip na may mag tatangka sa buhay mo."
Sa totoo lang nag dadalawang isip ako kung sasama ba talaga ako sakanila maraming dahilan kung bakit ayaw ko sumama sa kanila una ay hindi ko sila kilala sinong tanga ang sasama sa kanila kung ngayon mo lang silang nakilala lalo na tong matandang babaeng ito pangalawa naiinis ako sa matandang ito naiinis ako dahil sa isang ngiti niya lang nawawala agad ang inis ko sa kaniya pangatlo may mga isip ipis na kasama ang matanda na mas lalo kung ikinaiinis lalo na yung lalaki kung makangiti kala mo wala ng bukas.
"Hmp may magagawa pa ako? Gusto ko rin malaman kung ano ba talaga nangyari sa mga magulang ko at kung sino ang pumatay sa kanila at kung ano ba talaga ang pakay nila kung bakit nila nagawa iyon." irap ko sa kanila naiinis pa rin ako dahil sila lang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang.
"Mabuti naman at sumama ka saamin sisiguraduhin ko na magiging ligtas ka doon at masaya." ngiti na naman ng matanda.
"Wag ka ngang ngumiti naiinis ako sayo."irap ko sa matandang ito.
"Hoy! Wag mo pagsalitaan ng ganyan ang Headmistress matuto kang gumalang sa mga nakakatanda sa iyo."
Biglang sabat ng lalaking ito, ngayon naka kunot na ang kilalay at parang galit na galit. Bigla akong napangisi ito lang pala ang makakapag inis sa kaniya ang tarayan ko ang matanda.
"Huminahon ka Kishore wala lang iyon, ang mabuti pa umalis na tayo dito at pumunta sa Akademya para makapag pahinga na itong si Kc lalo na kayo mag pahinga na kayo at sunod sunod ang misyon na inutos ko saiyo." nakangiting utos ng Headmistress sa kanila at sabay sabay na lang silang tumango.
Sa totoo hindi naman talaga ako mataray hindi ko lang maiwasan dahil sa mga nalaman ko ikaw ba naman biglang may susulpot at sasabihin na sumama sa kanila at dumating pa itong Headmistress daw nila at sinabi na kilala niya ang mga magulang ko at kilala niya kung sino ang mga pumatay sa kanila at isa pa itong Kishore ang pangalan nakakairita lang ang pagngisi niya na parang nang aasar.
Mag sasalita sana ako ng biglang may bumukas na portal sa harapan ko. Kakamangha ang mahika niya bigla akong napangisi ito ang unang beses na nakakita ako ng portla ilalagay ko itong mahika na ito sa libro ko para magamit ko siya.
"Spatial Magic."
Biglang nag salita si Vera na nasa tabi ko na, may sa maligno ata ito si Vera biglang sumusulpot ng hindi ko nararamdaman.
"Kaya ko pumupunta kahit saan ko gusto pero may limitasyon ang aking mahika kailangan ko muna ito mapuntahan ang lugar na iyon." mungkahi niya sa akin na nakangiti.
Ano ba problema nila bakit lagi silang nakangiti paano sila nakakangiti ng ganyan?
Naunang pumasok si Angela at sumunod sila Ashely, Vera sumunod naman ako sa Headmistress at nag pahuli naman itong si Kishore, akala naman niya tatakas ako paano naman ako tatakas napakarami nila.
"Ang haba naman ng buhok mo hanggang bewang, bakit hindi mo ito pagupitan para hindi sagabal sa napakaganda at napaka kinis mung mukha?" bulong nito sa aking tenga naramdaman ko naman ang mainit at mabango nitong hininga, biglang nagtaas ang mga buhok ko sa batok ko.
Bwiset bakit kailangan talaga ibulong ito sa akin nang aakit ba siya? inaakit niya ba ako? Pwes hindi mangyayari iyon hindi ako basta basta naaakit.
Bwiset ano ba itong nasa isip ko bakit naman niya ako aakitin eh hindi naman ako babae.
Pagkapasok ko sa portal ni Vera biglang may umihip na malakas at sariwang hangin, nakatawid na kami at nandito kami sa taas ng gusali, kitang kita ang lawak ng Akademya, napakaganda ng Akademyang ito kitang kita mo dito sa taas ang mga studyanteng nag lalakad, kitang kita din dito ang araw na papalubog napakagandang tingnan ito naparang nagtatago sa dalawang bundok hindi ko alam pero bigla akong naluha, napakagaan sa damdamin ang mga nakikita ko.
Napayuko ako at humikbi ito ata ang pinaka una kung iyak ng nawala ang mga magulang ko nung nalaman ko na namatay ang mga magulang ko hindi ako umiyak, dahil kasama din sa Magic Seal ang hindi maramdaman ang mga physical at emotional na nararamdaman.
Mas lalo akong umiyak ng maramdaman ko na yumakap ang Headmistress sa likuran ko, nanghina bigla ang tuhod ko at napaupo.
"Wag ka magalala Kc nandito ako at handa akong protektahan ka sa maaabot ng makakaya ko."
"B-bakit ganun? B-bakit nangyari ito sa akin? B-bakit nila agad kinuha ang mga magulang ko napakadaya naman ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila, sana nga sumama na lang ako sa kanila para hindi ko na ito nararamdaman, napakasakit lang p-parang wala na akong silbi sa mundo na ito."
"Wag mo sabihin yan Kc, isa lang ito sa mga pagsubok na dapat mong lagpasan, sigurado akong may dahilan kung bakit nangyari ito sayo, pero ito ang tatandaan mo kailangan mo maging matapang kailangan mo maging malakas at kailangan mong tuparin ang mga pangarap na gusto ng mga magulang mo sa iyo ang maging magaling, malakas at maging tagapagtanggol ng mga tao gaya nila."
Napahinto ako sa pag iyak sa sinabi niya nakalimutan ko ang mga pangako ko sa kanila na magiging isang magaling na salamangkero gaya nila. Siguro dito na ako mag sisimula sa Akademyang ito dito ako sisimulan ang mga pangako at pangarap ko sa kanila.
Tiningnan ko sa mata ang Headmistress kita ko sa kanya ang awa at lungkot. Tiningnan ko ng buong tapang ang Headmistress.
"Gagawin ko ang lahat para matupad ang mga pangako at pangarap ng mga magulang ko sa kanila kaya sana pahintulutan mo akong gamitin ang mahika ko sa Akademyang ito."
Gustong gusto ko na ilabas ang enerhiya ko.
Tumango siya sa akin nag papahiwatig na sumasangayon siya sa sinabi ko. "Oo naman alam ko naman na matagal mo na hindi na gagamit ang mahika mo, alam ko namang nag iingat lang ang mga magulang mo kaya hindi kanila pinapayagan na gamit ang mahika mo pero dito sa loob ng Akademyang ito malaya mong magagamit ang mahika mo."
Tumango ako at tumingin ulit sa palubog ng araw.
Dito na mag sisimula ang lahat, dito na mag sisimula ang bagong buhay ko.