Kc POV
Nandito pa rin kami sa taas ng stage, kakatapos lang kami ipakilala ng Headmistress sa mga studyante at mga guro dito sa Akademya.
Nalaman ko ang pangalan ng apat na sila:
Oliver Gon
Summer and Winter Anzales
and Mary Cloud.
sila ang mga ang isa sa mga baguhan sa Akademyang ito syempre kasama ako.
Ngayon pipili daw ang mga Captain bawat houses ng bagong miyembro nila, apat ang nasa kabilang gilid ng stage na ito at tatawagin ng Headmistress isa isa at pipili sila isa din sa amin pero ang sabi ng Headmistress tungkol sa kambal kung nasaan ang isang kapatid nito dun din ang kambal nito.
"Captain Tresh ikaw ang mauuna dahil kayo ang pinaka una sa Ranking, ngayon pumili ka ng isa sa kanila para maging bagong miyembro ninyo sa House Of Gold."
"Ang pipiliin namin para maging House Of Gold ay si Oliver Gon."
Biglang nag sigawan ng nakakabingi ang mga miyembro ng House of Gold, tsk tuwang tuwa sila, kasi si Oliver ang may pinaka malakas na enerhiya sa aming lima.
"Magaling Captain Tresh aasahan ko na talaga ito na pipiliin niyo ang may pinaka malakas na enerhiya sa lima." sabi ng Headmistress at tumingin sa akin alam ko ang tinginan niya. Sinabi ko na kasi sa kanya ang mahika ko at gulat na gulat siya dahil daw ngayon niya lang nalaman na may mahika na ganito, pinakita ko naman sa kanya ang Enerhiya ko pero hindi ko pinalabas sa opisina nila oo kontrolado ko rin ang enerhiya ko, kita ko sa kanyang mukha ang gulat at takot ng ilabas ko ang enerhiyang tinitipon ko ng maraming taon nakita ko pa sa kanyang mga mukha ang kunting butil ng pawis niya.
Napag usapan din naman na wag ko muna ilalabas ang tunay kung mahika sa kanila dahil may aayusin muna siyang mga dapat ayusin tulad ng mas nakakataas sa kanya sa Akademya dahil sigurado daw siya na pag kakaguluhan daw ako lalo na ang ibang Akademya.
"Ngayon ikaw naman Captain Gale dahil kayo ang pangalawa sa Ranking ikaw ang susunod na pipili para sa magiging bagong miyembro niyo." tumango naman ang nagngangalang Gale, may itsura siya at may pag ka moreno ito at may malalaking braso tulad ng Captain ng House of Gold na si Captain Tresh ang pinag kaiba lang ay seryoso si Captain Tresh at masayahin naman si Captain Gale.
"Ang pipiliin ko naman ay ang kambal na si Summer and Winter Anzales."
Napuno ulit ng sigawan ng piliin ang kambal na maging bagong Miyembro ng House of Silver.
Alam ko na naman na ako ang mahuhuli at alam ko na din kung saan mapupuntang house ang mga kapwa ko baguhan.
"Ngayon naman ay si Captain Tyler ang pangatlo sa Ranking."
Bigla naman ulit nag si tahimikan ang mga studyante ng si Captain Tyler na ang pipili, tumingin tingin pa saaming dalawa itong si Captain Tyler kung sino ang pipiliin niya, ako naman kalmado lang at walang pake totoo naman eh wala akong pake kung hindi nila ako piliin at mapupunta ako sa House of Pearl at sang ayon na din ako dahil may misyon ako ang tulungan mag bago ang House of Pearl.
"Ang pipiliin ko ay si Mary Cloud para sa House of Diamond." walang emosyon na sabi ni Captain Tyler.
Bigla ulit napuno ng sigawan ang Gymnasium ng pumili ang Captain ng House Of Diamond.
"Magagaling kayo pumili." ang pag puri ng Headmistress sa kanila. " Ngayon ang natira na lang ay si Kc Farell at ang natira na lang din na House ay ang House of Pearl. Captain Keith ikaw na bahala sa bagong miyembro mo." ang nakangiting sabi ng Headmistress.
"Pst! Kc! Halika na dito bilis tumabi ka na sa akin hehe." an magiliw na utos sa akin ni Captain Keith.
Bat ang liit niya? Alam niyo napapansin ko na ang liliit nila parang mga pandak. Pero wala akong paki basta ang importante ay matapos ko ka agad itong misyon ko.
"Ngayon tapos na ang pagpapakilala sa kanila pwede na kayong bumalik sa mga Houses ninyo!" sigaw ng isa sa mga guro dito. Nag sitayuan na ang mga studyante at bumalik na sa kani kanilang House nila.
"Halika na Kc ipapasyal ka namin sa House natin sigurado akong magugustuhan mo doon." ang magiliw na saad nito. Bakit ang saya saya naman nito? Ano akala niya sa akin nakakatawa? Ito lang ata ang Captain namin ang may maaliwalas at masayahing mukha pwera kay Captain Gale na masiyahin din. Pero hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mahina ang enerhiya niya diba dapat malakas ang enerhiya para maging Captain dito?
"Hindi ko akalain na may kaparehas akong mahika dito. Saan mo natutunan itago ang enerhiya mo?"
Putcha paano niya nalaman na itanatago ko ang enerhiya ko? Pwera na lang kung isa siyang Enchantress? Hindi ako Enchtress pero ang ina ko ay isang Enchatress ginamit ko ang spell niya para itago ko ang enerhiya ko Vernier Echant Spell.
Mukhang mahihirapan akong itago ang mahika ko. Hindi ito madali kailangan ko din mag panggap na isang din akong katudal niya. Buti na lang alam ko lahat ng mga spell na ginagamit ng Ina ko.
"Opo isa din ako Enchantress gaya niyo una ko palang kita sainyo alam ko na isa ka din na tulad ko at namana ko po ito sa ina ko na isa ding Echantress kaya alam ko lahat ang mga ginagamit niya na spells." nakangiti kung sagot sa kanya.
Nadadala ako sa ngiti niya kaya ngumiti din ako kailangan ko maging mabait at kaibiganin sila para magawa ko ng maayos ang misyon ko.
"Pero bakit mo tinatago ang enerhiya mo?" bigla akong nagulat sa tanong niya.
"U-uhm d-dahil-
Biglang naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit ang Captain ng Gold na si Captain Tresh.
"Tignan mo nga naman nag sama sama na naman ang mga mahihinang nilalang sa akademya, alam niyo hindi naman kailangan ng House Of Pearl sa Akademyang ito sapat na kaming tatlo dito ni hindi niyo nga kayang tapatan ang mga miyembro ko at ni hindi niyo nga kayang makaangat sa rank." ang nakakainsultong sabi nito saamin. At biglang nag tawanan ang mga katabi niya na sila Captain Gale at Tyler.
At mag kakaibigan pala sila hindi na ako mag tataka kung hindi pare parehas lang silang masasama ang ugali.
Bago pa magsalita ulit si Captain Tresh ng biglang nag salita ang Captain namin.
"Alam niyo tinagurian pa naman kayong Captain sa Akademyang ito kung ganyan ang mga ugali niyo ang sasama at ang babaho gaya ng isang patay na isda."
Bago pa ulit makasalita si Captain Tresh tumalikod na kami at hinila ako ni Captain Keith papunta kung saan.
"Nakakagigil talaga ang mga Captain na iyon walang magawang maayos kundi ang mag hasik ng kasamaan sa Akademyang ito kaya nagaya na din sila ng mga ka miyembro nila pare parehas na lang silang masasama ang ugali." inis na sambit nito. "Kaya ikaw Kc wag kayang gagaya sa kanila ah. Alam ko na man na hindi ka gagaya sa kanila kasi nasa puder ka namin." nakangiting sabi na naman nito sa akin.
Ginantihan ko naman ito nag isang ngiti din. Nagiging komportable na ako sa kanya hindi ko alam kung bakit pero ang bait niya kasi eh.
"Halika na ipapakilala kilala kita sa mga ka House natin sigurado akong matutuwa iyon dahil nadagdagan ulit kami ng miyembro."
Hinila na naman niya ako at nagpatuloy kami sa pag lalakad.