Chapter 15

209 17 8
                                    

Kc POV

"ANO!?" biglang sigaw ni Lee sa akin, aray ko naman bakit ba siya naninigaw??

"Alam mo ba ang ginawa mo ha?" tanong ni Lee sa akin. Tsk ano bang tanong yan? kakasabi ko lang nga eh na tinutukan ko ng patalim lahat ng House of Silver eh sa nainis ako tas aatakihin pa nila ako syempre poprotektahan ko sarili ko sa kanila.

"Kakasabi lang diba kailangan pa ulitin?" pamimilosopo ko sa kanya.

Napahilot naman ito sa sintido niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya bakit ganyan siya umasta hindi ko naman pinatay yung mga House of Silver ah kung maka react naman toh wagas.

"Alam mo ba na ang kinalaban mo ay ang kapatid ng Captain ng Silver na si Captain Gale? Hindi mo pa kilala ang mga ugali nila dapat kasi pinabayaan mo na lang sila malaking gulo ito malaking malaki." wagas na sabi ni Lee sa akin.

"Ano gulong pinagsasabi mo?"

"Hindi mo pa rin ba maintindihan ang nangyayari? Nakalaban mo lang naman ang kapatid ng Captain ng House of Silver."

"Oh tapos?" hindi ko talaga makuha ang pinupunto niya ewan ko jan baliw na ata.

"Nakita mo namam ata kung ano itsura ng House natin sa taas?" tumango ako sa sinabi niya ano naman koneksyon ng sira sirang House namin? "Sila ang may gawa niyan kung bakit sira sira ang House natin. Hindi na ako magtataka na yan na naman ang pupunteryahin nila."

Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Isang pag kakamali ang nagawa ko at kasalanan ko ito sigurado akong tuluyan ng masisira ang House namin pag pumunta ang mga Silver sa teritoryo namin.

"Sigurado akong magigiba na ang House natin pag nangyari iyon makikita ng mga ibang House ang tinatago nating sekreto. Ayaw mo naman ata mangyari iyon? Ataska ayaw mo naman ata magalit ang Captain natin pag nalaman niya ito?"

Hindi pwedeng masira ito. Ayaw ko magalit ang Captain namin sa akin dahil sa kagagawan ko.

"Ako ang haharap sa kanila hanggat maari gusto kung protektahan niyo ang House natin ayaw ko masira ito dahil lang sa maling ginawa ko."

Pumunta na kami sa taas at determinado na ako, ako ang haharap sa kanila gagawin ko ang lahat para ma protektahan ko ang House namin. Napamahal na ako sa House of Pearl at ayoko ito masira.

"Nahihibang ka na ba? Ikaw ang haharap sa kanila? Wala kang tyansa manalo. Napakarami nila at nag iisa ka lang hindi mo kaya sila lalo na ang Captain nila. Kahit malakas ang enerhiya mo wala ka paring tyansa manalo." mahabang paalala sa akin ni Lee.

"Wala akong pake kahit masaktan pa ako, dahil una pa lang ako na ang may kasalanan dahil nangyari ito kung nag isip sana ako ng mabuti at hindi nadala sa inis hindi ito mangyayari."

"Sasama ako tutulong ako sayo hanggat maari dapat hindi masira ang House natin."

"May magagawa pa ba ako? Matigas din ulo mo eh."

Ngumiti ito sabay tango sa akin nagulat pa nga ako ng ngumiti siya lagi ko kasing napapansin na laging nakasimangot ito.

"Paano naman natin mapo protektahan ang House natin eh dalawa lang tayo, lahat ng miyembro nasa baba ng House at takot na takot?"

"Akong bahala." nakangiti kung sabi sa kanya."

Bago ko pa malabas ang enerhiya ko may bigla akong naramdamang malakas na enerhiyang paparating sa House namin.

"Lee! May paparating maiingat ka!" Paalala ko sa kanya. Maya maya biglang nawasak ang parteng bubong ng House namin at nakita namin na may isang taong pababa galing sa taas.

Phoenix Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon