Chapter 12

175 18 0
                                    

Kc POV

Sino naman si Lee?

Maya maya biglang may tumayong matangkad na lalaki sa bandang likod at may dala dalang Black Sword sa left side ng kanyang bewang.

Ano ang mahika niya bakit may dala dala siyang Sword siguro Archenemy Magic ang mahika niya.

Hindi ko naman ata magagamit ang mahika niya dahil wala akong Swords kaya walang silbi din pag ginamit ko ang mahika niya.

"Kamusta bunso?" sabi ng Captain.

ANO? Kapatid niya si Lee? Bakit ang layo naman atsaka bunso? Eh mas mukhang bunso pa nga si Captain ang tangkad kaya nitong Lee.

"Tsk!"

Suplado. Magkaiba sila ng ugali, hindi lang ugali pati na din ang tangkad medyo mas mababa lang ang Captain sa akin siguro nasa tenga ko lang siya pero kapag tumabi ako kay Lee siguro hanggang balikat lang niya ako.

"Wag mo akong artehan jan Lee malilintikan ka sa akin."

Grabe naman si Captain maging Kuya nakakatawa. HAHA.

"Pero kuya ayoko makalaban ang mga miyembro mo, hindi pa nga ako gumagamit ng mahika naiihi na sila sa takot paano pa kaya sa Magic Games mas mabuti pa wag niyo na lang ituloy ang binabalak niyo mapapahiya lang kayo at pagtatawanan doon tanggapin niyo na lang na mahihina kayo na hindi niyo kayang tapatan sila.

Grabe din ang bibig nito eh. Hindi man lang niya naisip na masasaktan ang mga miyembro nito sa mga pinagsasabi niya ang gusto lang naman nila ang manalo at may mapatunayan.

"LEE! Hinaan mo naman ang boses mo!" saway naman ng Captain kay Lee.

"Eh totoo naman kuya ah tanggapin na lang nila na hindi sila mananalo at laruan lang sila sa Magic Games."

Tatayo na sana ang Captain pero inunahan ko na ito at nag salita ako.

"Babaguhin ko sila." walang emosyon kung sambit kay Lee. Bigla naman itong tumingin sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ah talaga? Paano mo naman iyon gagawin kung pati ikaw mahina at walang silbi baka pag tapak mo palang doon umatr-

Hindi ko na pinatapos ang pinagsasabi niya ng ilabas ko ang enerhiya ko ng nakapikit.

Haaaa ang sarap sa pakiramdam pag inilalabas mo ang enerhiya mo parang  nawala ang mabigat na pakiramdam sa akin.

Ng binuksan ko ang mga mata ko kita ko sa kanila ang takot at gulat, nakita ko din silang nanghihina na parang nawawalan sila ng enerhiya.

Tinginan ko naman si Lee na nakaluhod na dahil sa pag hihina, kita ko din sa mukha niya ang takot at gulat. Nilingon ko naman ang Captain at kita ko naman sa kanya na nilalabanan niya ang enerhiyang nilalabas ko.

"Sisiguraduhin ko na hindi na tayo pag tatawanan at pag lalaruan sa Magic Games sisiguraduhin ko din na mananalo tayo at sisiguraduhin ko di na mag babago kayo sa magandang paraan at gagawin ko ang lahat para lumakas kayo!"sigaw ko sa kanila, derminado na talaga na tulungan sila at hindi na iyon mag babago.

"K- kc itigil mo na yan n-nadadamay ang mga ibang m-miyembro mo." sabi ng Captain sa akin.

Itinigil ko naman ang pag papalabas ko ng enerhiya at bumalik na din ang mabibigat na pakiramdam sa akin.

"Pa-paano mo nagawa iyon?"ang sabi ni Lee na ng hihina pa rin.

Umiling ako. "Wala akong ginawa siguro sa tagal na hindi ko nailalabas ang enerhiya naipon iyon sa akin kaya ganun na lang kalakas ang enerhiya ko."

Pagkatapos ng pangyayari sa Information Hall pinabalik na ng Captain ang mga miyembro sa kani kanila nilang dormitoryo. Nalaman ko naman kung ano ang mga nasa likod ng Elevator na iyon.

Ang unang Elevator ay papunta sa dormitoryo ng mga babae at ang pang limang dormitoryo ay para sa mga lalaki at ang pangalawa, pangatlo at ang pang lima ay hindi kopa alam.

Hinatid naman ako ni Captain sa dormitoryo ko at ngayon ay nasa loob na ako at nag papahinga.

May malaking kama at malaking kabinet sa dito na puno ng mga damit at puro iyon mga puti. May sariling kusina ito at banyo puro puti din ang kulay ng mga gamit dito pati ang pintuan na di pindot din ay puti.

Napakaganda ng sarili kung kwarto ang laki at ang linis tingnan. Medyo malamig sa loob dahil may Aircon daw dito tinuruan naman ako gumamit nito kasi mainit dito sa loob pag pasok namin buti nga binuksan agad ito at lumamig na.

Hindi na ako nag sisisi na napunta ako sa House of Pearl ang akala ko noon ay sa pangit na Haunted House kami mapupunta.

Maraming ring libro na tungkol lahat sa mahika nakapatong ito malapit sa kama ko at iyon ang gustong gusto ko mahilig kasi ako mag basa at lahat ng mababasa ko dito magagamit ko pag nagkataon.

May sarili sin akong television pero magagamit lang ito pag may mga sasabihin ang sekretarya nito na mga importanteng impormasyon at pag may mga emergency.

Nakahiga na ako sa kama at nag papahinga napagod ako kakatayo simula pa iyon sa taas ng stage hanggang sa may information hall nakatayo pa rin ako.

Medyo napagod ako kanina at masakit na din ang paa ko.

Buti bago kami pumunta dito binigyan ako ng pagkain at dito na ako kumain sa kwarto ko.

Matutulog na lang ako para makapagpahinga na ako. Bukas ko na lang iisipin kung ano ang mga gagawin ko sa kanila.

Napag desisyonan na kasi namin na mag eensayo na kami agad dahil malapit na ang Magic Games kailangan na daw kasi ng Phoenix Academy ng mga representative para sa Grand Magic Games.

Isa din itong iniisip ko ano naman ang Grand Magic Games na pinagsasabi nila. Hayyyysst ang rami rami ko ng iniisip sumasakit na talaga ang ulo ko bukas ko na lang iyan iisipin at tatanong ko na lang ang Captain.

Maya maya nakatulog ako na ako dahil sa pagod at kakaisip kung ano ano.

Kishore POV

Nandito na ako sa kwarto at nag papahinga pagkatapos kasi ng mga naganap sa Gymnasium ay nag ensayo agad kami sa likod ng House namin dito kami nag eensayo sa likod dahil malawak ito at pwede pwedeng gamit ang mahika hanggat gusto mo.

Siguro walang ganito ang House of Pearl dahil maliit lang ang espasyo nila at puro puno na iyon saan naman sila mag eensayo? Baka nga hindi sila nag eensayo dahil hindi man lang namin nakita silang nag eensayo labas pasok lang sila lagi sa House nila.

At iyon din ang pinagtataka namin medyo sira sira na ang House nila at hindi man lang nila ito pinapaayos. Atsaka ito pa lumalabas lang sila kapag may klase, at pag uwian naman ay papasok na sila at hindi na lalabas kahit kelan. Ano naman ang ginagawa nila sa loob? Hindi ba sila ba sila nababagot sa loob at puro kahoy lang at sira sirang mga parte ng bahay.

Hayst bahala na sila wala naman silang silbi dito, hmm meron naman pala ang paglaruan sila, may silbi naman sila kahit papaano eh.

Medyo malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog pero ok lang wala naman klase bukas dahil sabado.

At bukas ay mag eensayo lang kami mag hapon, nag hahanda na kasi kami sa nalalapit Magic Games na gaganapin na sa susunod na buwan na.

Hayst makatulog na nga sigurado akong papagurin na naman kami ng Captain sa pag eensayo kailangan ko ng lakas para bukas.

Phoenix Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon