Kc POV
Nandito kami ngayon sa tinatawag nilang Training Room daw makikita ito sa pangalawang Elevator at dahil hindi pa ako sanay sa punyetang Elevator na yan ayon hilong hilo ako at naka upo sa gilid.
Kanina pa daw nila ako hinihintay at ako na lang daw ang iniintay nila, grabe naman sila kanina pa daw sila ditong madaling araw nag eensayo.
Grabe naman gustong gusto talaga nila manalo sa Magic Games. Hindi ko naman sila masisisi pagod na silang paglaruan eh, at iyon din ang ikinatutuwa ko hindi na ako mapapagod kumbinsihin sila akala ko kasi pipilitin ko pa sila para manalo sa Magic Games, umaayon na sa akin ang tadhana.
Wala ngayon ang Captain namin dahil may importanteng gagawin daw muna ito.
Karamihan sa mga Pearl ay kakaiba ang mahika na ngayon ko lang narinig. May nakaagaw saakin ng pansin ang ganda kasi ng mahika niya at kakaiba, siguro kung isasanay lang siya ng maigi ay kaya niyang talunin ang ibang Houses.
Tumayo ako at pumunta sa harapan niya nagulat pa nga ito sa akin at napayuko tsk natakot ko pa ata.
"Kakaiba ang mahika mo may pagka parehas tayo pero ang pinagkaiba lang ay nakadepende ka sa malaki mong papel at pang pinta."
"Opo Painting Magic po ang mahika ko kaya ko po lahat ipinta ang mga lahat na naiisip ko pero medyo mabagal pa po ako puminta." nakayuko niyang sambit sa akin.
"Ano ba ang kaya mong ipinta? Nagawa mo na bang umatake gamit ang Mahika mo?"
Umiling ito habang nakayuko. "Hindi pa po ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng mga panangga at gayahin ang isang tao."
Tumango tango ako hindi pa nga niya talaga gamay ang mahika niya.
"Gusto kung gawin mo ay magpinta ka ng mga ibat ibang attack spell lalo na ang apat ma elemento kapag nagawa mo itong gawin sa isang linggo tuturuan naman kita ng mga iba't ibang mga mahika na pwede mong gayahin naiintindihan mo?"
"P-pero hindi ko alam kung kakayahin ng enerhiya ko ang gumawa ng ibat ibang spell ng apat na elemento."
"Alam kung kakayanin mo mag tiwala ka lang sa sarili mo at mag ensayo ng mabuti at habang tumatagal hindi mo namamalayan na lumalakas ka na pala naiintindihan mo." paliwang ko sa kanya na nakangiti.
Tumango ito ng pa ulit ulit na naka ngiti. "Opo kakayahin ko para sa House Of Pearl."
Buti naman pagkatapos ko makausap ang lalaking iyo na hindi ko man lang natanong ang pangalan ay umalis na ako at pumunta kay Lee na nag eensayo ng mag isa.
"Kamusta ang pag eensayo?" tanong ko sa kanya habang winawasiwas nito ang napaka gandang sandata nito. "Atsaka bat may benda ang sandata mo?"
Tumungin ito sa akin na nakakunot ang noo. Oh bakit naman ito galit sa akin? nag tatanong lang naman ako.
"Seryoso ka? Hindi mo alam ang mahika ko? Akala ko ba lahat kaya mong gayahin."
"Tsk. Oo kaya ko nga pero ngayon lang ako nakakita na ganyan ang sandata na may bendang puti."
"Tsk. Nilalagyan ko ng benda ang sandata ko para hindi ito mahulog o matanggal ang nasa loob. Dito ko iniipon lahat ng enerhiya ko sa loob ng sandata ko at kapag nilabas ko ang espada ko ng isang beses may enerhiyang lalabas dito na kayang mahati ang isang gusali sa isang wasiwas ko lang kaya todo ingat ako para hindi matanggal ito ata baka mahati ko pa ang taong nasa malapit sa akin."