KC's POV
"Mama nandito na po ako!" Kakarating ko lang galing sa palengke dahil sabi ni Mama na mag luluto daw siya ng paburito ko na ulam at dahil siya daw mag luluto ako na ang nag presenta mamalengke para may maitulong naman ako.
Gusto ko na matikman ang luto ni mama sigurado akong mauubos ko na naman ang kanin na niluto niya.
"ANAK? ANAK?"
Nabigla ako ng sumigaw si mama galing kusina at nag mamadaling pumunta sakin.
"Ma? Bat sumisigaw kayo at bakit takot na takot ka? Ano ba nangyayari?"
"Anak makinig ka saakin-
Di na tuloy ni mama ang sasabihin ng biglang may sumabog sa parteng kusina namin.
"Ma? Ano ba nangyayari? Si Papa nasaan?"
"Anak wala ng oras makinig ka saakin ng mabuti gusto ko pumunta ka sa Phoenix Academy at hanapin mo si Ms.Witherspoon matutulungan ka niya."
"Ano po ba pinag sasabi niyo Mama?" umiiyak na ako dahil sa takot at sa mga pinag sasabi ni Mama bat parang nag papaalam siya sakin atsaka ano yung narinig kung pag sabog sa likod?.
"Wala ng oras anak sundin mo ang sinabi ng Mama ah. Mahal na mahal kita, namin ng Papa mo." umiiyak na sambit ni Mama nalilito na ako ano ba ang sinabi ni mama di ko maintindihan bakit pupunta ako sa Akademyang iyon?.
"MARY?" si papa tumatakbo papunta samin.
"Anthony! Nandito kami."
"PAPA" bigla akong tumakbo at yumakap sa kanya.
"Papa di ko kayo maintindihan ni Mama." humihikbing tanong ko sa kanya.
"Anak sundin mo na lang Mama mo ha." Sabi ni papa at niyakap din ako. "Para ito sa kaligtasan mo."
"Anak umalis ka tumakbo ka na bilisan mo wala ng oras."
Bigla akong kumalas sa kay Papa at yumakap din kay Mama yumakap din ang Papa samin. Gustong gusto ko itong pakiramdam na niyayakap ka ng pamilya mo ang sarap sa pakiramdam ito ang lagi naming ginagawa pag gabi siguro ito na din ang huling yakap namin sa isa't isa.
"Anak tandaan mo ito Mahal na mahal ka namin."sabay na sabi ni Mama at Papa. "Atsaka ito nga pala ang ginawa mong libro sana mapatawad mo kami ng Papa mo kung pinag babawalan ka namin gamitin ang mahika mo pero matigas pa rin ulo mo at gumagamit ka pa rin, pero alam mo anak nakita ka namin ng Papa mo gumamit ng mahika at ang masasabi ko lang ay napakagaling mo gumamit at may huling habilin nga pala ako sayo bukod sa pag hahanap ng Phoenix Academy, wag mo sanang ipapakita ang mahika mo kahit kanino tandaan mo yan, at sana gamitin mo ito sa tama at wag sa masama."
Isang pananginip na naman paulit ulit na lang ang pananginip na iyan, hindi ko alam kung bakit yan lagi ang pananginip ko, sabagay iyon ang pinaka huling sinaryong nakita ko sa labas ng kulungan na ito, iyon din ang pinakahuling nakita ko ang mga magulang ko nabalitaan ko na lang na namatay sila, napakasakit ang pangyayaring iyon at hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang sakit na ito.
Pero ang mas masakit ay ako ang pinagbibintangan nila na pumatay sa mga magulang ko, hindi ko alam kung paano nangyari na ako ang pinagbibitangan nila napakabata ko pa noon at wala pang alam, wala rin akong mahingan ng tulong dahil wala na akong ibang pamilya at ngayon may nabalitaan akong makakalaya na daw ako kasi nalaman nila na hindi ako ang pumatay, wala rin akong pakialam kung habang buhay ako dito sa kulungan mas gugustuhin ko pang mahuli nila ang pumatay sa magulang ko kaysa makalaya pa, wala rin silbi kung makakalaya ako, ano naman gagawin ko sa labas kung wala man lang akong kakilala at pamilya.
Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim, maya maya lang din makakalaya na ako inaayos lang nila ang mga papeles para opisyal na nakalaya na ako.
Bagong ligo din ako at bago din ang damit na pinasuot sa akin, matagal din akong hindi nakasuot ng magandang damit ang ganda nga ng tela eh ang lambot sa balat at presko, mahaba na din ang buhok ko siguro hanggang bewang ko na ito simula ng makulong ako dito hindi ako nag pagupit kahit isang beses, ang pinag tataka ko lang kung bakit wala man lang akong kabuhok buhok sa binti, kahit sa balabas wala ako niyan.
Di bale na lang wala din naman akong pakialam sa itsura ko, maya maya maya may rinig akong mga yapak pa punta sa kulungan ko ako lang kasi ang mag isa sa kulungan na ito, hindi ko alam kung bakit mag isa lang ako dito sa kulangan na ito at hiniwalay nila ako sa kapwa ko.
"Farrel, Kc makakalabas ka na." isa sa mga kawal ng Magic Council.
Inalis nila ang Magic Seal na gawa sa posas sa akin ang ginagamit ang Magic seal para hindi nila magamit ang Mahika nila.
Pag kaalis nila ng posas sakin nilabas ko kaagad ang enerhiya ko na nakatago mahigit sampung taon, ang gaan sa pakiramdam, yung pakiramdam na parang naalis yung pasan pasan mo sa balikat mo.
Ang sarap sa pakiramdam na naalis na ang Magic Seal sa akin nakakagalaw na ako ng maigi.
"M-mr. Farrel ito nga po pala ang l-libro mo." nahihirapan na sambit ng kawal sakin. Tsk hindi ko kasalanan na malakas ang enerhiya ko ikaw ba naman mahigit sampung taon nakatago ang enerhiya ko malamang naipon yun sakin.
Kinuha ko ang libro ko sa kanya at nilagay sa Book Holder ko ito yung parang sinturon pero sa gilid nito may lagyanan ng libro para mabilis ko lang makuha at magamit, ginawa ito ni papa noong bata pa ako.
Matagal ko na hindi nakikita ang libro ko, kaya laking tuwa ko lang na inalagaan nila ito at hindi sinira.
Pagkatapos nila ibigay ang libro saakin nag lakad na sila paalis sa kulungan, sinundan ko ito may nadaan pa ako na kapwa ko bilanggo at sumisigaw na palayain na sila gaya ko.
Malapit na ako sa pintuan pero napahinto ako, pag lumabas ako sa lugar na ito makikita ko na ulit ang mundo ano kaya ang makikita ko doon may pag babago ba? siguro maraming bahay na dito at malalaking bahay na gawa sa bato.
Pag lumabas ako dito maraming mag babago sa akin lalo na ang pamumuhay ko, nasanay ako na nanjan ang mga magulang ko, at dahil wala na sila sigurado akong mahihirapan ako mamuhay mag isa.
Iniwan na ako ng mga kawal at umalis na sila tinuro nila kung saan ang labas dito, siguro mga sampung hakbang pa para marating ko ang malaking pintuan.
Ng makalapit na ako sa pintuan napa buntong hininga ako, sa totoo lang wala pa akong plano kung saan at anong gagawin ko hindi ko naman kasi alam na makakalaya na ako, hindi ko rin alam kung saan ako mag sisimula.
Bahala na sana gabayan na lang ako ng mga magulang ko.
Binuksan ko ng dahan dahan ang malaking pintuan, bahagya pa akong nasilaw sa liwanag, maya maya lang nasanay na ang mga mata ko matagal din hindi ako nakakakita na ganito kaliwanag puro dilim lang nakikita ko.
Ng masanay na ang mga mata ko nakita ko ang napakaraming tao, siguro malapit ang Magic Council sa palengke.
Napakaraming taong namimili kung ano ano, marami din ang tumitinda kung ano ano.
Nakakamangha matagal na din noong nakapunta ako sa palengke hindi pa rin nag babago napaka ingay pa rin.
Bigla ako naluha, naalala ko kasi ako lagi ang namamalengke para may makain kami at para matulungan ko ang mga magulang ko, bata pa lang ako napakasipag ko na lagi akong tumutulong sa mga magulang ko, nami miss ko na sila.
Ito na ata ang simula ng bagong buhay ko.