Kc POV
Nandito kami ngayon sa loob ng Cafeteria at kakarating lang namin sabay sabay din kaming pumunta dito at ginamit ko ang isang Ancient Spell ng isang Spatial Wizard medyo nga nahirapan ako doon dahil napakarami nila mabuti nga kinaya ko pa.
Nagtataka ata kayo kung bakit nandito kaming lahat ng Pearls sa loob ng Cafeteria? Ako nga din nag tataka sa pag kakaalam ko kasi na bawal daw kami dito sabi nila.
At nalaman namin kung bakit pinagbabawalan kaming pumasok dito dahil sa isang parusa, parusa para sa House of Pearl ang parusang ito ay pinatupad noong isang dekada na ang nakakalipas dahil sa isang pagkakamali ng dating Captain ng House of Pearl at ngayon araw na ito ay natapos na ang parusang st kung bakit pinagbawalan kaming pumasok sa Cafeteria.
Hindi sinabi ni Captain ang dahilan kung bakit hindi kami pinapapasok sa Cafeteria.
Ngayong araw na ito sasabihin na ng Headmistress kung bakit pinagbawalan kaming pumasok dito at malalaman na din namin ang dahilan kung bakit nahantong sa ganito ang parusa sa House of Pearl.
"Magandang Umaga sa inyong lahat!" panimula ng Headmistress. "Pinatawag ko kayong lahat dahil ngayon araw pipili ang mga Captain ninyo kung sino ang sasali sa House ninyo para sa Magic Games." ang sabi ng Headmistress nakaupo ito sa gitna ng entablado na ginawa lamang kani kani lang bago pumasok ang Headmistress sa Cafeteria. Nasa likod ng Headmistress ang mga apat na Captain.
"Pero bago natin simulan ang pag pili nais ko lang sabihin na ngayon araw na ito ay natapos na ang parusa sa House of Pearl. Nais ko din sabihin ang dahilan kung bakit pinagbawalan pumasok ang mga Pearls sa Cafeteria dahil noong nakalipas na dekada ang pangatlong Captain ng House of Pearl ay lumabag sa batas na ginawa noon ng unang Headmaster sa Akademyang ito. Noong nakalipas na dekada ang pangatlong Captain ng House of Pearl ay ginamit ang isa sa mga Three Grand Phoenix Spell na mahigpit na pinag babawal na gamitin, ginamit niya ang isa sa mga Spells noong nasa kalagitnaan ng Magic Games kaya pinatawan ng Unang Headmaster na ang House of Pearl ay hinding hindi makakapasok sa Cafeteria ng ilang dekada. Kaya noong nakalipas na taon hindi pinapapasok at pinapakain sa loob ng mga ibang studyante ang mga Pearls."
Kaya naman pala may sariling Cafeteria na din ang Pearls dahil sa kagagawan ng Pangatlong Captain ng House of Pearl. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi nag kakasundo sundo ang Pearls sa ibang Houses dahil dito sa Cafeteria ito dapat nagiging mag kakaibigan ang ibang Houses dahil sa nangyari hindi nag kasundo sundo ang Pearls at ibang Houses.
"Kaya ngayong araw na ito ay inaalis ko na ang parusang ibinigay ng unang Headmaster ng Akademya."
Walang nag ingay sa loob ng Cafeteria sa nalaman nila hindi ko alam kung anong nasa isip nila. Maya maya tumingin lahat ng mga Houses sa deriksyon namin. Biglang nagsitawanan ang lahat nakita ko din na nakitawa ang tatlong Captain sa likod ng Headmistress.
"Wala kaming pake kung pwede na silang pumasok sa Cafeteria hindi pa rin mag babago na mahihina pa rin kayo mga duwag at walang silbi sa Akademya ito!" sigaw ng isang studyante sa House of Silver.
"HAHAHA kahit pumasok pa kayo dito sa Cafeteria hinding hindi pa rin mag babago ang pakikitungo namin sainyo mga walang silbi!" sigaw naman ng isa sa mga House of Gold. Mas lalong napuno ng tawanan sa loob ng Cafeteria.
Naiinis na talaga ako sa pag uugali nila namumuro na sila hindi man lang nila naisip ang mga nararamdaman ng mga kapwa nila studyante.
Akmang tatayo sana ako ng biglang hinawakan ni Lee ang kamay ko.
Lumingon ako dito at nakita ko na umiling ito.
"Kung anong pinaplano mo Kc wag mo ituloy mapapahiya ka lang."