Prolouge

97 20 20
                                    

¿DISCLAIMER?

≠This story is a work of fiction where every characters, places, and events comes from the imagination of the author. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental≠

Grammatical errors and typographical errors ahead!
-----------------------------------------------------------


"Anak, gusto mo bang sumama?"

"Where are you going, Mommy?" Humihikab na tanong ko.

"Park," I nod, and she held my hand.

"Mommy! Mommy! Where's Kuya?" Sigaw ko nang maalalang wala sa tabi ang mga nakatatandang kapatid.

Sa bawat hakbang ng paa ay siyang pag-patak ng mga luha. Bigla na lang akong umiyak nang malakas kaya hinarap ako ni Mommy, "Kasama ni Daddy sila Kuya, okay? Behave ka muna, bibilhan kita ng Ice cramble," Binitawan niya ang kamay ko, "Makipaglaro ka muna sa kanila," itinuro ni Mommy ang mga batang naglalaro sa park.

Umupo ako sa isang tabi habang pinupunasan ang luha, may isang bata na lumapit sa akin at tumabi. "Bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba? Nadapa ka rin ba? Ako kasi nadapa," itinuro niya ang gasgas na tuhod, "Hindi naman ako umiyak kasi sabi nila lalaki ako kaya dapat hindi ako umiyak kapag nadapa o nasugatan!"

Natawa ako sa sinabi niya kaya tumingin siya sa akin na para bang naguguluhan at nagtatanong kung bakit ako tumatawa, "At sino naman nag-sabi sa 'yong bawal umiyak? Porke't lalaki ka bawal na umiyak? My Mommy said crying could make you feel more better, she always tell us that it's okay to cry for little things, and guess what. I have 2 older brothers, and they are free to cry. What's wrong if you cry? Kahit na lalaki ka," tumango-tango naman siya sa mga sinabi ko.

"Ang sabi kasi ng mga pinsan ko na much more older than me, if I cry they would tease me, and make fun of me!" May namumuo nang luha sa mata niya.

Inabutan siya ni Mommy ng ice cramble, nakita kong ngumiti siya at napawi ang namumuong luha.

"Hala! Para sa akin po 'to?" Tumango naman si Mommy, "Thank you po!" Lumapit siya sa akin at bumulong, "Mommy mo?" tumango ako sa kaniya habang kumakain.

"Pwede pong mag-laro kami?" Nagpaalam siya kay Mommy na ikinatawa ko na naman, lumingon siya sa akin. Naguguluhan.

"Okay lang, basta 'wag kayong lalayo."

"Sige po! Sabay po kaming pupunta rito mamaya!" Masayang sabi niya at hinila na ako patayo.

Ewan ko ba, pero noong hinila niya ako at nakipaglaro sa 'kin, gumaan ang pakiramdam ko. Kasi madalas puro na lang mga pinsan ko ang mga kalaro ko.

Sila lang ang lagi kong nakakasama kaya wala akong masyadong kakilala, at hindi rin ako palalabas kaya wala akong mga kaibigan, at mga kalaro.

Basta masaya ako na may naging kalaro ako, kahit 'di kami magkakilalang dalawa.


_Zyd

Woman with beige skin Where stories live. Discover now