"Wake up, wake up, wake up!"
Naalimpungatan si Heleina sa biglaan at malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto niya. Tuluy-tuloy na pumasok ang personal assistant niyang si Chandra. Hinatak nito ang comforter na nakatabing sa buong katawan niya.
She made a long protest sound.
"Get up! You need be in the studio in two hours." utos sa kanya ng babae.
Another disapproval sound from her. Disoriented pa din siya at imbis na bumangon gaya ng utos ng dalaga ay tumagilid lang siya. She hugged her huge pillow so tight and smiled dreamily. She just had a wonderful dream last night. At sa paggising niya ngayon, pakiramdam niya ay hindi pa siya umaalis sa lugar na nasa panaginip niya. Kahit alam niyang kasama niya ngayon ang PA at imposibleng makapunta siya sa lugar na iyon nang mga oras na iyon.
Narinig niya ang pagtaas ng babae ng roller blinds na nasa gilid lang ng kwarto niya. Ipinagtaka at ipinagpasalamat niya at the same time na hindi siya gaanong nasilaw gaya ng madalas na mangyari.
"Is it raining?" parang batang nananaginip na tanong niya dito.
"Uh-huh. That means we need to hurry." Narinig niya ang papalayong yabag nito. "Heleina! Get up! Maiipit tayo sa traffic niyang ginagawa mo eh!"
"Fine, fine, fine!" tinatamad niyang sagot. She slowly opened her right eye. Hinanap niya ang dalaga. Nakita niya ito sa nakabukas niyang pinto at tila hinihintay lang na bumangon siya bago umalis. She completely opened her eyes and smiled sweetly. Nakita niyang nandidilat ang mga mata nito sa kanya.
"Bumangon ka na, please lang! I'll just get your clothes sa laundry shop. And please, pwede ba, pagbalik ko nakahanda ka na?"
Inaantok na sumaludo lang siya dito. "Yes, Maam."
Naghikab siya. She just had more or less four hours sleep. Madaling araw ng natapos ang party na dinaluhan nila kagabi. Bago pa ang party na iyon ay halos isang araw siyang nakasuot ng heavy make up, not to mention heavy hairstyles and dresses. Pictorial niya iyon para sa latest issue ng Vogue.
Napailing na lang ito sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod. "Bumangon ka na Heleina. Huwag kang bumalik sa pagtulog!" sigaw nito habang papalayo. "Pagpahingahin mo naman ako ngayong araw lang 'to sa kakagising sayo!"
Napangiti na lang siya sa babae.
Nitong mga huling linggo ay nahihirapan ang PA niya na gisingin at pagalawin siya ng tama sa oras. Ito pa ang natataranta kapag hindi pa sila nakakaalis an hour before her shows.
Maging siya ay nagtataka din sa sarili. Hindi naman siya dating ganoon. Ngayong lang siya nakaramdam ng katamaran sa ginagawa. Simula nang matanggap niya ang pinadalang email ng kapatid niya na nasa Pilipinas. Madami itong kwento tungkol sa ginanap na golden wedding anniversary ng grandparents nila. Dagdag pa nito, kompleto ang lahat maliban lang sa kanya. Pinaghandaan kasi iyon at required na dumalo ang lahat ng kamag-anak niya. Siya lang itong matigas ang ulo at hindi umuwi. Nagpadala din ito ng sangkatutak na pictures sa nasabing event. Alam niya, sinasadya siya nitong inggitin.
Saka lang siya dahan-dahang bumangon nang marinig niya ang pagpinid ng main door niya. Napatingin siya sa kanang bahagi ng kwarto niya kung saan nakataas na ng halos kalahati ang roller blinds. It was a glass wall. At kitang-kita niya ang pagbuhos ng ulan sa labas. Parang sa panaginip niya. Ang pagkakaiba nga lang, hindi roller blinds at glass wall ang naroon. Wala din siya sa thirty-seventh floor ng isang sikat na condominium building sa New York gaya ng kinaroroonan niya ngayon.
Dinampot niya ang malaking unan, inilagay sa kandungan, niyakap at ipinatong ang baba doon habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan. It's a rainy Monday. Gusto niya sanang humilata na lang buong araw pero alam niyang imposible iyong mangyari. Ala-siyete pa lang ng umaga at kahit pa sabihing tinatamad siya, kailangan niya ng bumangon. In two hours time ay may shooting siyang gagawin at hindi siya pwedeng ma-late.
BINABASA MO ANG
Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)
Romance* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong, ang hometown na iniwan niya. Isa siyang supermodel sa ibang bansa. Masaya siyang umuwi dahil makak...