CHAPTER 2

1.5K 40 1
                                    

Matapos maipark ni Heleina ng maayos ang kulay itim at bagung-bagong Ford F150 na binili niya pa sa General Santos City ay inabot niya ang iphone na nasa passenger seat lang.

She smiled tenderly. Just as she expected. Dead spot. Napailing na lang siya habang nangingiti.

"Hay naku, wala pa rin tayong signal dito, ineng." ani Aling Idad na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Pero huwag kang mag-alala. Nakita mo yung dinaanan natin kanina? Cellsite daw yun eh. Malapit na yung matapos. Baka sa susunod na buwan, may signal na tayo dito."

Bumaling siya sa likuran ng sasakyan. "Sana nga po." Nakangiting sagot niya dito. Nadaanan niya ito kanina na naghihintay sa gilid ng daan. Kita niyang nagdalawang isip pa itong parahin siya dahil hindi nga naman pamilyar dito ang sasakyang dala niya. Siya na ang kusang huminto sa tapat nito. Nang ibaba niya ang tinted na salamin ay nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Sa sobrang excited yata at gulat nito ay sa likod ito sumakay sa halip na sa tabi niya. Nagmukha tuloy siyang driver nito. But she doesn't mind.

"Ang tagal mo ring hindi nakauwi dito, ano? Balita ko sa kapatid mo, sikat na sikat ka na daw sa labas."

Mabini siyang ngumiti. "Hindi naman po. Hindi ko pa naman po kalebel si Angelina Jolie." Hindi na siya nagtaka nang wala man lang itong reaksyon sa pangalang binanggit niya.

"Oh pano, maraming salamat na lang ha? Nadumihan ko pa itong sasakyan mo. Mukhang bagong-bago pa naman."

"Huwag niyo pong alalahanin yun. Kaysa hintayin niyo pa yung truck ng mga Escobillo. Baka matagalan pa kayo." Tukoy niya sa 10 wheeler truck na pagmamay-ari ng pinakamayaman at pinakasikat na pamilya sa Miasong, Tupi.

Sa lugar na kinalakihan niya, hindi uso ang pampasaherong jeep. Nagrerely ang mga taga-Miasong sa mga sasakyang dumadaan at bumibyahe pababa at paakyat ng bundok kung saan matatagpuan ang baryong iyon. Kadalasan ay ang mga 10 wheeler truck na pagmamay-ari ng mga Escobillo ang nasasakyan ng mga ito. Miasong is situated at the east side of Mount Matutum. Ito ang pinakamalayong baranggay ng Tupi. Kailangan mong gumugol ng humigit-kumulang apat na oras para makarating doon. At hindi uubra kung simpleng sasakyan ang gagamitin mo. Kailangan ay isang sasakyan na kayang makatagal sa lubak-lubak at mabatong daan paakyat ng bundok. Kaya nga binili niya ang Ford na iyon. Alam niya ang capacity ng pupuntahan niya. Siyempre, doon siya lumaki at ipinanganak.

Sino ang mag-aakalang ang sikat at in demand supermodel na si Heleina Castro ay dito manggagaling sa isang lugar na malayo sa kabihasnan? Ang pinakamalapit na city doon ay ang General Santos City. An hour away from Tupi proper.

Nakita niya ang pag-ilaw ng mukha ng ginang nang banggitin niya ang apilyedo ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Miasong. "Tiyak na matutuwa si-"

Sunud-sunod at malakas na katok sa tinted window niya ang nagpatigil sa ginang sa iba pa nitong sasabihin na lihim niya iyong ipinagpapasalamat.

"Ate!" masayang sigaw ng kapatid niyang si Helga nang ibaba niya ang salamin.

"Helga!" excited at nagmamadaling bumaba na siya ng sasakyan. Biglang nawala ang glamorosa at with-poise lagi na Heleina Castro na kilala sa fashion world. Dito sa Miasong, siya si Heleina. Panganay na anak nina Agnes at Hernan Castro. Iyon lang at wala ng iba.

Nagyakapan silang magkapatid. Para silang mga batang sumasayaw-sayaw pa habang magkayakap. Inilayo niya ang katawan dito at nanggigigil na pinisil ang natural na mamula-mula nitong pisngi. "Ang laki-laki mo na ah! At ang tangkad mo!"

"In two years time, malalagpasan na kita!" pagmamayabang ng kapatid niya. Kaggagraduate lang nito ng highschool at sa susunod na pasukan ay sa UP Diliman na ito mag-aaral gaya niya. Siya ang nagpapa-aral dito at sa dalawa niya pang pamangkin. "Ako na ang susunod na sisikat sa Paris!"

Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon