Kinabukasan nga ay maaga siyang sinundo ni Ravvy sa kanila. Pero hindi muna sila pinaalis ng bahay ng lola niya hangga't hindi nag-aalmusal sa kanila ang lalaki. Napilitan ang lalaking paunlakan ang lola niya. Sa huli ay nag-almusal sila ng puno ng tawanan at kwentuhan.
"So, saan tayo ngayon mag-uumpisa?" tanong niya sa binata.
"Sa niyugan siyempre. Kuha muna tayo ng buko na ibabaon natin." Sa bahay pa lang ay napansin niya na ang maliit na basket sa likuran nito. Doon pa lang ay may palagay na siya kung anong gagawin nila sa araw na iyon. At ngayon pa lang ay excited na siya. Iyon ang madalas gawin nila noon ni Ravvy noong mga bata pa lang sila.
"San mo ba balak na tumambay ngayon?"
Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "Gubat."
Lumapad ang ngiti niya. Parang batang pumalakpak siya na ikinatuwa ng lalaki. Noong mag-isa lang siyang namasyal ay ginusto niyang pumasok ng gubat. Pero natakot siyang baka hindi niya na kabisado pa ang loob niyon at ang daan papasok sa dati nilang tambayan ng lalaki kaya hindi na siya tumuloy.
Nang makarating sila ng niyugan ay may nakahanda ng mga buko sa lupa. Ang tangi na lang nilang gagawin ay buksan iyon, ilagay sa pitsel ang juice at kayurin ang laman niyon.
Hindi siya hinayaan ng lalaki na bumukas ng mga buko. Baka daw masugatan pa siya sa maling galaw niya at magkapeklat pa siya. Panay ang tawanan nila habang ginagawa iyon.
"Baka naman bago ko pa mabuksan itong lahat ng buko na 'to ay ubos na yang kinakayod mo diyan?" pansin ng lalaki sa kanya.
Umingos siya. "Sorry na. Ang sarap eh." sa isang buko na kinukuhan niya ng laman ay kalahati lang niyon ay nailalagay niya sa lalagyan. Ang kalahati niyon ay kinakain niya.
Natawa naman ang lalaki sa kanya. Halatang naaaliw. "Hindi halatang matagal kang hindi nakakakain niyan ano?"
Umiling siya. "Walang ganito sa States." pagbibiro niya na ikinatawa ng lalaki.
"Ikaw lang din naman ang kakain niyan sa gubat mamaya."
Lumabi siya. "Bilisan mo na lang ang pagbukas niyan para matigil na ko dito."
Napailing na lang ang lalaki. Wala itong nagawa kundi sundin ang sinabi niya.
Matapos niyon ay dumiretso na sila sa gubat. Malapit lang iyon sa niyugan. Doon sila madalas na tumambay noong mga bata pa sila sa tuwing gusto nilang maligo.
Iniwan nila sa bukana sina Rider at Princess at naglakad na lang sila papasok dala-dala ang pitsel ng buko at ang maliit na basket. Bago makarating sa paborito nilang tambayan sa loob ng gubat ay may madadaan pa silang maliliit na ilog.
"Buti napreserve ang pagiging virgin nitong forest. Buti walang mga loggers ang nagkakainterest sa mga puno dito." wika niya habang pinagmamasdan ang matataas na puno na may mangilan-ngilan na napapalibutan ng matataas na ligaw na damo sa katawan nito.
Iyon ang isa sa mga namimiss niya sa baryo niya. Sa Miasong, marerealize mo na may mga gubat at puno pa rin sa Pilipinas na hindi ginagalaw ng mga tao.
"Meron naman. Ilang beses na rin kung tutuusin. But we made sure na hindi sila mananalo."
Napatango-tango siya. Bahagyang napapitlag ang puso niya nang hawakan siya ng lalaki nang marating nila ang maliit na ilog. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na angatin ang dulo ng pantalon niya. Hinayaan niya na lang na mabasa iyon ng tubig.
Ilang sandali lang ay narating na nila ang pakay sa loob ng gubat. Ang mini falls kung saan ay doon sila madalas maligo at maglaro ni Ravvy noong mga bata pa sila. Doon nagmumula ang tubig sa ilog.
BINABASA MO ANG
Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)
Romance* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong, ang hometown na iniwan niya. Isa siyang supermodel sa ibang bansa. Masaya siyang umuwi dahil makak...