CHAPTER 8

1.3K 42 0
                                    

Ang buong akala ni Heleina ay matatapos ang gabing iyon nang hindi na magsasalubong pa ang landas nila ni Ravvy. Nagkamali siya. Dahil nang matapos ang laro ay nagkrus ang landas nila ng lalaki nang lumipat sila ni Helga laro ng itsahan ng barya. Nakapamulsa ito at mukhang hinahanap talaga sila ni Helga dahil nang magsalubong ang tingin nila ay huminto ito saglit. Pagkatapos ay lumapit sa kinaroroonan niya.

"Tama nga ang sabi ni Wilma, nakita ka nga daw niya kanina dito."

Kimi siyang ngumiti. "Manonod sana kami ng liga. Kaso madaming tao kaya nagperya na lang kami." Tinapunan niya pa ng tingin ang kapatid na nasa tabi niya lang. Pero sa pagkagulat niya, wala na ito doon.

Helga! Humanda ka sakin mamaya! puno ng panggigigil na naisip niya. Mukhang naisahan na naman siya ng kapatid. Kanina lang ay nasa tabi niya lang ito at nagtatawanan pa sila habang tumitira siya.

"Mukhang nasalisihan ka ah." Natatawang puno ng binata.

Napailing siya. "Ang likot talaga ng batang iyon!"

"Pumapangalawa lang naman yun sayo."

Napamulagat siya. "Hoy, hindi ah!" wala sa loob na tinampal niya ang braso nito.

Napahalakhak ng malakas si Ravvy sa naging reaksyon niya. Nang matigil ito ay pumalatak. "Some things never change. Akalain mong pikon ka pa din hanggang ngayon?"

Umigkas ang isang kilay niya. "Akalain mong mapang-asar ka pa din hanggang ngayon?"

Natawa ang lalaki sa sagot niya. Pagkuwa'y nakapamulsang humakbang para makapaglakad-lakad sila palibot ng perya. Nang may madaanan silang tindahan ng popcorn ay bumili ang binata. Inabot nito ang isang supot sa kanya at nagpatuloy sila sa paglalakad.

"Baranggay captain ka na pala. Hindi mo man lang nababanggit sakin."

Kumibit ito ng balikat. "Hindi naman ganun kaimportante yun."

"Kelan pa nagsimula ang pagkahilig mo sa pulitika?"

"Since I decided to pay my full attention in this town. Alam mo namang simula nang magbakasyon ako dito seventeen years ago ay napamahal na ang Miasong sakin diba?"

Tumango siya. Alam niya. Kaya nga dalawang kurso ang kinuha ng lalaki noon. Kursong alam nilang makakatulong sa paglago ng Miasong. "Yeah. But I never thought na pati pagiging public official ay papasukin mo. Akala ko sapat na ang pagiging Escobillo mo para tumulong."

Matagal bago sumagot ang binata. Tumigil na lang sila sa pwesto ng baril-barilan ay hindi pa din ito nagsasalita. Ipinatong nito sa harapan ang hawak na popcorn para kunin ang toy gun na binigay ng batang tumatao doon. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Hindi niya mabasa kung ano ang kasalukuyan nitong iniisip.

"Six years ago, someone told me to get a life. A life without her. And so I did. I choose to continue and spend my life in this town and offer my full attention to Miasong's needs. Kasi alam ko, hindi ako kailanman sasaktan at iiwanan ng mga taga-Miasong kahit magkamali man ako ng desisyon minsan at aksidente ko silang masaktan."

Malungkot itong ngumiti. Kinasa nito ang toy gun, inasinta ang isang maliit na sundalong laruan sa di kalayuan at kinalabit ang gantilyo. Nahulog ang sundalong laruan nang tamaan iyon ng binata.

Pakiramdam niya ay puso niya ang inaasinta ng lalaki sa halip na ang laruang iyon nang mga sandaling iyon. Tagos na tagos sa puso niya ang magkahalong pait at lungkot sa boses ng lalaki. Kung may panunumbat man doon ay hindi niya rin ito masisisi. Biglang-bigla ay parang nahirapan siya sa paglunok dahil sa nagsisimulang pamumuo ng tubig sa dalawang mata niya. She fought hard to control her tears.

Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon