Bago pa man mapansin ng lalaki ang pamumula ng pisngi ni Heleina ay dali-dali na siyang bumangon at tumayo. Nagmamadaling pinagpag niya ang sarili kasabay ng pagkondisyon sa sarili na huwag mataranta sa presensiya nito.
Keep it cool Heleina. Mukha namang hindi na big deal sa kanya ang huli niyong pagkikita eh.
"At ikaw naman, wala ka pa ring pinagbago. Mahilig ka pa ring manggulat." paninisi niya dito. Tiningnan niya itong unti-unting bumabangon. "Okay ka lang ba?"
Bahagya itong tumango habang hinihimas ang puwitan. "Mukha naman. Ang bigat mo na ah!" binuntutan nito iyon ng pagak na tawa. Nanunukso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Umirap siya. "Natural! Hindi na ko twelve years old no. Feeling mo kasing gaan pa din ako nang una mo akong sinalo dito?"
"Kesa naman hayaan kitang mahulog at mabalian ng buto? Eh di maraming magagalit sakin?"
Ngumiti na lang siya. "Salamat pa din. Kahit ikaw din ang dahilan ng pagkakahulog ko."
Pasimple niyang sinuri ang kabuuan ng lalaki. Sa taas niyang five-eleven ay mas matangkad pa rin ang lalaki na sa tantiya niya ay six-two. Mas lalong itong gumwapo sa paningin niya. Lalaking-lalaki ang tindig. Ang abuhing mga mata nito, cleft chin, tikas ng tindig at katawan nitong alam mong batak sa mabibigat na trabaho at hindi dahil sa resulta ng araw-araw na paggi-gym. Mas umitim ito kaysa noong huli silang magkita. Pero hindi iyon naging kabawasan sa kagwapuhan ng lalaki. In fact, mas nakadagdag pa nga iyon. Noon, kapag nagtatabi sila ng binata, madalas silang tuksuhin na kape at gatas.
Natawa ulit ang lalaki. "Walang anuman. And it's a pleasure seeing you fall like that."
"Ang sama nito!" hinampas niya ang braso nito na ikinatawa ng malakas ng lalaki. Nakitawa na rin siya dito.
Nang humupa iyon ay saka lang nila naramdaman ang pagkailang sa isa't isa. Tila walang sinuman sa kanilang dalawa ang nakakaalam ng susunod na sasabihin.
"Ang aga mo naman yatang umakyat ng puno." Basag ng lalaki.
"Kagagaling ko lang sa inyo. Inutusan ako ni lola na magpakita kina Maam Lanie. Eh kaso nasa Manila pala sila."
"Ah, oo. Business meeting."
Tumango-tango siya. Pagkatapos ay nagpatiuna ng maglakad. Umagapay naman sa kanya ang lalaki.
"Pauwi ka na ba niyan?" basag ng lalaki.
Umiling siya. "Plano kong maglibot muna. Matagal kong hindi nakita ang Miasong eh."
He smiled at her. "Plano mong maglibot ng naglalakad lang? Sigurado ka ba diyan sa plano mo?"
Natawa siya sa nakikitang magkahalong concern, panunukso at pag-aalinlangan sa mukha nito. "Siyempre hindi ko naman balak na libutin ang buong lugar ngayong araw."
"Kung gusto mo, sumama ka na lang sakin. Hindi pa ko tapos maglibot eh... Yun ay kung okay lang sayo." Dugtong kaagad ng lalaki.
"Bakit hindi? Sasakay ba tayo?"
Umiling ito. "Dala ko si Rider. Pwede tayong bumalik ng kwadra muna at kunin s-si... P-Princess."
She smiled tenderly when he mentioned the name of the horse.
************************
Engrossed na engrossed si Heleina sa tinitingnang fashion magazine nang bigla na lang siyang gulatin ni Ravvy mula sa likuran niya.
"Bulaga!" hawak-hawak nito ang balikat niya ay bahagya siya nitong tinulak.
"Ano ba!" sita niya dito. Tinampal niya pa ang isang kamay nito na nasa kaliwang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)
Romance* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong, ang hometown na iniwan niya. Isa siyang supermodel sa ibang bansa. Masaya siyang umuwi dahil makak...