Namumula na ang ilong at mata ni Heleina sa kakaiyak. Kanina pa siya nilalapitan ng mga kasamahan at naging kaibigan niya na ring mga organizers, famous designers and co-models sa dressing room.
Nang ang manager niya namang si Jil ang lumapit sa kanya ay umiyak na naman siya. Kahapon pa sila nag-iiyakang dalawa at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa yata natatapos ang dramahan nila.
"You sure hindi na magbabago ang isip mo? You can still back out." Ang sabi nito matapos ang isang mahigpit at matagal na yakapan.
It's been two months since she came back from the Philippines. Sa loob ng dalawang buwang iyon ay naayos nila ni Jil ang mga commitments niya. Hindi naging madali ang pagka-cancel ng mga shows and bookings na dapat sana ay gagawin niya sa susunod na mga buwan. May ibang nakiusap samantalang may iba namang naiintindihan siya. Ang Paris Fashion Week ang magsisilbing final walk niya sa siyam na taong karera niya bilang isang modelo. Her last photo shoot was with Elle magazine a month ago. At tatapusin niya lang ang kasalukuyang season ng show ni Tyra Banks bago tuluyang magretiro.
Natawa siya. "I've made up my mind Jil. There's no turning back."
"I'm gonna lose one of the highest paid models in Paris. But if its all for your happiness, then I won't stop you dear. You know how much I love you, dear."
Natouch siya sa sinabi nito. "And I love you too, Jil. Thank you for everything."
Nagyakapan sila ulit. Natigil lang iyon ng in-interrupt sila ni Chandra.
"There's someone who wanted to see you. He said it's very urgent. Nagpupumilit na pumasok but since wala siya sa guest list ay hindi siya pinapasok. He was waiting outside. I thought you should know."
Kumunot ang noo niya. Wala siyang naiisip na kakilala niya na hindi makakapasok sa event na iyon. "Sino daw?"
"Ravvy Escobillo."
Natulos siya sa kinatatayuan at biglang nanlamig.
*********************
Hindi nga siya pinagti-trip-an lang ni Chandra at hindi din siya dinadaya lang ng paningin niya. Tindig nga ni Ravvy Escobillo ang nakikita niyang bulto sa hindi kalayuan. Nakasandal ito sa isa sa mga lamp post, nakapamulsa at tila hindi man lang naiinip sa paghihintay. Ang sabi pa ni Chandra, ilang oras na daw itong nakatayo doon. Nang mahinuha ng PA niya na desidido ang lalaking makita siya ay saka lang siya nito sinabihan.
It took her twenty minutes para macompose ang sarili sa dressing room. Alam niyang mayaman ito at kaya nitong pumunta ng Paris. Pero hindi niya inaasahang makikipagkita sa kanya ang lalaki at magpupumilit na makausap siya.
Umangat ng mukha ang lalaki mula sa pagkakayuko. Nagsalubong ang mga tingin nila. Napatuwid naman ito ng tayo habang hinihintay siyang tuluyang makalapit dito.
Nang magkaharap naman sila ay para lang silang tuod at pipi na nahihiyang magngitian. Kung alam lang ng lalaki kung gaano siya nagtitimping umiyak at yakapin ito. She misses him a lot. At kung hindi siya nagkakamali, iyon din ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki.
"Hi." Sabay pa nilang bati nang sa wakas ay maisipan nilang magsalita.
Pagak silang nagtawanan. Kahit papano ay natibag nito ang pagkailang na nararamdaman nila.
"Papano mo nalamang nandito ako?" tanong niya
"Kay Helga."
Tumango-tango siya. Two weeks ago ay nagpalitan sila ng email ng kapatid at nabanggit nga niya dito ang mga shows na pupuntahan niya at kung kailan. Bagama't hindi niya pa nasasabi dito ang pagreretiro niya.
BINABASA MO ANG
Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)
Romance* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong, ang hometown na iniwan niya. Isa siyang supermodel sa ibang bansa. Masaya siyang umuwi dahil makak...