CHAPTER 5

1.3K 49 0
                                    

Nagkagulo ang mga tao sa kubo nang matanaw sila ng mga ito na papalapit sa kubo. Ang iba ay naglabasan pa sa kubo at inaantay na makababa siya ng kabayo.

"Aba'y tama nga ang tsismis ni Inda kagabi! Umuwi ka nga daw!" ani Aling Mercedes na nanggigigil habang hinahawakan siya.

"Opo nga." Nakangiting sagot niya.

"Kaganda-ganda mo na eh! Hiyang na hiyang ka siguro sa isnow sa labas ano?" pansin ng isa pa.

"Hindi naman po." Natatawang sagot niya. Hindi niya na alam kung sino ang humahawak at nakikipag-usap sa kanya sa sabay-sabay na pagsasalita ng mga ito.

"Aba'y ano bang ginagawa niyo diyan? Pinapaaarawan niyo si Heleina. Baka mapano yan!" sigaw ng kung sino sa loob ng kubo.

Doon niya na hindi napigilan ang pagtawa. She was touched with the warm welcome of her "ka-barrios." Ang buong akala niya pa naman ay hindi na magiging ganun kainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanya dahil sa anim na taong hindi pag-uwi niya sa baryo.

Hindi magkamayaw ang mga ito sa paggiya sa kanya sa loob ng kubo.

"Ay naku, wala kaming dalang plato at kutsara hija. Alam mo naman dito. Okay lang ba sayo kung-"

"Ay, wala hong problema Aling Mercedes!" putol niya sa gusto sanang sabihin nito. "Iyon nga ho ang ipinunta namin dito ni Ravvy eh. Namiss ko na po ang makikain at makikamay dito." Noon pa man ay masaya na silang nagsasalo sa isang mahabang mesa na papatungan lang ng isang buong dahon ng saging. Doon ilalagak ang madaming kanin at ulam.

Hinanap niya ang bulto ni Ravvy. Nakita niyang nakasandal ito sa bungad ng kubo at nakahalukipkip habang naaaliw na pinagmamasdan siyang pinagkakaguluhan ng mga matatanda. Tinawag niya ito. Pero sumenyas lang ito na mauna na siya.

Hinayaan niya na lang ito.

"Magtatagal ka ba dito hija?"

Dagli niyang binawi ang tingin sa mga ito at nilipat iyon sa isa sa may edad ng ginang. "Tatlong linggo po."

"Tamang-tama. Makakaabot ka pa sa piyesta natin."

Kumunot ang noo niya. Hinalukay sa isip ang petsa ng kapistahan sa barrio nila. That would be next week. Kung hindi pa binanggit sa kanya ay hindi niya malalaman.

Sa isipan ng perya sa plaza nila ay bigla siyang naexcite. "Oo nga po pala ano? Sa susunod na linggo na po pala iyon."

"Oo. Kaya dapat ay hindi ka muna bumalik. Tiyak na nami-miss mo na ang pista dito sa probinsiya."

"Sigurado po yan." Sagot niya at hinanap muli si Ravvy. Kasalukuyang may kausap itong isang matandang lalaki at tila may inuutos dito habang may itinuturo sa isang parte ng niyugan.

Nang muling magtama ang mga mata nila ay inayaniya ulit itong lumapit. This time ay sumunod na nga ang lalaki. 

************************

Ang plano ni Ravvy na ipasyal ang dalaga sa gubat kung saan madalas nilang pinupuntahan pagkatapos nilang mamasyal sa niyugan ay ipinagpaliban niya muna sa ibang araw dahil na din sa pakiusap ng mga kabaryo nila na magtagal ang dalaga doon at makipagkwentuhan. Malugod namang pinaunlakan iyon ng dalaga. Kaya ang intensiyon niyang masolo ito nang araw na iyon ay napurnada dahil na rin sa mga kabaryo nila.

Nang ibalita sa kanya ni Nang Inda na dumaan sa kanila si Heleina at plano nitong mamasyal ay kaagad siyang humabol dito. Sinunod niya ang sinasabi ng puso at hindi na nagpapigil pa sa isip at pride niya. Kahit hindi niya pa alam kung ano ang unang sasabihin sa dalaga sakaling magkita sila, hinanap niya pa rin ito. Nagbakasakali siyang unang pupuntahan nito ang paborito nitong tambayan. Sadya niyang iniwan si Rider sa malayo upang hindi maramdaman ng dalaga ang presensiya niya.

Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon