[♧Prologue♧]
"He loves me.. he loves me not.. he loves me.. he loves me not.."
Habang nag lalakad ako pauwi sa bahay, nakakita ako kanina ng bulaklak kaya sa sobrang bored ko ngayon, tinry ko yung 'he loves me, he loves me not'. Wala namang mawawala di ba? So eto ako ngayon, pitas ng pitas ng petals.
Napatigil ako habang nanliliit ang matang tiningnan ang bulaklak na hawak ko. Hindi ako naniniwala sa ganyan pero ewan ko ba bat naiinis ako ngayon! Apat na petals nalang ang natitira at kung mag tatanggal ako ng isa..
"He loves me n---WAAAAHHH!!!!" Napaupo ako sa inis habang pinapadyak padyak ang paa ko.
"Wala! Maduga! Hindi ako naniniwala dito! Hindi talaga!!" Akmang ibabato ko na sana ang bulaklak nang may humawak sa kamay ko.
"Sana okay ka lang." Natatawang sambit nito. OW.EM.JI!!
Shoot! Shoot! Shoot!! Si.. si..
"SI CRUSH!!!!" malakas na sigaw ko sabay takbo palayo. Narinig ko pa ang sinabi niyang, "Huh? Asan?"
Duhh! Commonsense naman crush!
Pag dating ko sa bahay batok ang inabot ko kay mama.
"Ma! Anu ba!"
"Buti nga sayo! Mag bihis ka na nga! At ano yang bulaklak na hawak mo? Nako nako Xia kahit anong gawin mo hindi ka ika-krassbak ng krass mo!"
"Aray ma ha! Tagos na tagos hanggang buto!"
Hay na ko, nabuang na naman si Mama. Oo nga pala ano nang gagawin ko sa bulaklak na to?
"Kung ako sayo pag selosin mo krass mo at nang malaman mo kung may gusto ba siya sayo!" Napatalon agad ako sa gulat nang biglang sumulpot si Mama sa gilid ko.
"Aba aba aba Mama, ngayon ka lang nagka-tama!" May halong pa'ng aasar na sambit ko.
"Ikaw tatamaan sakin pag hindi ka pa kumilos!"
"Sabi ko nga mag bibihis na hihi!"
Hashtag-Oplan-Pagselosin-SiKrass-Is-Now-Open BWAHAHAHAHAHAHA!!!
BINABASA MO ANG
OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSH
Teen Fiction-UNEDITED- -FACEBOOK VERSION- Written by: @youhersolace