[♧CHAPTER 11♧]
Iiyak na sana ako pero bigla nalang itong nawala nang makita ko ang kulay ng mata, nunal sa bandang leeg, at hikaw nito.
"Wrong send sorry." Bored kong sambit sabay pasok sa loob. "Sure akong kayo na yung in-arrange ni Mama. Sorry late, traffic kasi eh," nagulat ako nang bigla na lang akong binatukan ni Craine.
"Bumati ka nga ng maayos! Lutang ka 'no?" Napapikit ako ng sunod-sunod sabay tingin sa dalawang lalaki sa harap namin. Bigla na lamang nanlaki ang mata ko.
"Waaaahhh!! Sorry sorry sorry!" Nakayuko kong paumanhin.
"Haha that's okay. You must be Xia, I'm Xyford Tarteuz and this is Ycz Calleb. Nice to meet you." Ngumiti na lamang ako. "Sino kasama mo, bakit ikaw lang mag isa?" Natawa naman ako ng mahina, pati na rin pala yung kamukha ni Czy.
"Pigilan mo 'ko, Sharey, nag iinit dugo ko sa lalaking yan." Mahinang bulong ni Craine.
"Enough with the play, Tart."
"Sorry, sorry." Natatawang wika ni Tart. "I know your name, it's Craine Jhazel, right? I'm--"
"Oh I know your name, your name is Xyporn right? Wait, Xyforn? Xypron? Xypon? What was it again?" May halong pang-aasar na sambit ni Craine.
"It's Xy--"
"Oh yes, I remember. Your name is Xyford Tartar!" May halong sarcastic na sambit ni Craine sabay ngisi dahil na pag-tagumpayan niyang inisin si Tart. Mabilis ko naman siyang siniko.
"Tama na, Craine." Inirapan lamang ako nito.
"Pag pasensyahan mo na 'tong si Craine, mabilis talaga uminit ulo nito." Pag hingi ko ng paumanhin.
"It's okay, Tart started it first naman eh." Sagot ni Ycz in behalf of Tart.
"Ay conyo?" Gulat na sambit ko kaya natawa kaming pareho.
"Aray!"
"Bro, wtf?!"
Sabay na sambit namin. Binatukan kasi ako ni Craine habang si Ycz naman ay binatukan ni Tart.
"AT TALAGANG MAY GANA PA KAYONG TUMAWA 'NO?!" Sabay din na sigaw ng dalawa.
Napailing na lamang ako. Myghad!
Kinuha ko ang cellphone ko nang mag vibrate ito.
[Goodluck sa blind date niyo, nak! Ako den i-goodluck mo 'ko nakikipag date din ako! Humanda ka sakin pag uwi niyo pag hindi ka nag send ng goodluck saken sa loob ng sampung segundo!!] -Mama.
Mabilis namag akong nag type ng goodluck at sinend agad kay Mama dahil sa takot. Kung alam niyo lang kung gaano nakakahiya yung mga parusa ni Mama! Pramis, ngayon palang wag niyo na alamin!!
MYGHAD TALAGA!!
~*~
Matapos namin kumain, pumunta kami sa Timezone.
"Alam mo? Kamukha mo talaga yung crush ko." Sabi ko kay Ycz habang nag lalaro kami ng basketball. Siya yung sa malaki tapos ako yung sa pambata. Eh pake niyo ba? Hindi ako marunong nito eh.
"Really? Then I bet, I'm more handsome than him, right?" Sinuntok ko naman siya ng mahina na ikinatawa niya.
"Mahangin!"
"Seriously talking, his name is Czy, right?" Tumango naman ako.
"Pano mo nalaman?"
"You said it earlier," tumango ulit ako. "Tell me about him." Gulat akong napatingin sa kaniya.
"Luh, wag na!" Mas nagulat ako nang mag pout ito.
"Please?" Napaiwas naman ako ng tingin.
"Oo na! Itigil mo lang yan, ang sagwa." Pag lingon ko sa kaniya, halos mapigilan ko ang hininga ko dahil sa lapit ng muka namin sa isa't isa.
"Gusto mo lang ako eh. Gusto mo 'ko 'no?" Sinuntok ko naman agad siya sa sikmura na ikinalayo nito.
"Hindi!" Sabay lakad paalis.
"Hey! Wait, I'm just kidding!" Inakbayan niya agad ako nang makalapit siya sakin. "So tell me about him nga! Promise, I will not make fun of you again."
"Alisin mo muna yang braso mo, ang bigat!" Reklamo ko. Inalis naman agad niya yung braso niya.
Sumakay kami sa isang 3D rides. Yung parang nakaupo ka lang sa upuan na gumagalaw tapos may susuotin ka sa mata na 3D glasses para kunware nakasakay ka sa roller coaster.
"What are we doing here?" Tanong niya.
"Mag kukwento ako sayo di ba? Dito tayo para masaya." Sagot ko.
"Anong theme po, Ma'am?" Tanong ng staff na nag babantay.
"Yung horror, kuya. Make it atleast 1hr and 30 minutes." Tumango naman ito at isinara na ang pinto. Para lamang kaming nasa loob ng sinehan pero maliit, pang dalawang tao lang. As far as I know, sound proof ito kaya hindi maririnig ang nasa loob pero may cctv naman na nakakabit, in case of emergency.
"Are you serious? Horror talaga?"
"Bakit, takot ka?" Umiling naman ito ng sunod-sunod. "Hindi pala eh," ako kasi takot •-•
Sinuot na namin ang 3D glass at nag seatbelt na rin. Pang eme-eme lang siguro yun. Nag count down muna ito bago mag simulang gumalaw ang upuan. It means, gumagalaw na ang roller coaster.
"So ito na nga, nakilala ko si Czy noong 8 years old palang ako." Panimula ko. Wala pa namang nakakatakot na lumalabas kaya keri pa.
"Then?"
"Bagong lipat lang sila sa lugar namin. Syempr--- AAAAHHH!!! MAMA KO, MAMA KO! MAMAAAAAA!!!" Gulat na sigaw ko nang may biglang sumulpot na sadako sa mismong screen pa talaga!!
"Ayoko na, ayoko na, ayoko na!" Natatakot na sambit ko habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Ycz. "T-tapos ayun na nga, nakipag close ako sa kaniya tapos... tapos isang araw crush ko nalang siya bigla."
"Until now?"
"Ewan ko nala---WAAAAHHHH!!!"
So ayun, after 1 hr and 30 minutes, natapos naman na yung pag kukwento ko at ang rides. Kung hindi ako nagkakamali, napuno ng tilian yung loob dahil pati si Ycz napa-tili na rin nang maging horror movie naman ang nasa screen. Alam mo yung feeling na nanonood ka ng horror, malakas yung speaker tapos naka-3D glasses ka pa? Myghad! Muntik nako atakihin sa puso!
"Eh bakit ba? Ako naman unang nakakita ah!"
"Eh ako naman nakakuha!"
"Kahit na! Gusto mo, bayaran ko pa!"
"Ayoko, pinag hirapan ko 'to eh! Kumuha ka ng iyo!"
"Ayoko! Sakin na sabi eh!"
"Akin nga 'to!"
Pagkalabas na pagkalabas namin ni Ycz sa loob ng 3D ride, ang sigawan na yan ang bumungad samin.
Si Tart at Craine nag aagawan sa... huh? SA ISANG TEDDY BEAR?!
"Para kayong timang, alam niyo yun?!" Bigla kong sigaw na ikinatigil nung dalawa.
Napakunot ang noo ko nang nakatitig lamang sila samin. Pasalit-salit sabay tingin sa baba.
"YUCK! KAYO NA AGAD?!" Sabay kaming napatingin ni Ycz kung saan nakatingin sila Craine.
WTF?! BAKIT KAMI MAGKA-HOLDING HANDS?!
Bigla kong inalis ang kamay ko at ganun din si Ycz. Hinila ko agad si Craine paalis. Kinuha ko na rin yung mga pinamili namin.
WHAT THE *asdjfshdk*?!?!
Napatigil ako nang mag vibrate ang cellphone ko.
[Lagot ka, pinag tataksilan mo na si Czy mo!] -Mama.
H-hindi naman eh---HANUDAW?!?!?!?!
BINABASA MO ANG
OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSH
Teen Fiction-UNEDITED- -FACEBOOK VERSION- Written by: @youhersolace