CHAPTER 10

1K 67 1
                                    

[♧CHAPTER 10♧]

Kinabukasan, magdamag lang akong nakahiga sa kwarto habang nakatingin sa kisame.

Gusto ko agad umuwi •-•

Tumayo ako sa higaan at lumabas sa kwarto.

"Mama! Pwede ba akong umuwi? Saglit lang tapos uuwi din ako bukas." Napaiwas agad ako nang may biglang lumilipad na tsinelas ang paparating sakin.

"Hoy, Rei, mag tigil ka nga! Ayaw mo ba akong makasama?" Napakamot naman ako sa ulo. Ewan ko ba, kahit alam kong ang pangit ni Mameh mag drama, kahinaan ko pa rin yun.

"Mameh naman, syempre gusto. Kaso--"

"Walang kaso, kaso! Tara na't mag aalmusal na tayo. Tawagin mo na yung nanay mong ke-aga-aga lumalandi na agad."

o_O???

Mabilis akong tumakbo palabas at nakita si Mama na may kausap na lalaki. AT BINATA PA HAH!!!

Mabilis akong nag lakad palapit sa kaniya at mabilis siyang binatukan.

"Aray ko naman!" Reklamo ni Mama.

"Lagot ka ke'Mameh! Aga aga daw lumalandi ka!" Sinulyapan ko yung lalaki at nakitang mukang naguguluhan ito.

"Ahm, excuse me. Pag pasensyahan mo na tong si Mama," Lumapit ako sa kaniya sabay bulong ng, "may pagka malandi din kasi tong Mama ko." Natawa naman siya ng mahina.

"Oh siya, bye at sorry ulit! Halika na, Ma!" Nag lakad na kami pabalik sa bahay.

"Mameh tignan mo tong anak mo. Akala mo hindi 32 years old! Sa binata pa talaga pumapatol!" Sumbong ko kay Lola.

"Eh kasi naman eh," sabay kaming napailing ni Lola.

Bandang hapon, tumulong kami kay Lola na mag tanim ng mga bulaklak. Sa likod kasi ng bahay ni Lola ay may malawak na bukid. Hindi namin ito pag aari pero pinapayagan pa rin kaming mag tanim ng mga bulaklak dito. Ito ang negosyo ng pamilya namin.

"Mame' Rosa! Nag dala ako ng meryenda!" Sabay sabay kaming napatigil sa pag tatanim at napalingon sa tumawag. Isang babaeng kulay light medium ang balat, naka-suot ito ng buntal hat na may ribbon na red at simpleng dress na may pagka-baro't saya ang style. Hawak nito ang isang bilao.

"Oh ikaw pala, Craine." Craine??

Lumapit si Lola dito at kinuha ang hawak nitong bilao.

"OH MY GOODNESS!!" Nagulat ako nang bigla itong nag tatatakbo palapit sakin. "Kyaaaahh!! Ikaw na ba si Sharey! Ohmygoodness, ang ganda mo sa personal!!" O..kay?

Naguguluhan akong tumingin kay Lola at natawa lamang ito.

"Ako nga pala si Craine. Alam mo bang lagi kang kinukwento sakin ni Mame' Rosa." GHAWD! BAKIT ANG FEELING CLOSE NIYA??

"Eh pano naman ako?" Biglang singit ni Mama.

"Syempre naman, Tita Rita! Gumanda ka ngayon ah?"

"Matagal na'kong maganda! Oh sige dun muna kayo sa may puno mag meryenda. Tutulungan ko lang si Mama handa ng maiinom."

Bigla na lamang akong hinila ni Craine palapit sa isang malaking puno. Kinuha niya ang nakasabit na blanket at inilatag iyon sa sahig.

Tumabi ako sa kaniya dahil nakakatamad tumayo.

"Siguro naguguluhan ka kung bakit ang feeling close ko. Sa totoo lang, 5 years old palang tayo mag kaibigan na tayo. Nakalimutan mo na 'no? Hindi na rin naman nakakapag taka ang bagay na iyon." Napakunot ang noo ko. Naalala kong may kaibigan akong babae dito dati---

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon