CHAPTER 23

1K 73 2
                                    

[♧CHAPTER 23♧]

WARNING: medyo off yung flow ng story. I will try to edit pag may time

Matapos naming mag pahinga, pinag patuloy namin ang pag hahanap hanggang sa abutin na kami ng gabi.

"Guys, uwi na tayo, bukas nalang ulit." Sabi ni kuya Alex. Nagsipag sang-ayon naman kami.

Wala si Ycz, umalis. May pupuntahan lang daw.

"Oh kita mo na, sabi sayo wala talaga eh." Sabi sakin ni Aira.

"Oo nga, hindi kaya kami nag lalakwatsa. Hindi pa nga namin napupuntahan yung Eiffel Tower eh." Singit ni Craine.

Pag dating namin sa hotel, nakita agad namin sila Mama na kakalabas palang ng elevator.

"Oh saan kayo pupunta, Ma? Gabi na." Tanong ko.

"Dyan dyan lang. Oh sige bye muna hihi." Sagot ni Lola.

"Ingat." Sabay sabay na sambit namin.

~*~

Kinabukasan, nagising ako nang may umuga sakin.

"Xia, gising na. Kailangan na nating umuwi."

Mabilis akong napabangon dahil sa narinig ko.

"Ma, anong uuwi?" Tanong ko.

"Basta. Tara na." Pag tingin ko, naka ready na yung mga maleta namin. Samin lang.

"Bat hindi kasama sila Aira?" Tanong ko.

"Basta. Sige na, mag bihis ka na. Nag hihintay yung kotse ni Ycz sa baba." Napakamot naman ako sa ulo.

Ano ba yan, hindi ko pa nga nakikita si Czy! Siguro kami yata yung tinatawag na 'Pinag tagpo, pero hindi itinadhana'. Hahaha ansaket.

"Tara na nga." Tumayo na ako at pumasok sa cr.

Matapos ko mag bihis, wala na sila Mama pero yung mga bagahe nandito pa -,-. Ako talaga pag bubuhatin nila??

So ayun, no choice kundi ibaba yung mga maleta.

"Ano ba yan, Nak. Ang tagal mo." Reklamo ni mama nang makababa ako.

"Wow nahiya naman ako sa inyo. Kung kayo kaya nag buhat ng mga maleta niyo?" May halong sarcastic na sabi ko.

"Hehe sabi ko nga sorry. Tara na."

Pumasok nako sa loob habang nilalagay naman ni Ycz yung mga maleta sa likod.

Matapos niyang ilagay yon, sumakay na siya sa driver seat at nag drive.

"Goodmorning, Ycz. Tahimik mo yata ngayon." Pansin ko sa kaniya. Tanging tango lamang ang sinabi nito.

"Ito, nag popokus sa daan yung tao, apaka epal mo. Pag tayo nabunggo, ibabato kita." Inirapan ko naman si mama. Apaka kj talaga.

Tumigil ang sasakyan nang makarating kami sa airport.

Nauna na kami sa loob dahil ipapa-scan pa daw ni Ycz yung mga maleta sa entrance at susunod nalang samin.

Habang nag lalakad kami nakita don si Ate Zcy.

"Ate, ikaw pala."

"Yeah, ang bilis niyo naman umuwi. Hindi tayo nakapag Mall together." Napatango naman ako.

"Next time po haha." kung may next time.

"Nga pala, nahanap mo na yung taong hinahanap mo?" Umiling naman ako.

"Indi pa nga eh. Baka hindi talaga kami yung para sa isa't isa haha."

"Guys! Yung plane okay na daw!" Sabay sabay kaming napalingon sa sumigaw at nakita si Ycz na tumatakbo palapit samin mula sa exit.

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon