CHAPTER 13

912 59 3
                                    

[♧CHAPTER 13♧]

Walang tigil akong kumakain ng siomai kahit punong puno na ang bibig ko.

"Hey, stop." Pag pigil ni Ycz pero hindi ako nagpatinag. "Stop it already, Xia!" Nagulat ako nang sumigaw ito. Hindi lang pala ako kundi lahat ng estudyante sa loob ng canteen.

"Kailangan manigaw?" Tanong ko sa kaniya kahit punong puno pa ng siomai yung bibig ko.

"Look at your face, you look like a 2 years old." Nag labas siya ng panyo at pinunas sa bibig ko. Hinayaan ko na lamang siya.

"Ehem, ehem, ehem, beke nemen uso mahiya." Napatingin kami kay Craine na kasama si Tart at may parehong tray na bitbit.

Tinabig ko agad ang kamay ni Ycz sabay kuha ng cup na punong puno ng fries. Kapag talaga nakakakita ako ng pagkain, bumabalik yung galit ko.

Naiinis kasi ako kay Mama hanggang ngayon eh. Lakas ba naman mang prank! Akala ko talaga yun na eh •-•

"I said stop!" Biglang agaw ni Ycz sa fries.

"Para kang ewan, Xia!" Sabay na sambit ni Craine at Tart. Nagkatinginan naman silang dalawa tsaka galit na tinignan ang isa't isa.

"Gaya-gaya ka?"

"Ikaw kaya!"

"Nauna kaya ako!"

"Ako eh!"

"Ako nga sabi!"

Ayan na naman yung kaingayan ng dalawa.

"Tara na nga, nawala na yung inis ko kay Mama. Napunta sa dalawa." Bulong ko kay Ycz tsaka siya hinila palayo pero bago yon, akmang kukunin ko sana yung cup ng fries nang tapikin ni Ycz yung kamay ko tsaka ako sinamaan ng tingin. "Hehe," naiusal ko na lamang.

Ang epal din ni Ycz minsan 'no?? Minsan na nga lang makakain ng siomai eh. Hmp!

"Para kang si Czy.."

"Sino?" Gulat akong napatingin sa kaniya.

"W-wala! Wala! Balik na tayo sa room, madami akong hahabulin na lessons niyo eh."

Nauna na akong mag lakad sa kaniya. Shet! Bakit bigla nalang lumabas sa bibig ko yun?! Eh kasi totoo naman eh! Parang si Czy talaga siya! Hmp! Diba?? Diba??

"Tulungan na kita," nakangiti niyang sabi nang makahabol sakin.

"Okay,"

Bigla akong napahinto nang maramdaman ang isang mabigat na braso sa balikat ko.

"What?" Natatawang tanong nito.

"Alisin mo nga! Mabigat!" Tawa lamang ito ng tawa. Akala mo naman talaga! Hmp! PALIBHASA GWA---LAAAA AKONG SINABEEEEEE!!

~*~

Habang nag lalakad kami pauwi ni Craine, may nakita kaming kotseng papaalis na sa tingin ko ay mula sa bahay.

"May bisita kayo?" Biglang tanong ni Craine.

"Hindi ko alam eh, tatanungin ko nalang sila Mama." Tumango naman siya.

"Oh sige, dito na ako. Bye!" Ngumiti naman ako.

"Okay, bye!" Paalam ko dito habang ikinakaway ang kanang kamay.

Pag pasok ko sa bahay, nag liligpit sila Mama ng mga plato. Nanliit naman ang mata ko. Sure ako, wanhandred persent! Dito galing yung sakay ng kotse kanina.

"Ma, sino yung dumating?" Napalingon silang dalawa sakin.

"Wala, dating kaibigan ko lang." Tumango naman ako.

"Palit na 'ko ng damit, Ma." Mag mamano na sana ako kay Mameh nang bigla niyang harangin ang muka ko ng tsinelas.

Itong mag inang 'to, kung hindi batok, tsinelas ang aabutin. Mygoodness!

Pumunta na ako sa kwarto ko at nag palit ng damit.

Natigilan ako pagkatingin ko sa mga damit kong nakasabit sa cabinet.

Bakit nandito yung bigay ni Czy na damit? Iniwan ko to sa bahay ah?

~*~

Kinabukasan, hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sobrang pagod galing sa school.

Pag bangon ko, tumama agad ang paningin ko sa bukas na cabinet. Oo nga pala!

"Mama! Bakit nandito yung damit na bigay ni Czy?" Tanong ko habang papikit-pikit pa ang mata.

"Aba ewan ko, gamit mo yan eh!" Napakamot naman ako sa ulo. Kahit kelan talaga hindi matino kausap tong si Mama.

Bahala na nga!

Naligo na ako at sinuot ko na lang iyon at pumunta na sa sala. Umupo ako sa sahig, malinis naman ito eh, tsaka tinignan ang bulaklak ni Lola. 

Nag luluto palang sila Mama ng almusal. Kung alam niyo lang, tamad talaga ako sa bahay. Ipinikit ko muna ang mata ko dahil inaantok pa rin talaga ako.

"Oh Czy ikaw pala!" Sabay kaming napalingon ni Mama sa pintuan nang banggitin ni Lola ang pangalang iyon.

Parang nawala yung kaninang antok sa katawan ko.

"Ah hindi po. Ycz po ang pangalan ko hehe," napakurap naman kami ni Mama.

"Ay, Ycz ba? Pasensya ka na, pasok ka."

"Sige po," sinamaan namin ni Mama ng tingin si Lola.

PAASA SI LOLA!!

"Anong ginagawa mo dito, Ycz?" Tanong ko.

"Kukuha lang ako ng meryenda," sambit ni Mama.

"No need na po, I just want to invite Xia lang if pwede lang po. May picnic po kasi kami nila Tart. Pwede po ba si Xia?"

"Basta ba eh, isasama niyo si Craine." Ngumiti naman ito.

"Yes po, Tita. Thank you so much po! Let's go na, no need to change! Bye po!" At sa isang kurap, nandito na kami sa loob ng sasakyan.

"Oy, Craine..?" Gulat na bati ko. Nandito na agad siya?

"Yo! Nakidnap na naman tayo ng dalawang mokong." Bored na sambit nito.

"Picnic lang eh," nakasimangot na saad ni Tart. Siya yung nag sisilbing driver namin.

"Oo na, oo na!" Sagot na lamang ni Craine.

"Malayo ba pupuntahan natin?" Tanong ko.

"Hm, medyo lang naman." Nag kibit-balikat nalang ako.

"Matutulog muna ako. Kayo talaga sisisihin ko kapag na guidance ako dahil second day ko palang, umabsent na agad ako!"

"Kalma ka lang, nasa atin si Ycz." Sagot ni Craine na ikinatawa ni Tart.

Myghad! Puro baliw pa yata mga tao dito •-•

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon