CHAPTER 17

785 55 0
                                    

[♧CHAPTER 17♧]

"Anak, kain ka muna," rinig kong sabi ni Mama. Nakahiga lang ako sa kama at nakatalikod sa kanya.

"Xia, mag i-isang linggo ka nang hindi kumakain, baka magkasakit ka." Naramdaman ko ang pag lapit nito at ang pag upo sa gilid ng kama ko.

"Xia?"

"Busog pa ako, Ma." Yun na lamang ang sinabi ko.

"Ganon? Sayang nandyan pa naman ang kuya Akashi mo."

Nananadya ka ba, Ma?

Yan yung gusto kong sabihin pero nanatiling tikom ang mga bibig ko. Baka gawa gawa lang iyon ni Mama para kumain ako o di kaya'y lumabas ng kwarto.

Mag i-isang linggo na rin kasi simula nang makauwi kami dito. Sila Ycz, Tart at Craine ay naglagi sa isang Hotel.

"Abah! Ayaw ako pansinin? Hmp! Bahala ka nga dyan." Nag lakad na ito palabas at bago pa isara ang pinto, narinig ko itong sumigaw.

"Akashi, hindi daw sasama si Xia sa France! Mag sama ka nalang daw ng iba!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Mama.

Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto at tinanong si Mama.

"Ma, ano yun? Anong France?"

"Oh? Akala ko ba mas gusto mo sa kwarto mo? Bakit ka nandito?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ma, ano nga?"

"Oo nga, nandyan kuya Akashi mo, kausapin mo. Hmp! Narinig lang yung salitang France, kumilos agad. Samantalang ako tong nanay niya pero hindi pa rin pinansin. Nakaka-hmp talaga!" Pag paparinig ni Mama.

"Kuya Akashi," tawag ko nang makita ko itong naka-upo.

"Xia? Anong nangyari sayo, bakit ganyan itsura mo?" Hindi ko alam pero biglang namuo ang luha sa mata ko. Mabilis ako nitong niyakap at ramdam ko ang pag aalala nito. Si Mama kasi walang ginawa kundi magparinig kaya hindi ko alam kung nag aalala ba yan.

"Kuya, totoo ba yung sa France?" Tanong ko. Natawa naman ito ng mahina.

"Syempre naman, pero kailangan pa natin ng limang kasama. May gagawin kasi akong trabaho don ng isang buwan at pang-pitong tao ang binigay na plane ticket sakin. Sayang naman kung walang patutunguhan iyon di ba?" Napangiti naman ako.

"Kailan tayo aalis?"

"Bukas na, kaya yayain mo na yung mga kaibigan mo o kung sino-man na kilala mo." Sunod sunod akong tumango tsaka siya niyakap ng mahigpit.

"Maraming salamat kuya Akashi,"

"Wala yun, para sa bunso ko."

Hindi kami magkadugo ni kuya Akashi pero kung ituring niya ako ay para akong isang kapatid sa kaniya.

"Mag impake ka muna, kakausapin ko lang si Tita," tumango naman ako.

"Wushuuu happy happy siya oh," pang aasar ni Mama. "Alisin mo muna yang eyebags mo, mapapagkamalan kang adik sa France!"

"Tse!" Sigaw ko na lamang.

~*~

[Someone's POV]

"Galing mo um-acting last week ah HAHAHAHA!" Natatawang sabi ko.

"Syempre ako pa! Magaling ako eh. Hindi kagaya nung isa dyan, na halos walang ginawa." Pag paparinig niya.

"Hoy meron kaya! Hindi niyo lang nakita pero meron akong ginawa! Mas mabuti na yon kesa sa isa dyan na halos totoo-hin na yung dapat na acting lang!" Mabilis naman siyang nakatikim ng sapatos na ikinatawa namin.

"Shut the fvck up! I know what I'm doing." Natawa kami lalo nang gayahin niya ang sinabi ng isa.

"Ano na bang sunod na plano?" Biglang tanong ni ****.

"Hindi ko alam, go with the flow nalang. Basta sundin nalang natin yung plano ni ****. Bahala na kung anong mangyari." Sagot ko.

Napalingon kami kay **** nang mag ring ang cellphone niya.

"Tumatawag na siya." Natahimik naman kami bigla.

"Hello?... oum... okay... sige! Okay okay! Bye!" Pagka-end ng call, napatingin siya samin.

"WWOOOOHHHH!!! Arat na't mag FRANCEEEE!!" Napangiti naman kaming lahat.

Umaayon ang lahat sa plano HAHAHAHAHAH!

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon