CHAPTER 9

1.1K 71 4
                                    

[♧CHAPTER 9♧]

"Sige po, una na po ako Tita." Paalam ni Czy bago umalis.

HOMAYGHAD! Anong nangyari? Nasaan ako? Paano ako nakarating dito? ANONG PANGALAN KO?! TEKA ANG BILIS NG PANGYAYARE!!!! WAAA---!

"Aray ko naman, Ma!" Biglang sigaw ko nang batukan ako ni Mama.

"Kanina ka pa ngiti ng ngiti na parang timang dyan. Kakain na tayo, mag bihis ka na!" Napakamot naman ako sa ulo. Kahit kelan panira talaga si Mama amp!

"Wait lang, Ma! Gusto ko pang kiligin." Acckk!

"Sinasabi ko sayo, may kapalit yang kilig na yan! Kaya sige na, mag bihis ka na! Isusumbong kita kay Mama bukas!" Nanlaki naman ang mata ko.

"Pupunta tayo kay Lola?" Tanong ko.

"Hindi, lilipat na tayo dun bukas mismo. Nalipat na yung trabaho ko eh." Sagot niya sabay peace sign.

"Eh--"

"Alam na nila yun, kaya nga pinayagan kitang makipag date eh." Sabi niya sabay ngiti.

"Naks naman Mama! Payakap nga dyan!" Akmang yayakapin ko si Mama nang bigla niya akong ambahan ng batok.

"Sige, subukan mo lang." Pag babanta niya.

"Arte naman," mahinang bulong ko. Paano ba naman, ayaw makipag yakap sakin kapag hindi ako nag papalit ng damit na malinis. Naalala kong nabasa pala kami nung sumakay kami sa isang ride sa EK.

"Bubulong bulong ka pa, narinig ko naman! Dun ka na!"

Nag kibit-balikat nalang ako tsaka pumasok sa kwarto para mag bihis. So hindi ko na pala kailangan mag paalam sa kanila?

Hay nako, kung kelan naman na crushback nako, hmp! Kahit kelan bad timing talaga tong si Mama.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext isa isa sila Aira. Nag paalam lang naman ako. Nag dadalawang isip pa ako kung ise-send ko kay crush yung napaka-habang pamamaalam ko. Waaahhh!

"Xia, kakain na!" Napalingon ako sa pinto nang tawagin ako ni Mama.

"Okay!" Pinatay ko na ang cellphone ko tsaka lumabas.

"Mag impake ka na pagkatapos kumain. Kung hindi ako nagkakamali, mga 2 years yata tayo kila Mama." Tumango naman ako. Tagal! Sobrang tagaaaal!! Huhu hayaan na nga. Makakalimutan ko din naman si Czy. Crush ko lang naman siya eh. Tama, crush lang.

~*~

"Wala ka na bang naiwan?" Umiling naman ako. Nilock na ni Mama yung gate namin.

Nilabas ko na lahat ng maleta at dinala sa taxi na sasakyan namin para ilagay sa compartment. Ngayon na kami aalis. Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar.

Napangiti naman ako. Mabilis lang yung 2 years. Alam kong mabilis lang yun.

"Tara na," pumasok na kami sa taxi. Nang umandar na ito, bigla kong nakita ang isang pigura ng taong gusto kong makita. Nakangiti ito habang kumakaway sakin.

"Czy.." mahinang sambit ko at pilit pinipigilan ang luhang gustong pumatak. 2 years.. babalik agad ako.

"Umiyak ka kung gusto mo. Wala namang nag sabi na bawal ang umiyak." Dahil sa sinabi ni Mama, sunod sunod na umagos ang luha ko.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na ang pag iyak. Nagising nalang ako nang naramdaman kong huminto ang sasakyan.

"Traffic, rush hour kasi." Sabi ni Mama. Tumango naman ako.

Sumulyap ako saglit sa labas ng bintana sa side ni Mama at napakunot ang noo ko sa nakita ko.

"Ma, si Czy ba yan?" Turo ko sa pasahero ng ibang taxi pero pagkalingon ni Mama ay saktong umandar iyon.

"Saan? Nako Xia, isang oras palang tayong nakakalayo sa bahay namiss mo na agad yung crush mo? Tsaka isa pa, imposible namang siya yun dahil pabalik ang tinatahak ng taxi na iyon. Utak nga, Rei! Naging anak pa naman kita." Napatango tango naman ako sa sinabi ni Mama. Hay nako! Utak nga self! Utak!!

Bumalik nalang ako sa pag tulog. Saktong 6pm nakarating kami sa probinsya ni Lola.

"Lola!! I miss you!" Sinugod ko agad ng yakap si Lola nang makita ko ito.

"I miss you din!" Sambit nito sabay yakap sakin ng mahigpit. Nang pakawalan namin ang isa't isa, nagulat ako nang bigla niya akong batukan.

"Lola naman?"

"Ilang buwan lang tayong hindi nag kita, Rei! Lola ka ng Lola, sinabing Mameh!" Napakamot naman ako sa ulo. Oo nga pala. Isa ring maagang nabuntis si Lola. Bakit ko ba kasi nakalimutan?!

"Oh sige na, ayusin niyo na yung mga gamit niyo at nang makakain na kayo. Ang haba ng binyahe niyo." Ngayon naman si Mamanaman ang bumatok kay Lola.

"Uso mag isip, Ma. Malamang mahaba ang byahe dahil malayo." Napakamot naman sa ulo si Lola sabay lapit sakin.

"Ang sadista ng Mama mo." Bulong niya sakin na ikinatawa ko sabay bulong pabalik ng, "Mana sayo eh HAHAHAHA!" Tumakbo na ako papasok sa bahay bago pa ako bugbugin ni Lola.

"Oo nga pala, nai-transfer na kita sa magiging school mo. Next week ka na daw mag sisimula."

"Salamat, Lola--este Mameh!" Bigla kong sambit nang akmang ibabato niya yung hawak niyang tsinelas.

"Mag bihis ka na, Rei!"

"Yes, Ma!" Pumasok na ako sa kwarto ko tsaka nag bihis. Tinignan ko ang sarili ko sa isang full body mirror na nasa tabi ng cabinet. Napangiti naman ako.

OPLAN: PAG-SELOSIN SI CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon