CHAPTER 3

103 5 0
                                    

[Althea's POV]


Ano? Gusto niya makipag kaibigan? hmmm... Mukha naman siyang mabait diba? 



Justin Liam Gonzales




Pwede naman

Talaga??

Yay!

Since magkaibigan tayo tara kain

Ay nako Liam wala akong pera

Libre ko dali. Uwian mo na ba? Puntahan kita diyan alm ko naman school mona

Ha? wag na! Nakakahiya naman ikaw na nga manlilibre

Wala ka nang magagawa nasa labas na ako nang school niyo. 

TAO PO!!

Ang Sungit naman nang guard niyo nag tatanong lang ako eh

Ha?! Nasa labas ka na?

Teka lang! Mag lalakad na ako.



Nakakaloka naman tong lalaking toh! Ambilis mag lakad pero kung sabagay diyan lang naman school nila pero ang aga nang uwian nila ah.



Pagkalabas ko nang gate ay agad kong nakita si Liam na nakaupo sa isa sa mga bench nang school at pinagtitinginan siya nang mga school mates ko. Paano ba naman eh ang Gwapo Gwapo tapos nakauniform pa siya ng EWU na school nang mga mayayaman tapos nakaupo lang sa bench habang tirik na tirik yung araw? 



"Liam!" Sigaw ko kaya napatingin tuloy siya saakin at napatayo. Ang ganda nang ngiti niya ah! Ako ba ang dahilan? Char! "Sorry kung pinag-antay kita. Napawisan ka tuloy"



"Ayos lang yun. May panyo naman eh" Sabi niya sabay labas nang panyo sa pocket niya at nag punas nang pawis sa noo neto at sa leeg. Shaks ang hot niya para akong nag lalaway. "Uy okay ka lang ? Masama ba pakiramdam mo?"



Napailing ako bigla at napaatras nang hahawakan niya sana ang noo ko. Wag! Pawis ako!



"Ah Wala. May Iniisip lang ako. So san tayo?"



"Ahhmm ikaw ba san mo gusto kumain?" Tanong niya saakin at alam mo naman kung saan.

Once Again with you [Dark Ace Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon