[ALTHEA'S POV]
"Ano bang gagawin natin dito sa Mall, Liam?" Tanong ko habang sinusundan siya. Kanina pa kami lakad nang lakad pero wala pa kaming napupuntahan dito sa mall na toh.
"May gusto ka bang puntahan?" Bigla niyang tanong kaya napakunot ang noo ko. Akala ko ba may gusto siyang puntahan kaya niyaya niya ako bakit ako tinanong niya.
"Bakit mo ko tinatanong eh ikaw nag aya. Ano naman gagawin ko dito eh wala naman akong pera" Pagmamaktol ko.
"Sige na nga tara kain tayo sa chowking" Ha?
"Wala akong pera Liam!" Kinuha niya yung kamay ko at hinila hila ako papunta sa malapit na chowking. Di masyadong crowded dito sa chowking nato di kagaya nung sa school namin.
"Ako nang bahala wag ka na mag salita diyan at umupo ka na lang" Pinaupo niya ako sa upuan at dumeretso na sa counter. Sobra naman na akong nahihiya kay Liam dahil panay libre niya na lang saakin nang pagkain. Di ko naman siya malibre dahil wala naman talaga akong pera pero susubukan ko siyan Ilibre nang fishball tutal kumakain naman siya nun.
Ilang minuto lang ay nag lakad na siya palapit sa table namin at nilapag na yung tray nang Chinese Lauriat.
"Oh eto yung walang hipon" Nilapag niya yung tray at may Milk tea pa ah. Galante talaga eh mahal mahal nang Milktea dito.
"Di mo naman ako kailangan ilibre lagi Liam eh. Baka sabihin nila nakipag kaibigan lang ako sayo dahil sa mga libre mo" Naiilang na sabi ko.
"Wala akong pakealam sakanila ang mahalaga alam kong ako may gusto neto. Sige na kumain ka na" Ngumiti ito at ako naman ay kumain na din.
"Siya nga pala Liam bakit mo pa pala ako niyaya dito sa mall? Wala ka bang ibang closer friends sa school mo? Bakit naman nag titiwala ka saakin agad eh taga kabilang school ako at sa public ba. Hindi ba kagaya nang mga mayayaman na panget ang tingin sa mga nasa public school?"
"Hmm?? Ano naman difference eh tao rin naman kayo at di ko iniisip na masamang tao kayo noh. Tsk mayayabang lang nag sasabi nun eh di naman kanila yung pera na hawak nila wag silang mayabang. tsaka sawa na ako makasama mga kaibigan ko I want someone new"
Nakakabilib din talaga tong lalaking toh.
"Oh and yeah gusto ko sana bumili nang Bouquet of flowers para sa babaeng gusto ko eh" Ano? Nang marinig ko yon ay parang may kumirop sa kaliwang dibdib ko. Teka ano ba tong nararamdaman ko? Wag mong sabihin may gusto na ako sakanya!?
BINABASA MO ANG
Once Again with you [Dark Ace Series #2]
RomanceDARK ACE SERIES #2: Once Again with you Thea Believes in the saying that "Once a Playboy, Always a Playboy" that's what she thinks of his Playboy Ex-Boyfriend Justin. But it's not too late, They say it's easy to Forgive but is it really easy to Forg...