[Althea's POV]
"Althea Jean! Bumangon ka na at may pasok ka na sa school mo!" Rinig kong katok ni Mama sa pinto nang kwarto ko. Sinubukan kong imulat yung mata ko at kinuha ko yung phone ko para tignan yung oras.
Fuck! 6:30 am na?! 7 ang oras ko kaya kailangan kong mag madali dahil di ako pwedeng malate dahil lagi na lang akong late.
Naligo lang ako sandali tapos sinuot ko na yung uniform nang East Wood National Highschool. Isa siyang Green na palda at White blouse na may necktie at nakalagay ay 3rd year high school.
"Ma alis na po ako! Late na po kasi ako eh" Sigaw ko.
"Di ka na ba kakain anak? mag paalam ka na sa papa mo at humingi nang baon mo" Sabi ni mama sakin.
"Di na ma dun na ako sa school malalate nanaman ako eh" Sabi ko kaya tumakbo na ako papunta kay papa at niyakap yun at hinalikan sa pisngi. "Pa, Alis na po ako. Enge baon"
Ngumiti si papa at ginulo ang buhok ko. Only child lang kasi ako kaya spoiled sila saakin pero di kagaya nang ibang spoiled ay binibili ang gusto nila dahil ako ipapabili lang ang kailangan dahil di naman kami mayaman kaya nga sa public school lang din ako nag aaral dahil di ako kaya pag aralin nang magulang ko sa Mamahaling school. Lalo na't mag sesenior high na ako next next year.
Binigyan ako ni papa nang 100 pesos at nilagay na sa wallet ko.
"Thank you papa" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Oh siya mag ingat ka ha?"
"Kayo din po papa pag pumasok na kayo" Sabi ni Papa saakin. Nagtatrabaho sa isang factory si Papa habang si Mama naman ay nagtitinda nang Gulay sa palengke kaya di kami yung ganong pinagpala pero di ko kinahihiya yun dahil atlease napapagaral pa rin ako nang magulang ko.
Pagkalabas ko nang bahay ay agad akong nag lakad papunta sa sakayan nang jeep dahil mahal ang trycicle papunta dun tsaka malapit lang naman eh para jeep lang babayaran ko.
Nang makarating ako ay sumakay na ako nang jeep papuntang East Wood National Highschool. Public School eto na malapit dun sa university nang mga mayayaman. Minsan nga pag nakikita ko yung school na yun iniimagine ko sarili ko na nag aaral dun pero ayun nga mahal kaya mukhang di na ako makakapag aral dun unless may Scholarship sila or yumaman na lang kami bigla.
"Para po!" Sigaw ko kaya tumigil na yung jeep sa kanto nang Eastwood at pumasok na ako sa gate nang school.
Nakarating naman ako agad sa classroom at laking pasasalamat ko ay wala pa yung teacher namin. Magulo pa yung mga classmates ko at nag hahabulan na akala mo mga bata pa eh ang tatanda na. Kinuha ko yung Math book ko at nag basa na para sa quiz mamaya.
"Huy Thea! Pakopya ako mamaya sayo ah" Sabi nang kaklase kong lalaki na katabi ko sa upuan.
"Puro ka kopya mag aral ka kaya" Hamon ko dito.
"Bakit pa eh andiyan ka naman HAHAHA!" Umirap na lang ako at bumalik sa pag babasa. Tsk! Bahala siya kung ayaw niya nang future edi wag. Di ko naman sila kasama habang buhay para kopyahan nila gawa ko.
Ilang minuto lang ay dumating na yung Math teacher namin at nagsimula siya magpaquiz. Naiilang pa ako dahil etong katabi ko panay tingin saakin pero hindi ko na lang pinansin dahil sanay naman siya na kumopya nang di nahuhuli pero pag nahuli siya wag niya na lang akong idamay dahil siya lang naman may gusto saming dalawa.

BINABASA MO ANG
Once Again with you [Dark Ace Series #2]
RomanceDARK ACE SERIES #2: Once Again with you Thea Believes in the saying that "Once a Playboy, Always a Playboy" that's what she thinks of his Playboy Ex-Boyfriend Justin. But it's not too late, They say it's easy to Forgive but is it really easy to Forg...