CHAPTER 4

101 4 0
                                    


[Althea's POV]




"Di Totoo yan! Di ko kadate yan. Magkakilala kami Oo pero di kami nag dadate" Tanggi ko kasi totoo naman eh.



"Talaga lang ha? Bakit parang ang sweet sweet niyo dito" Muling tinignan ni Joel yung picture sa Cellphone ni Selene at tinuro yung litrato namin sa Secret Files.



"Alam niyo ewan ko ba bakit pinagtatanggol ko pa sarili ko. Eh kung ayaw niyo maniwala edi wag wala naman akong dahilan para mag explain sainyo eh" Sabi ko na lang at umupo sa upuan. Binibigyan nila nang malisya eh mag kaibigan lang naman kami niyan ni Liam.



Di ko alam kung bakit antagal tagal nang oras dito sa school ngayon siguro ay naiilang talaga ako sa mga kaschool-mates ko na pinagtitinginan ako.



Gaano ba ka big deal sakanila ang makasama yung taga kabila eh tao rin naman yung mga yun na pwede makipag kaibigan. Ngayon lang ba sila nakaranas na mag ka-kaibigan dun sa EWU?



"Pero seryoso nga sis, Di naman kayo nung Justin diba?" Tanong saakin ni Selene habang andito kami sa loob nang classroom nag aayos nang gamit dahil pauwi na rin kami.



"Hindi nga kami at magkaibigan lang alam mo naman yun diba? Tsaka bat naman ako papatulan nun eh mga magagandang mayaman na sexy lang gusto nun eh di ako type nun"



"Uy maganda at Sexy ka naman eh di nga lang mayaman pero majority pa rin yung meron mo kaya possible yun"



"Tumigil ka na nga Selene." Sabi ko at nag lakad na kami paexit. Sabay kami ni Juris uuwi ngayon kaso 10 mins pa bago mag uwian niya kaya mag aantay ako sa labas nang East Borders.



"Bye Thea!" Kaway ni Selene at nag lakad na papunta sa sakayan nang Jeep samantalang ako naman ay nag lakad na pakabilang kanto kung saan ang school ni Juris.



Tahimik pa sa East Borders kaya umupo muna ako sa Bench at nag Chat kay Juris na andito na ako sa labas.



Jules Maris Enriquez

Andito na ako sa labas

We're almost done

Las sub na lang

Sige andito lang ako sa labas



"Uy Jean!" Napatingin ako bigla sa tumawag saakin saka ko nakita si Liam na palapit saakin habang kumakaway.



"Uy andito ka rin?" Di naman ako nagulat dahil alam kong meron siyang pinupuntahan dito lagi.



"Oo, May susunduin akong kaibigan." Tumango ako baka yun yung kaibigan niya na sinundo niya rin before. Sino kaya yun? "Ikaw ba?"



"Si Juris"

Once Again with you [Dark Ace Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon