CHAPTER 12

9 1 1
                                    

"Is this your house?" Tanong sa akin ni gguk habang nakatingin kami sa labas ng Bahay ko. Teka para namang between manliligaw or galing ako sa date nito. Jusmiyo marimar.

Napailing ako bago sumagot. "Yes, Yes. Jusmiyo. Ito nga ang aking munting tahanan. Laki noh?" He chuckled kahit na di nito naiintindihan.

Bakit ba ako nagtatagalog? Di naman naiintindihan ni pastilyas eh. Napahawak ako sa noo ko, Mababaliw na ako. Ngayon alam kona kung paano kasama tong pastilyas na to.

Nyemas, Nakakapagod. Pano ba naman, Niyaya akong pumunta ng mga arcades at mga rides! Jusko naman, Pakiramdam ko mamamatay ako kakaduwal kanina. I really hate heights! I'm so scared!

Pakiramdam ko mamamatay ako, Now I feel so freaking dizzy to the point na hindi na ako makauwi dahil sa pagkahilo ko. Kaya nagprisinta si pastilyas na iuwi na ako.

Sino ba naman ako para tumanggi diba? Atsaka sabi nila ganon daw pag dalagang pilipina. Nung una ay pabebe pa ako na parang ayaw kaya lang ang pastilyas ay hindi nakuha sa isang pagtanggi.

Nyemas sabi ba naman "Okay, Get home safely." Sabay ngiti. Paikutin koto sa ere eh tapos sisipain ko papuntang Yuropa. Juskong buhay. Mababaliw na talaga ako.

Hindi dahil hindi parin ako makapaniwala na kasama ko ito. Kundi dahil sa mga pinaggagagawa namin. Pag kasama ko to para akong teenager. Jusmiyo.

T-Teka. Hindi naman ako matanda ah! Kala mo matanda. Mas matanda parin si pastilyas sakin ng isang taon. Dzuh!

"Hey!"

Napakurap-kurap ako dahil nasa labas ng pinto ko si Pastilyas habang hawak niya ang pinto ng kotse niyang nakabukas na pala kanina pa. Kaya pala malamok. Napakamot ako sa braso at tinignan siya.

"You okay? Do you still feel dizzy?"

Tanong nito. Inirapan ko ito. Ay ewan, Talagang ganito ako sa mga tao eh. Feeling super pakening close. Ano ba? Aarte kayo? Maghanap din kayo ng koreano! O kaya taga ape clan.

"No need pastilyas. I'm fine like a kalabaw na sumisisid sa gitna ng aquarine." Bigla akong nagtaka. Punyeta, Aquarine bayon? Parang may kulang. Amboba ko talaga.

Teka hindi, Sabi nila love yourself kaya kahit gaano kapa kaboba dapat mong mahalin ang iyong sarili. Nope! I'm beauty with brains. Dzuh!

Tumikhim ito at nagsalita.

"You sure you're okay?"

Nagaalalang tanong nito. Agad naman akong tumango at ngumiti. Aba syempre naman ako ata ito. I survived for years para lang dito sa freedom na buhay na ito. Dzuh.

"Yes na yes, Pastilyas. You shouls go home now, I wanna bath narin kasi eh. See you next time nalang, I'll go ahead now pastilyas." Napatigil ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Wait..."

Kinabahan ako nang lumapit pa siya sa akin. Pinagcross ko ang mga kamay ko sakaniya at nagkunyaring isa siyang masamang ispirito. Well, Pinoprotektahan ko lang naman ang puri ko.

Mamaya ito na yung mga nakikita ko sa movies at baka halikan ako nito! Di pa naman ako nababaliw noh! Dzuh! Bawal ang perst kiss rito noh dzuh.

"Hep! hep! hep! No kissing! Ano bayan pastilyas, Ngayon lang tayo nagkita tapis ambilis bilis mo na kaagad. You're faster than I expect! Pastilyas naman. Walang ganon."

At yun na nga, Tumawa ito ng malakas nang marealize nito kung anong punyeta kong sinasabi. I glared at him. Madalas talaga, No. Kanina ko pa gustong paliparin pabalik ng korea tong koreanong pastilyas nato.

I'm In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon