Chapter 2
CHRYS POV
"Kuya! Hintayin mo naman ako. Anong akala mo sa paa ko, stretchable na kapag malayo ka na papahabain ko na lang?" bulyaw ko sakanya sa may gate
"Ano ba naman kasing meron diyan sa paa mo at ang bagal kumilos?"
"Gawa kase sa ginto yung paa ko kaya mabigat. Kaya kung ako sayo, ingatan mo ko!"
"Kahit naman di yan gawa sa ginto, iingatan parin kita!"
"AW... ang sweet ni kuya! Magkano ba kailangan mo?"
"Ewan ko sayo Chrys! Halika na nga at ipapakilala pa kita sa mga kaibigan ko. Nang hindi ka magmukhang pulubi pag wala ako."
"Ganda ko naming pulubi kuya."
"-_-"
"he-he-he-he-he"
"TARA NA NGA!"
"Oo na! BWISET!!!"
"Chris!" may sumigaw sa likod namin. Sabay kami napalingon sa likod namin.
"Siya ba yung sister mo?" sabi nung lalaki. Infairness, mukhang playboy. Psh
"Ah oo. Chrys si Rhem. Rhem si Chrys, kapatid ko."
"Hi. Nice to meet you Rhem" kinamayan ko siya. Pero saglit lang. Allergic ako sa playboy eh.
"Hi Chris? Chris as in C-H-R-I-S na katulad ng sa kuya mo or iba pang spelling?"
"Chrys as in C-H-R-Y-S" pagdi-diin ko sa Y...
"I see. Ah sige Chris. Alis na ko ha. Nice meeting you Rys."
"ANUDAW SABE? Rys? Mukha niya!"
"pero ayos naman yung pangalan mo ah. Rys."
"kunsabagay, para na rin hindi tayo malito kung sino tinatawag satin."
"psh. Crush mo lang si Rhem"
"huh? Yung lalaking yon? Eh mukha ngang hobby nun ang pambababae eh. Samahan mo pa na favorite niang tambayan ang bar with prostitute-like girls."
"huh? Ano bang sinasabi mo? Eh student council president yon. Top 1 sa junior. Kaya ko nga yon naging ka-tropa kase pareho kaming nasa varsity."
"eh? Talaga lang ha?"
"Oo nga. Wag ka ngang maging praning diyan. Araw-araw ka naman nakakakita ng gwapo ah." Halatang patukoy sa sarili niya. Kuya tlga. Tss.
"Oo nga naman. Puno kase ng posters ng EXO at BTS ung kwarto ko eh." Pang-aalaska ko sakanya.
"Ah ganun ha?" ayun. Kiniliti lang naman niya ako sa hallway. Then the bell rings.
"Kuya... Time na! San yung room ko?"
"Ah. Hatid na kita! Papayagan naman siguro akong ma-late ng saglit kase hinatid naman kita."
"Oh sige tara na!"